Chapter 10

192 14 19
                                    

Bago magpaalam si Flavio ay palihim pa niya akong kinindatan bago muling isinuot ang hawak niyang sumbrero kaya lihim akong napangiti at kinilig sa ginawa niya. Napangiti naman siya ng makitang kiligin ako. Lokong to nakakailan na to ngayong araw ha.

Napansin ko naman ang kilig ni Belinda dahil hindi nakatakas sa paningin niya ang pagkindat saakin ni Flavio kaya natawa ako sa reaksyon niya kasabay naman nang pag-alis ng kalesa ni Flavio ay ang pagdating ng isa pang kalesa na hindi ko kilala.

"Sulat ho para kay Señorita Huana," Matigas na boses ng lalaking bumaba sa kalesa agad naman na nilapitan ni Belinda iyon at siya ang kumuha ng sulat bago umalis ang nagdeliver at agad inabot ni Belinda ang sulat saakin. "Para raw ho sainyo Senorita."

Kunot noong kinuha ko iyon at nagtatakang binuksan ko dahil impossible naman na kay Flavio iyon galing gayong kakaalis lang niya at kung may sasabihin siya maari naman niyang sinabi na lang saakin dahil lagi naman kaming magkasama. Nagsasawa na nga ako sa pagmumukha niya eh.

Pagbukas ko ay binuklat ko iyon at sinimulang basahin.

Huana,

Patungo na ako sa bayan ng San Diego upang dumalo sa magaganap na pag-diriwang ng bayan. Nag-padala ako ng sulat sa iyo upang malaman kung kumusta ka na lalo at labis ang pag-aalala ko mula ng umalis ka sa beateryo upang mag-bakasyon lalo't hindi mo narin na harap na mag-padala ng liham saakin kaya naisip kong ako na ang magpapadala sayo marahil ay nawaglit ito sayong isipan, sa makalawa ay nariyan na ako at mananatili sa Fonda La Cazas Cuarto sa San Diego sana ay mabisita mo ako sa aking pagdating.

Namgmamahal,
Madre Gabriella

Shocks! Oo nga pala may usapan nga pala kaming magpapadala ako ng liham sa kaniya. Nagpromise ako sa kaniya bago ako umalis sa Beateryo. Kasalanan ito lahat ni Flavio eh. Ang lalaking iyon talaga oh!

"Bakit tila nabahala ka ho, Senorita?" Nagtatakang tanong ni Belinda nang makita ang reaksyon ko.

Kailangan kong bumawi sa kaniya lalo at piangtanggol niya ako sa iba pang mga Madre noon. Bibili ako ng regalo para sa pagdating niya.

"Uhm, go-gora tayo ha! Aalis tayo paalis sa palengke o sa bilihan ng mga gamit bibili tayo."

"Go-g-gora? Ano ho ang ibig niyong sabihin Senorita?" Takang-takang tanong niya.

"Aalis. Aalis tayo ngayon dali na magbihis ka na."

"Masusunod ho Señorita ngunit ano ho ang mga salitang namumutawi sa inyong bibig? Natututunan ho ba iyon sa Beateryo?" Namamanghang tanong niya na tinanguan ko. "Oo tama ka natututunan ko iyon sa Beateryo kaya dali na magbihis ka na." Agad siyang kumilos papasok sa loob ng makitang madaling madali ako.

Pumasok narin ako sa loob ay lumapit kay Doña Dolores upang makahingi ng pera syempre naman no wala naman akong pera nung mapadpad ako sa lugar na to kaya kailangan ko talagang humingi sa kaniya.

"Ina," Nakangiting sabi ko ng makita na nakaupo siya sa sala.

"May nais ka bang sabihin?" Nagagalak na sabi niya at ibinaba ang tasang iniinuman niya.

"May bibilhin po kase ako sa labas diyan lang naman ho, p-pwede po bang humingi ng p-pera? Kahit kunti lang po," Nahihiyang sabi ko at umupo sa tabi niya na tinawanan niya at hinawakan ang kamay ko. Natutuwa siyang pinagmamasdan ako at hinaplos ang buhok ko na inilagay niya sa likod ko.

"Ang bunso ko, parang kailan lamang ay paslit ka pa lamang at naglalaro sa ating hacienda ngayon ay humihingi ka na ng salapi saakin," Natatawang sabi niya kaya mas nahiya ako at napalunok. "Hindi magtatagal ay tiyak akong ikakasal ka na kay Ginoong Flavio, sana ay mahalin ka niya ng tapat at totoo na hindi mo maranasan ang pighating naranasan natin sa iyong ama." Namutawi ang lungkot sa boses at mata niya sa huli niyang sinabi.

The Storyteller (Editing)Where stories live. Discover now