Chapter 11

163 13 22
                                    

Nilapitan kami agad ni Doñia Dolores nang makita na bumaba na kami sa sala ni Hulia at parehong nakaready na para sa agenda pagbisita raw kay Don Jaime na hindi ko naman alam kung saang lupalop ng mundo iyon.

"Opo Ina, tiyak na may pila pa mamaya sa pagsakay kaya po kailangan na naming umalis para hindi kami matagalan," Si Hulia na ang sumagot dahil wala naman akong alam sa kung saan man kami pupunta basta sumusunod lang ako sa kaniya. Parang tuta niya lang ako.

"Oh mag-iingat kayo at huwag kayong pagagabi, mag-iingat kayo sa bangka ha." Paalala niya at inayos ang damit namin ni Hulia bago kami nginitian.

Teka, bangka? Tama ba ang rinig ko? Anong gagawin namin sa bangka akala ko ba mamasyal lang kami sa Ama nilang si Don Jaime bakit may bangka oh baka naman magbabarko ang tatay nila pero impossible dahil isa sila sa mayamang pamilya dito sa San Diego baka naman ay namali lang ako ng rinig.

"Tinitiyak ko hong babalik kami agad ni Huana, hindi ho naman nais na pag-alalahanin kayo." Malumanay na sabi ni Hulia sa Ina na matamis nitong nginitian.

"Mag-iingat ka ho Señorita," Nakangiting bulong saakin ni Belinda bago kami makalabas sa loob ng Mansyon.

Bumaba kami sa kalesa nang tumigil ito malapit sa may lawa may mga nagtitinda at bumibili sa kanila, maraming may hawak ng kaniya-kaniya nilang basket habang inuusisa ang mga paninda. Ito na yun? Tindero ba ang Ama nila Hulia at narito kami.

"Ang natatanaw ng paningin mo ay sakop ang hacienda ng angkan ng Alvarez," Sabi ni Hulia nang mapansin na nakatulala akong nakatingin sa paligid.

Alvarez sila Flavio iyon ah. Ibig sabihin ay ganito sila kayaman.

"Tiyak na kapag ikinasal na kayo ay mas makikilala at mas yayaman ang ating Familya." Natutuwang sabi niya habang sa loob loob ko ay nakangiwi na ako dahil hello, anong kasal? Ang bata bata ko pa no marami pa akong pangarap sa buhay.

Hinarap ko siya at nakitang nakatingin din siya sa lawa at mga nagtitinda sa harapan namin. "Hulia, may salapi ka ba riyan?" Agad siyang napatingin saakin habang nakakunot ang noo. "Bakit? May nais ka bang bilhin?" Agaran akong tumango sa kaniya.

"Nagugutom na ako eh, bibili lang ako nung tintinda ni Manong na pagkain hindi pa kase tayo kumakain eh." Nakabusangot na sabi ko nagulat naman ako ng bahagya niya akong hampasin ng hawak niyang abaniko at kinurot ako sa baywang.

"Ano ka ba Huana! Mamaya ay kakain na rin tayo kay Ama mas masasarap at mas malinis pa sa mga tinda nila rito tsaka kailan ka pa natuto na kumain ng tinda ng mga Indio hindi ka sigurado kung malinis ang pagkakagawa nila riyan!" Pabulong na sita niya saakin kaya mas napabusangot ako.

Napaka-judgemental naman tsaka isa pa madalas naman akong kumain ng street foods noon na nagtitinda sa harapan ng school at never naman akong nagkasakit dahil doon syempre tulad nga ng sabi ni Catriona Gray, In moderation.

Nabalik ako sa realidad nang hawakan niya ako sa braso at hilain ako para pumili sa nga sasakay sa barko kaya pala may lawa ay dahil sakayan iyon ng mga patutungo sa kabilang lugar na nahahati ng lawa. Nang kami na ang sasakay sa barko ay mas lalo akong kinabahan at nanlalamig na ang kamay ko.

"Halika na at sasampa na tayo sa bangka." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at tila nawala ang gutom ko.

"Ha? Ano uhm," Isip Leondale dalian mo mag-isip ka ng dahilan para makatakas ka rito. "N-natatae ako."

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. "Natatae ako Hulia, i-ikaw na lang tumuloy." Pinanlakihan niya ako ng mata na hindi binibili ang palusot ko.

"Huwag ka na magdahilan pa Huana kasasabi mo lamang na nagugutom ka ngayon naman ay natatae ka paano naman mangyayari iyon, aber?" Tinaasan niya ako ng kilay at wala naman akong maisip na dahilan dahil may punto naman siya kaya napangiwi na lang ako sa kaniya.

The Storyteller (Editing)Where stories live. Discover now