Chapter 6

139 15 15
                                    

Nanatili kami sa ganoong pwesto ng tuluyan akong bumitaw sa kaniya at naiilang na tinignan siya.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinapadaan ang hinlalaki niya sa likod ng palad ko hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng sparks dahil doon.

"Kay tagal nung huli kong nahawakan ang mga kamay mo ngunit pamilyar parin saakin ang pakiramdam tuwing naglalapit ang mga palad natin," Nakatingin siya mga kamay naming magkahawak bago ako muling tignan kaya halos matumba ako sa pagkakatayo ko ng saktong magtama ulit ang mga mata namin.

"Uhm, bumalik na tayo baka kase may makakita saatin... Alam mo na." Naiilang na sabi na hindi makatingin sa kaniya.

"Hayaan mo sila batid naman ng lahat na ikaw ang babaeng papakasalan ko," Nakakatunaw ang ngiti niya. "Wala ng iba."

"Bolero ka halika na," Sabi ko at nauna ng maglakad pabalik sa loob ng Mansyon habang hindi ko mapigilan na mapangiti dahil sa mga sinabi niya.

Nakita ko naman ang pagsunod saamin ni Belinda at ang pang-aasar sa mukha niya dahil sa nasaksihan kanina. Sinenyasan ko siyang tumahimik bago nagpatuloy sa paglalakad at nasa likuran namin siya.

"Narito na pala ang magkasintahan," Nakangiting pagbati saamin ng Ina ni Flavio ng makita nila kaming papalapit sa kanila.

"Saan kayo galing? Kanina pa namin kayo hinahanap," Nagtatakang tanong ni Donya Dolores saamin habang papalit palit ang tingin saamin ni Flavio.

"Diyan lang sa po sa labas nagpahangin lang po saglit."

Nilingon ko si Hulia at nakita ko ang nang-aasar niyang ngiti hindi ko mapigilan na mapangiti sa reaksyon niya. Nilakihan ko siya ng mata nagpapahiwatig na tumigil siya na inilingan niya lang habang pangiti-ngiti parin.

NILIBOT ko ang paningin ko para uminom sana ulit ng alak pero hindi ko na nakita yung mga babae kanina.

"Lord, ibalik mo ako please. Ayoko na dito." Sabi ko habang nakatingin sa kisame nila at palakad lakad sa loob habang ang lahat ay nagkakasiyahan.

Nagpaalam akong aalis muna dahil panay ang panunukso nila sakin doon sa Flavio.

Lumapit ako sa isang lalaki na nakasandal sa isang lamesa habang umiinom ng alak at pinapanood ang mga tao na nagdiriwang.

"Patikim ako." Aniko at kinuha ang baso niya na may lamang alak at tumikim dito tsaka ko ibinalik sa kaniya.

"Binibini..." Nagugulat na sabi niya.

"Alis na ako." Sabi ko at tinapik ng bahagya ang balikat niya.

Habang naglalakad ako pabalik sa pwesto namin ay may nabangga akong babae. Hihingi na sana ako tawad nang makita na si Pia ito.

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat nasa Beateryo ka?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya na tinaasan ako ng kilay.

"Kayo lang ba ni Camila ang may karapatang magbakasyon." Pabalang na sagot niya saakin.

"Isa pa pagbabalik ito ng matalik kong kaibigan, hindi naman maaring hindi kasama ang pamilya ko roon." Pekeng ngiti niya saakin bago tumingin sa likod ko at napalitan ng masayang ngiti at nilagpasan ako.

"Senorita Flavio, natutuwa ako na narito ka na ulit." Natutuwang sabi ni Pia kay Flavio na nasa likod ko na pala.

"Salamat Pia. Maging ako man ay natutuwa sa pagbabalik ko." Sabi ni Flavio sabay tingin saakin na nasa likod ni Pia at pinapanood silang dalawa.

Nagsimula ulit ang pagtugtog ng violin ngunit may mga sumasayaw ngayon. Kaniya-kaniyang kuha ang mga lalaki ng isasayaw nilang babae at pinupunta sa gitna para magsayaw habang nakahawak ang dalawnag kamay nila at may maliit na pagitan lang sa harapan nila.

The Storyteller (Editing)Where stories live. Discover now