Chapter 13

122 10 4
                                    

Habang nasa kalesa at binabaybay ang daan ng San Diego pauwi sa Hacienda ay nakita ko si Hulia na nasa tapat ng simbahan eksaktong paghalik niya sa kamay ng bagong Kura ang nakita ko.

"Kuya para este ihinto mo na dito." Sabi ko sa karitero na agad naman sumunod kaya dali dali akong bumaba at hinayaan si Belinda na magbayad.

"Ate!" Malakas na sigaw ko na nakakuha sa atensyon niya at sa Kura bahagya pa siyang nagulat nang makita ako.

"Huana ano at naparito ka?" Gulat na sabi niya saakin nang makalapit ako. "Mahal na Kura, ang aking kapatid." Maikling pakilala niya saakin sa Kura at hindi na hinayaan na makasagot ako sa tanong niya. Tinapunan ko nang tingin ang Kura na nakatingin lang din saakin bago tumango tango.

"Si, si, lo recuerdo..." Yes, yes naalala ko nga siya. Hindi ko naiintindihan ang sinabi niya pero inilahad niya ang kamay saakin na tila naghihintay na halikan ko iyon umubo rin siya na tila nagpapahiwatig na magbigay galang ako at halikan ang kamay niya.

Siniko ako ni Hulia kaya wala akong choice kundi gawin ang gusto ng Kura malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko nago hawakan ang kamay niya at halikan iyon kaya dumampi ang labi ko sa kamay niya.

Pagkatapos noon ay ngumiti siya saakin. "Mas malambot ang labi ng iyong kapatid kaysa sayo hija," napanganga ako sa sinabi niya at napatingin kay Hulia na tila nagulat rin ngunit agad na ngumiti at nahiya sa sinabi ng Kura.

Aba! Hindi bat tila pambabastos rin iyon. Ngayon ay mas lalong ayaw ko na sa kaniya.

"Tingin ko rin ay mas marikit at kaaya ayang dalawa si Hulia..." Tinignan niya ako bago muling ibalik ang tingin kay Hulia. "At tila mas malapit siya sa panginoon at diyos...napakainosente at matimtimang babae lahat ng lalaki ay tila nanaisin na amging kabiyak mo." Pinasadahan niya ng tingin si Hulia mula ulo hanggang paa at tila makahulugan ang mga sinabi niya.

"S-salamat ho Mahal na kura bagamat hindi ho ako sanay na napupuri ho ako ng ganito," nahihiyang ngiti ang ibinigay ni Hulia sa kaniya.

"Hindi sanay?" Tila nagtaka na sabi ng Kura. "Wala ka bang nobyo uoang pumuri sa gandang meron ka?" Muli siyang umubo habang nakatingin kay Hulia na napailing sa sinabi niya.

"Wala ho Mahal na Kura..." Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya na tila nasiyahan sa narinig. "Tanging ang aking kapatid lamang ang may nobyo at nakatakda nang ikasal." Napatingin saakin ang Kura at napatango tango.

"Halina na muna kayo sa loob ng kumbento nang sa gayon ay matikman natin ang munti mong alay," Nakangiting sabi niya habang nakatingin kay Hulia. Doon ko lamang napansin na may hawak na basket iyong sakristan mayor niya na kung hindi ako nagkakamali ay tinawag niyang Crisanto noong bisitahin namin siya.

"Patawad padre ngunit tatanggihan muna namin ang alok ninyo nais namin na mas makausap kayo ngunit kami rin ay nagmamadali lalo ay may mahalaga akong kailangang gawin." Magalang na sabi ni Hulia kaya nakahinga ako ng maluwag buti na lang at hindi niya tinggap ang alok nito.

"Nauunawaan ko ngunit sa susunod ay hindi niyo na ako maaring tanggihan," pabirong sabi nito. "Masusunod Padre, mauuna na ho kami nang aking kapatid."

Hinawakan ni Hulia ang braso ko at tumalikod na kami paalis sa padre. "Ano at naparito ka?" Nagtatakang bulong niya saakin.

"Pauwi na kami nang matanaw kita kaya bumaba kami sa kalesa eh ikaw anong ginagawa mo rito?"

"Naisipan kong maghandog ng ilang pagkain sa Kura kaya namili muna ako...patutungo na ako sa mga maaring pagtuluyan ni Ama, sasama ka ba?" Umulingyako sa tanong niya. "Hindi na ikaw na lang mas gusto ko yata magpahinga ngayong araw." Tumango tango siya sa sinabi ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Storyteller (Editing)Where stories live. Discover now