Chapter 8

128 15 13
                                    

"Señor! Senorita! Halika ho kayo at nagtitinda ako ng magandang kagamitan para sa mga magnobya!" Nakuha ng atensyon namin ang isang lalaking sumigaw at tinatawag kami ni Flavio. Hinawakan pa niya ang kamay ko bago kami kumapit sa lalaking nagtitinda.

"Ano po ang pinakamagandang tinda niyo Señor?" Lumuhod si Flavio at tinignan ang mga tinda nito nasa lupa na nilagyan kang ng tela sa ilalim upang hindi ito madumihan.

Napangiti ako sa nakita ko kahit na mayaman at may mataas na antas ang pamilya niya ay nagagawa niyang kausapin ang mga taong mas baba sa kaniya na parang pantay lang sila.

Kay buti mo Flavio. Napangiti ako sa naisip ko ay umupo rin upang matapatan siya.

"Ito hong dalawang porselas na ito. Kuha ang mga bato na ginamit rito sa ilalim ng lawa ng San Diego kaya talagang kakaiba at maganda ito. Ang sabi rin ng nga matatanda saatin na may hiwaga ang lawa natin kaya kung isusuot ito ng magkasintahan ay tiyak na magmamahalan sila habang buhay tulad kung paano kay tagal na dumadaloy ang tubig sa lawa natin." Natutuwang sabi ng matandang nagtitinda habang papalit palit ang tingin saamin ni Flavio.

"Kung ganon po ay bibilhin ko na po ito." Inabot ni Flavio ang sampong piso rito. "Inyo na po ang sukli." Nakangiting sabi niya bago tumayo kaya tumayo narin ako.

"Halika pumunta muna tayo sa lawa at ipagdasal ang kapangyarihan ng bato na ito."

"Oo tama iyon Señor upang mas maging mabisa ang porselas." Natutuwang sabi ng matandang nagtitinda.

"Maraming Salamat po." Pagbibigay galang ko rito bago kami umalis ni Flavio at nagtungo sa kalesa nila.

NAGTUNGO kami sa Lawa ng San Diego at talagang napakaganda ng lugar. Yung tubig ay dumadaloy at rinig na rinig iyon at talagang malinis tignan. Marami ring mga ibon na lumilipad sa paligid.

"Ang tagal na nung huli akong nagpunta rito." Nakatingin si Flavio sa lawa. "Ikaw, mahal ko kailan ka huling nagpunta rito?"

"A-ako? Ano, uhm. M-matagal narin hindi ko na maalala." Sagot ko kahit na hindi pa naman talaga ako nakapunta dito at ngayon lang ulit.

"Halika, sabay nating hilingan ang ating porselas," Aniya at umapak sa isa sa mga bato inilahad niya ang kamay sa harapan ko upang alalayan ako na makaapak rin sa bato.

Hindi ko alam. Natatakot ako. Natatakot na baka kapag hinawakan ko ang kamay niya at tuluyang mapalapit ako sa kaniya ay baka mahulog ako sa kaniya.

Hindi na niya ako hinintay na abutin ang kamay niya at siya na ang kusang nag-abot ng kamay ko inalalayan niya akong makatapak sa bato bago ibinigay ang puting porselas saakin.

Magkasabay namin itong isinawsaw sa tubig bago tignan ulit ang isat-isa. Napalunok ako ng muli niya akong nginitian at isinuot saakin ang hawak niyang porselas isinuot ko rin ang hawak ko sa kamay niya.

"T-tara na," naiilang na sabi ko sa kaniya at tinalikuran siya.

"Mag-iingat ka," paalala niya dahil madulas ang mga batong inaapakan namin dahil sa tubig sa lawa. Nag-thumbs up lang ako sa kaniya palikod bago nagpatuloy sa paglalakad.

Kaya ko naman ang sarili ko gusto ko sanang sabihin sa kaniya pero hindi ko na ginawa dahil mag-uusap nanaman kami at naiilang na ako

True to his words hinatid niya nga ako bago mag-gabi tulad ng pangako niya kay Donya Dolores, sinabi niya rin bago siya umalis na sa susunod daw ay bibisitahin namin ang negosyo nila ng pamilya niya sa San Diego at sa kanilang bayan.

NASA terrace kaming dalawa ngayon ni Hulia at kanina pa niya ako pinipilit na kwentuhan siya sa ginawa namin ni Flavio habang magkasama kami.

Nakangiting kinwkwentuhan ko siya habang patuloy kaming nagtatahi, "Ang sabi niya sa harapan ng mga tao kanina ay ako raw ang babaeng pakakasalan niya at inimbitahan pa niya sila."

The Storyteller (Editing)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora