Chapter 1

652 27 59
                                    

They live happily ever after...

Napakusilap ako sa kawalan nang isarado ko ang librong binabasa ko. Happy ever after? Tsk. Hindi na ako bata para maniwala pa na may masayang wakas ang mga kwento, gusto ko yung sa huli hindi naging sila. Yung tipong hanggang sa pagtatapos ng istorya nilang dalawa ay hindi sila nagkaroon ng happy ending. Inshort, Tragedy genre ang gusto ko sa mga aklat na binabasa ko.

Tumayo ako mula sa pagkakadapa ko sa higaan ko at binalik sa bookshelf ko ang libro at muling kumuha ng panibago, ilang libro na lang ang nandito na hindi ko pa nababasa, kailangan ko nang bumili ulit ng bago.

Reading is what i really want to do. Pampalipas oras at tumatakbo pa ang isipan ko. I learn a lot from reading na hindi alam nang ibang kabataan na kaedad ko.

Bago ko simulan ang pagbabasa ng panibagong pocket book na hawak ko ay napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. Ala-6 na ng hapon, tulad ng mga nakaraan ay naubos ang oras ko sa pagbabasa ng libro and it's not a waste of time for me, i love reading books.

"SALAMAT po," Magalang na sabi ko sa tindera nang ibigay niya saakin ang sukli ng pinamili kong toyo at suka. Itinigil ko ang pagbabasa ko nang utusan ako ni Mama na bumili nang ingredients sa lulutuin niya.

Naglalakad ako pauwi nang mahagip ng paningin ko ang bagong bukas na bookstore na nasa kabilang daanan lang. Wala sa plano ko ang magtagal sa labas dahil ayokong nabibitin sa istoryang binabasa ko ngunit hindi naman siguro mali na tumingin ako ng libro sa bagong store.

Nginitian ko pa ang Guard nang pumasok ako sa loob. Unang bumungad saakin ang malamig na aircon at ang amoy ng mga libro. I could live smelling this all day.

Nagtitingin ako ng magandang libro nang mapansin ko ang isang libro na nakasukbit sa gitna ng iba pang libro. Kulay itim ito at maduming tignan, kukunin ko na sana nang tumunog ang telepono ko.


Nasaan ka na daw? Nagluluto na si Mama.

Ibinulsa ko kaagad ang telepono ko nang mabasa iyon galing sa kapatid ko. Dali-daling lumabas ako sa bookstore at mahirap nang matalakan ako ni Mudra. Pwede naman bumalik sa susunod para bumili ng libro.

Naglalakad ako pauwi nang mapansin ko ang isang matandang babae na nakatingin saakin, uugod-ugod siya at may belong kulay itim sa ulo sapat na upang makita ang kalahati ng mukha niya. May mga sugat din siya sa braso at mukha na talaga namang nakakakilabot.

Mas binilisan ko pa ang lakad ko hanggang sa makauwi akong hinihingal, napalakas pa ang pagsara ko sa pintuan ng bahay namin kaya natalakan pa ako.

"Oh? Ate bakit parang takot na takot ka?" Tanong saakin ni Nathalie na nakahiga sa sofa habang hawak ang telepono niya. She's 12 years old at famous sa social media. Kung ako sa pagbabasa nilalaan ang oras siya sa cellphone niya probably in her social media accounts.

"May matandang babae na sugat-sugat eh, nakakatakot." Kinakabahan paring sagot ko sa kaniya at binaba sa lamesa ang pinamili ko.

"Judgemental ate ah," Kinusilapan ko siya sa sinabi niya, hindi naman kase niya nakita ang matandang babae na iyon. Talagang nakakatakot at nakakakilabot siya na para bang may balak siyang gawin sayo.

Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at muling kinuha ang libro upang basahin, sa sobrang bilis ko magbasa ng libro ay ilang pahina na lang at tapos na ako.

Nasa kalagitnaan ako nang pagbabasa sa huling pahina ng libro nang biglang tumunog ang telepono ko at may nagpadala ng mensahe. Hinayaan ko lang ito at minabuti na tapusin ang libro bago ito tignan.

For the second time, napakusilap ulit ako sa librong binabasa ko. The ending is nice and i also love the concept and the plot pero i can never be satisfied with romance genre again. Simula nung mabasa ko yung kwento about sa time travel, siguro nga dapat na akong magbasa ng mga story na ganon since i really enjoy reading it.

The Storyteller (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon