Prologue

3.4K 42 2
                                    

Prologue

“Leo, may naghahanap sa’yo sa labas.”sabi ni Esme habang malapad ang ngisi sa akin.

“Sino raw?”tanong ko habang abalang abala na ineedit ang mga nakuha kong litrato noong nagtungo ako sa Bali. Nag-unat pa ako dahil ramdam ko ang pamamanhid ng braso ko.

“Ex mo.”ani Esme na natatawa pa habang nakatingin sa akin nang lingunin ko siya.

“Tigilan mo ako, Esmeralda. Sino roon?”natatawa ko namang saad.

“’Yong ex mong iniyakan mo ng sobra at hanggang ngayon hindi ka pa rin nakakamove on.”aniya kaya agad akong napangiwi.

“Ulol, nakamove on na ako kay Pulo.”ani ko kaya mas lalo lang lumapad ang mga ngisi mula sa kaniyang labi.

“May binanggit ba akong pangalan? Sa pagkakatanda ko’y wala.”saad niya kaya inirapan ko lang siya.

“Pero seryoso nandiyan nga ex mo, Leo.”aniya na mukhang hindi naman nagbibiro.

“Sino?”walang gana kong tanong dahil lagi namang bumibisita ang mga ito, nagtatanong kung pwede bang makipagbalikan kahit na simula pa lang naman ay sinabi ko na sa kanilang hindi naman talaga ako naghahanap ng pangmatagalan.

“Si Pulo.”ani Esme kaya napahinto ako. Nilingon ko naman siya kaya agad siyang ngumisi.

“Kunwari ka pa, Leolita, hindi ka pa rin naman talaga nakakalimot.”aniya sa akin kaya inirapan ko lang siya. It’s kinda true naman talaga. Kahit ilang beses pa akong makipagrelasiyon sa kahit na sino, siya at siya pa rin talaga ang gusto ko.

Nakakatawang isipin na siya pa rin ang nakikita kong makasama sa habambuhay kahit na alam ko namang malabo dahil hindi ganoon ang mga mata niya kapag tinitignan ako.

Lumabas ako kahit ramdam ko ang kaba. Nanatili pa ring kalmado kahit na umaalma na ang puso.

“Ako ba ang sadya mo?”casual na tanong ko sa kaniya. Napakunot naman ang noo ko nang makitang mukha itong lasing. May hawak pang red horse sa kanang kamay. Huwag mong sabihing nakipaginuman nanaman siya kay Silas sa tapat ng tindahan ni Aling Osang. Nailing na lang ako, bakit ba dito pa kasi sila nag-iinuman? Wala naman na ang mga nobya nila rito.

Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay pakalat kalat pa rin sila dito sa amin gayong parehas naman na silang wala ng dapat pang puntahan.

“Yeah…”aniya. He look wasted. Pulang pula na ang maputi nitong balat tila ba hindi nasisinagan ng araw. Ang kaniyang mga mata na laging matalim tila mga mata ng isang agila ay mapungay ngayon, para bang asong maamo.

“Bakit?”tanong ko na nakataas pa ng kilay sa kaniya.

“Leo…”tawag niya pa sa akin.

“Ano? Anong problema mo?”tanong ko muli sa kaniya.

“Balik ka na, please…”pabulong na saad niya at sinubikan pa akong hawakan ngunit agad kong nilayo sa kaniya ang sarili.

“Umuwi ka na.”sambit ko at sinarado ang pinto.

“Huwag mo na ulit pagbuksan.”sabi ko kay Esme na nakasimangot. Naningkit naman ang mga mata nito sa akin bago kalaunan ding tumango.

Napabuntong hininga na lang ako nang bumalik sa ginagawa. Hindi ko na magawa pang makapagconcentrate sa ineedit kong mga litrato. Napasimangot naman akong napatayo.

“Bakit?”tanong ni Esme na siyang may ngisi mula sa mga labi. Hindi ko na lang ‘yon pinansin bago ako nagtungo sa labas, kita ko naman si Pulo na siyang nakasandal lang sa pader habang natutulog. Nakakainis.

“Tumayo ka riyan, iuuwi na kita.”sabi ko na inaalalayan siyang tumayo. Kita ko ang pagkurba ng mga labi niya at mapang-asar ma ngumiti.

“Iuuwi mo na ako sa’yo?”nakangiti niyang tanong kaya napairap na lang ako. Lasing na lasing nanaman ang hinayupak, nagagawa nanamang lumandi. Nang maitayo ko siya’y agad ko siyang inalalayan patungo sa sasakyan niya. Hindi naman pwede sa apartment, bawal lalaki roon e.

Kinuha ko lang ang susi sa kaniyang bulsa bago ako nagmaneho patungo sa bahay niya. Nakakatawang isipin pero kabisadong kabisado ko pa rin ang daan patungo roon.

“Nandito na tayo. Kaya mo naman na siguro?”tanong ko ngunit nakapikit lang ito. Napasimangot na lang ako dahil wala ‘tong kasama sa bahay niya, mag-isa niya lang. Wala man lang katulong o ano sa laki ng bahay. 

Mas nakakainis pa dahil kahit anong gawin ko, hindi ko siya matiis. Inalalayan ko na lang din siya patungo sa kaniyang kwarto. Nang makarating doon ay inihiga ko lang siya, inalis ang sapatos at ang ilang abubot niya sa katawan. Hindi ko na pinakialaman pa ang damit nito. Mahirap na. Nang matapos ay maglalakad na sana ako palabas para makauwi na nang maramdaman ko ang mga kamay niya sa palapulsuhan ko.

“Dito ka lang…”aniya bago marahan akong hinila patabi sa kaniya. Nanlaki naman ang mga mata ko roon. I felt betrayed, mukha na siyang nahimasmasan ngayon, balik nanaman ang malaagila niyang mata. Para akong nilulunod habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko na lang namalayan na nasa labi ko na ang mga labi niya. And worst, I was kissing him back. Saka lang ako natauhan nang may mapagtanto. Agad ko siyang naitulak dahil do’n.

“Ano ba? Nasisiraan ka na ba? Tangina mo!”malakas kong sigaw habang hawak hawak ang labing hinalikan niya.

“Wala na tayo!”inis kong sambit bago ako tumayo.

“Edi balikan mo ako.”aniya naman na naupo rin sa kama niya kahit mukhang masakit ang ulo.

“Ulol!”

Flash News: Paparrazi InloveWhere stories live. Discover now