Chapter 5

159 16 17
                                    

Nang nakarating kami sa isang malaking Mansyon ay dalawang kumuha ng mga gamit na bitbit namin. Ang kumuha sa gamit ay nginitian ako na nginitian ko rin pabalik.

"Narito na po pala kayo Senorita Hulia, tatawagin ko lang si Donya Dolores sa kaniyang silid. Kanina pa niya kayo hinihintay." Nakangiting sabi ng isang katulong na nakatayo lang sa gilid.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay at mangha-manghang ako sa ganda at lawak ng Mansyon. Gawa sa kahoy at napaka elegante tignan mula sa sahig, hagdan at pader ng bahay parang yung nga bahay na pinapasyalan dahil sa traditional look nila. Ganon na ganon ang itsura ng bahay.

Maya maya pa ay may babaeng bumaba mula sa malaking hagdan na nasa harap ng entrance ng pinto. Isang matandang babae na napakaelegante ng suot at itsura niya. Nakangiting bumaba siya saamin lalo na saakin.

"Ina." Nakangiting sabi ni Hulia ng makalapit siya saamin nginitian siya nito bago ako tignan.

"Huana, anak." Nanabik na sabi niya at nagulat ko ng yakapin niya ako.

"Kay tagal kong hindi nasilayan ang napakaamo mong mukha anak ko." Naiiyak na sabi niya. "Kamusta ang lagay mo? Inaalagaan ka ba ng maayos ng mga Madre? Hindi ka ba nila sinasaktan?"

Nahihiyang umiling ako sa kaniya. "Hindi po. Maayos po ang pakikitungo nila."

"Mabuti naman kung ganon kay tagal kitang hindi nasilayan anak ko, ang laki ng pinagbago mo." Nakangiting sabi niya saakin. "Pagpasensyahan mo ma at hindi ako nakasama sa pagsundo sayo sa Santa Clara kanina at marami akong inaasikaso sa negosyo natin."

"Ayos lang po iyon." Nahihiya na sabi ko.

Napatingin siya sa librong hawak ko kaya agad niya itong itinanong saakin. "Ano ang librong yan?" Napatingin din ako sa libro bago siya sagutin.

"Uhm..." Akma niya iyong kukunin ng bahagya kong ilayo at ngumiti ng hilaw sa kaniya. "Ibinigay ito saakin Madre Gabriella." Palusot ko. Hindi pwedeng may ibang makahawak sa librong ito.

Nagulat siya sa sinabi ko tsaka bahagyang ngumiti bago tinignan ang isa sa mga katulong.

"Belinda samahan mo na si Huana sa kaniyang silid at nakatitiyak akong napagod siya sa byahe."

"Masusunod po Senorita Dolores." Magalang na sabi nito bago ako lapitan. "Halika na ho Señorita Huana." Nakangiting sabi niya habang bitbit ang mga gamit ko naglakad na siya habang sinusundan ko lang siya.

Nang makaakyat kami sa susunod na palapag ay maraming pintuan sa hallway, hinayaan niyang makapasok muna ako sa isa sa mga silid bago siya sumunod saakin.

"Wow." Namamangha na sabi ko kung malaki na ang silid sa beateryo ay di hamak na mas maganda at mas malaki ang silid na ito. Meron itong magandang kama, magandang tukador, magandang kabinet ang ganda ng pader at sahig ang linis linis tignan.

"Lagi itong pinapaayos saamin ni Senorita Dolores kahit noong nasa Beateryo pa lang ho kayo." Pagsasalita nung Belinda saakin. "Nais niya na laging malinis ang silid na ito dahil silid niyo ito."

Sinimulan na niyang alisin ang mga damit ko aa bag at inayos iyon upang mailagay sa kabinet.

"Senorita Huana mamaya nga ho pala ay may pagdidiwang na magaganap sa bahay ng inyong kasintahan at ito po ang nais ng inyong Ina na isuot ninyo." Itinaas niya ang ilang mga tela na nasa kama.

"Ang ganda naman niyan." Namamangha na sabi ko.

"Iwan ko na muna kayo upang makapagpahinga kayo mamaya ho ay babalik ako upang ayusan kayo." Magalang na sabi niya bago lumabas sa pintuan ng kwarto.

***

Pumasok na kami sa loob ng Malaking Mansyon at kitang kita ang kasiyahan ng mga tao. Nilibot ko ang paningin ko ay may halatang nagkakasiyahan ang mga tao sa taas ay may magandang chandelier na kumikinang.

The Storyteller (Editing)Место, где живут истории. Откройте их для себя