Chapter 9

145 15 18
                                    

Nakasunod lang kami sa likod ni Doña Dolores at Huana habang sinisiyasat nila ang mga ginagawa ng bawat empleyado nila.

Para naman kaming baliw ni Flavio sa likuran nila dahil todo ngiti siya habang ako ay yamot na yamot sa kaniya na tila wala lang sa kaniya at mas lalo pang nangingiti tuwing sinusungitan ko siya.

"Sayo ba ito?" Maya maya ay tanong niya. "Alin?" Tanong ko at hindi siya nililingon at patuloy na naglalakad.

"Ito oh," inis ko siyang hinarap at ready na sana ulit sungitan siya ng makita ko ang hawak niya nanlaki ang mata ko ng makita ko kung ano iyon. Yung binurda ko kagabi na hindi pantay ang pagkakatahi.

Tinitignan niya iyon at inaangat sa hangin na tila sinisiyasat itong mabuti. Agad akong lumapit sa kaniya aabutin na sana iyon ng ilayo niya sa gawi ko.

"Akin na yan," mahinang sabi ko sa kaniya ngunit ngingisingisi lang siya saakin. "Sayo nga ito." Natatawang sabi niya.

"Akin na sabi eh!" Pilit kong inaagaw iyon at pilit rin niyang nilalayo saakin. "Tiyak akong matatawa si Ina kapag nalaman niya ito." Tila excited pang sabi niya mas nanlaki ang mata ko sa sinabi niya don't tell me isusumbong niya ako sa nanay niya. Oh no.

"Paano mo ba nakuha yan ha!"

"Nahulog mo kanina kaya pinulot ko hindi ko naman akalain na ganito ang itsura nito," natatawang sabi niya at hindi hinahayaan na makuha ko ang panyo sa pagkakahawak niya.

"Bakit ganito ang pagkakatahi nito mahal ko labis itong katawa-tawa haha." Pang-aasar pa niya kaya mas nanliit ang mata ko sa kaniya sa inis ko. "Wala lang yan nagkamali kase ako dahil sa pagod." Palusot ko sa kaniya ng marinig iyon ay umayos ang wangis niya at napalitan ng pag-aalala ang mukha niya.

"Ayos ka lang ba? Saan ka ba napagod?" Nag-aalalang tanong niya habang tinitignan ang buong katawan ko. Sayo gusto ko sanang sabihin eh pero naka focus ang atensyon ko sa binurda ko at sa kagustuhan kong makuha ito sa palad niya.

Nagpaawa ako ng mukha upang mawala ang atensyon niya sa hawak niya. "Eh kase naman ang dami nating pinuntahan kahapon kaya napagod talaga ako tapos..." Napuno ng pag-aalala ang kaninang nang-aasar na wangis niya kinuha ang pagkakataon na iyon para agawin sa kaniya ang binurda ko pero hindi nailayo niya yun saakin at natawa ulit.

"Hindi mo ako madadaan sa ganiyang taktika irog ko," Natutuwang sabi niya at pinaglaruan pa sa kamay niya ang binurda ko.

"Ano ka ba baka may makakita nakakahiya!" Pagsuway ko sa ginagawa niyang paglalaro dito. "Bakit ko naman ikahihiya ang gawa mo tiyak akong pinaghirapan mo to at ang lahat ng ibibigay mo saakin ay ipagmamalaki ko."

"Hindi ko kaya binibigay yan sayo," Kinusilapan ko siya dahil sa sinabi niya. Assuming ha hindi ko naman ginawa ang burda na yun para kanino man.

"Edi kung ganon ay akin na lang itong napakapangit mong burda Binibining Huana." Nang-aasar na sabi niya at napanganga ako sa narinig. Napakapangit daw Gago.

"Flavio Huana anong nagaganap riyan?" Tanong ni Doña Dolores at nakalingon na silang dalawa ni Hulia saamin kaya agad kaming napaayos at napansin ko rin na agad niyang tinago sa likod niya ang ibinurda ko. Hays salamat naman baka makita pa iyon ni Doña Dolores.

"Wala po Ina—Tiya." Magkasabay na sabi namin ni Flavio habang sa likod namin ay pilit naming pinag-aagawan ang panyo.

"Sigurado kayo?" Kunot-noong tanong niya at pinasadahan kami ng tingin. "Opo."

"Isusumbong kita kay Ina," mahinang bulong ko sa kaniya.

"Talaga? Kaya mong ipakita ang iyong obra kay Tiya?" Pang-aasar niya saakin kaya niliitan ko siya ng mata bago tignan ang gawi nila Doña Dolores na nasisimula na ulit sa pakikiusap sa kanila.

The Storyteller (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon