Chapter 2

148 23 24
                                    

Pagising ko ay bumungad saakin ang kulay kahoy na kisame tumagilid ako at naghahanda na muling matulog dahil sabado naman ngayon at wala akong pasok nang may marealize ako. Kunot-noo kong tinignan ulit ang kisame at napagtanto na hindi ito kisame. Kadugtong ito ng hinihigaan kong kama at animoy bubong ito ng kama na kinahihigaan ko mas lalo akong nagtaka dahil hindi naman ganito ang higaan ko.

Umupo ako at nakita ko ang paligid ng silid mayroong tukador at cabinet sa gilid na gawa sa kahoy. Hindi ko maalala na nagpalit kami ng mga furniture sa bahay namin. Tumayo ako tinignan ang ancient clock na nakita ko sa gilid malaki ito at nakatayo rinig na rinig ko rin ang lakas ng pag-galaw ng mga kamay nito.

11o'clock? Nakakapagtaka naman na hindi ako agad ginising ni Mama eh kapag ganito na ang gising ko ay almusal ko ang sermon niya saakin.

Napatingin ako sa tukador na nasa gilid at mula sa salamin ay kitang-kita ko ang kalahating katawan ko nagtatakang lumapit ako doon at hinawakan ang pangtulog ko mahabang dress ito at napakalambot ng tela wala naman akong ganitong damit parang kay Mama na ito noon pa dahil luma ang dating nito.

Nasa ganon akong posisyon ng may tatlong madre ang pumasok sa loob nakasuot sila ng mahabang tela na kulay itim at puti at tinatakpan ang mga buhok nila halos mapatalon ako sa gulat ng pumasok sila sa loob.

Sino naman ang mga madre na ito kailan pa kami nagkaroon ng mga bisitang madre.

"Senorita Huana, maayos na ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ng isang madre na sa tingin ko ay mas matanda. "Halika at umupo ka muna kailangan mong magpahinga." Aniya at hinawakan ako papalapit ulit sa kama at pinaupo ako sa gilid nito.

"Huh?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya at tinitigan silang tatlo na nagtinginan rin bago ako muling kausapin. "Naalala mo pa ba kami ija?" Tanong ng isang madre saakin.

Dahan-dahan akong umiling sa kanila kaya gulat silang napatingin saakin ang isa naman ay agad na napasign of the cross habang nakatingala. "Que dios te guíe," (Nawa'y gabayan ka ng Diyos) Wika pa nito bago muling tumingin saakin.

Hindi naman ako nakakaintindi ng Espanyol kung kaya mas lalo akong nagtaka sa kanila. "Ako si Elena isa ako sa mga madre na namumuno rito."

"Ako si Madre Gabriella ako ang madalas mong makausap ija."

"Ako naman si Esperanza ako ang punong madre sa beateryong ito."

Isa-isa silang nagpakilala saakin ngunit ang nakakuha sa atensyon ko ang beateryo na sinabi niya. Bakit may pa beateryo pa? Wala naman na kami sa panahon ng mga kura noon.

"B-beateryo? Teka anong beateryong pinagsasabi niyo? Mga sisters," Ngumiti pa ako sa kanila upang ipakita na hindi nila ako maloloko "Wala naman po tayo sa panahon ng mga espanyol bakit may beateryo? Tsaka paano kayo nakapasok sa bahay namin? O bahay ba talaga namin ito bakit iba ang itsura? Nasaan ba ako?" Nagtatakang tanong ko sa kanilang tatlo na agad nagtinginan.

"Jusmiyo Huana, malakas nga ang pagkakauntog mo kagabi at kung ano-ano ang mga pinagsasabi mo," Nahihintakutan na sabi ng madreng nagpakilala bilang Elena.

"Yan isa pa yang pangalan na yan mga sisters...Hindi ako si Huana hindi ko kilala yung tinutukoy ninyo ako si Leondale," Ngumiti ako sa kanila na tipong liliit na ang mata ko habang proud na proud kong binanggit ang pangalan ko.

"Panginoon," Nahihintakutan na sabi ng madreng Esperanza. "Gabriella, magmadali ka at tumawag ka ng kura ngayon din kailangan maalis ang masamang espirito na pumasok sa katawan ni Huana, Dali!" Malakas na utos niya.

"Ngunit hindi ba ang kailangan niya ay isang doktor nakita naman natin ang lakas ng pagkakauntog niya kagabi," Nag-aalalang sabi ng Gabriella rito.

"Hindi mo ba narinig ang mga pinagsasabi niya hindi ito basta pagkakauntog lang may masamang espirito ang pumasok sa katawan niya lalo at hindi naman siya nakapagdasal kagabi dahil sa pagkakahimatay niya sa untog na natamo niya," Sagot ng Elena habang takang-taka naman akong nakatingin sa kanilang tatlo.

The Storyteller (Editing)Where stories live. Discover now