Chapter Thirteen

Magsimula sa umpisa
                                    

Biglang napalingon si Seb sa likuran niya at nagtama ang mga tingin namin. True enough, tama ang nasa imagination ko. Antok na antok ang itsura niya at kailangan niya pang kusutin ang mata niya to see me properly.

Pero... for some reason, na realize ko na oo nga.. cute nga siya.

He's a complete opposite of Harold. If you see Harold, parang nag s-shine ang buong paligid. Harold has an innocent feature. Ang linis din ng itsura niya. Yung tipong kahit pawisan, parang ang bango bango pa rin niya.

Meanwhile Seb... yung tingin niya minsan it's either nang aasar o naghahanap ng away. He doesn't care much about his physical appearance. Kitang kita na he's still rough around the edges yet... I get it. Sobrang gets ko na kung bakit ang daming nagkaka crush na babae sa kanya...

AND WHY THE HELL AM I STARING AT HIM?

"Huy Iris," dinig kong sabi niya at doon ko lang napansin na nasa harapan ko na siya and he's looking at me with his weird expression. "Kanina ka pa ba diyan?"

I just gave him a nod as an answer.

"Ba't 'di mo 'ko tinawag?" he asked, almost pouting. "Snob mo."

Napatingin ako sa mukha ni Seb. Wala na yung aura niya nung Sabado na masungit. Mukhang back to normal na ulit siya ngayon.

Hindi ko siya maintindihan.

"Mukhang antok na antok ka pa, eh," sabi ko at nagsimula akong mag lakad. Sinabayan naman ako ni Seb.

"Naman," dinig kong sabi niya. "Ang aga pa kaya. Alas-syete pa lang oh? Bakit ba kasi ginawang maaga ang mga pasok ng estudyante? Hindi ba nila alam na kailangan natin ng sapat na tulog para lumaki tayo?"

Napalingon ako kay Seb at tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Sa tangkad niyang yan gusto pa niya lumaki?

"Dapat pinaparating natin ang mga ganitong concerns sa Dept-Ed, eh," sabi pa niya na puno nang hinanakit.

Napailing na lang ako at napatingin sa polo niya.

"Mag tuck in ka," sita ko. "Hindi ka papapasukin sa gate."

"Isa pa yan!" sabi ni Seb. "Anong kinalaman ng pag t-tuck in ng polo sa future natin? Bakit kailangan naka tuck in tayo? Tapos pag hindi naka tuck-in, hindi papapasukin sa gate? Anong klaseng diskriminasyon 'yan? Kapag ba hindi naka tuck-in, wala ka na rin karapatan pumasok at mag aral at matuto?"

Napataas ang kilay ko sa kanya.

"Aga aga ang dami mong ipinaglalaban."

Napa buntong hininga siya, "hindi ako nakapag agahan. Nagugutom ako."

"Bakit kasi hindi ka nag agahan?"

Napatingin siya sa orasan sa phone niya, "may thirty minutes pa bago mag flag ceremony. Gusto kong mag breakfast."

"Edi mag breakfast ka."

Nilingon niya ako at nginitian, "samahan mo 'ko."

"Pass," mabilis kong sabi. "Hindi ako nakapag advance study sa Literature nung weekend. Tsaka plano ko mag review sa Physics baka biglang magpa surprise quiz---"

"Mabilis lang 'to. Tsaka wala tayong Physics ngayon 'di ba?"

"Eh kahit na. We should use our time well lalo na graduating na tayo."

Napabuntong hininga si Seb.

"Sige yayayain ko na lang si Harold, tapos may sasabihin din ako sa kanya."

He gave me a meaningful look. Pinanlakihan ko naman siya ng mata.

Walanghiya talaga. Bina-blackmail na naman ako ng isang 'to.

"Oo na! Sasamahan ka na!" irita kong sabi. "Bilisan mong kumain ha? Ayokong ma late!"

I saw Seb grin widely at inakbayan niya ako.

"Naks ang lakas ko talaga sa'yo, Iris."

Napairap ako at inalis ko ang pagkakaakbay niya sa akin.

Lakas lakas talaga mamikon kahit kailan.

Doon sa may kanto sa likod na bahagi ng school, may isang stall doon na nag bebenta ng corndog. Doon naisipan mag almusal ni Seb kaya naman sabay kaming nag lakad papunta doon.

Naalala kong may bench nga pala sa gilid nung bilihan ng corndog. Doon na lang ako mag babasa basa sa literature. Laki kasi talagang panira ng plano si Seb.

Habang naglalakad kami papunta sa may stall ng corndog, may nakita kaming babae sa may gilid ng poste na nakasalampak sa sahig. She's wearing our school uniform at mukhang natalisod o nadapa siya. Hawak hawak niya yung ankle niya at mukhang nahihirapan siyang tumayo.

"Uy tulungan natin," sabi ko kay Seb sabay turo doon sa babae.

Dali-dali namin siyang nilapitan.

"Miss okay ka lang?" tanong ni Seb sa kanya.

Inangat nung girl yung tingin niya sa amin at doon ko lang siya namukhaan.

She's the girl me and Harold saw sa teachers' office.

Transfer student nga talaga siya dito.

"Nadapa ako," sabi nito sa amin with a pained expression. "'Di ko magalaw yung paa ko."

"Tignan ko ha?" sabi dito ni Seb at yumuko siya sa tapat nito at binaba niya ang medyas nung babae. "Namamaga 'to ah? Kailangan mo pumunta sa clinic."

"Nakakainis naman. First day ko pa naman ngayon sa klase," she said at halata sa kanya na parang naiiyak na siya.

"Uy ayos lang 'yan," sabi naman ni Seb sa kanya. "Buti nakita ka namin. Kaya mo bang tumayo?"

Tumango siya. Seb offered his hand to her and she grabbed it pero nung makatayo siya, hindi niya malakad yung may sprain niyang paa that's why Seb offered his back.

"Sakay na," sabi niya.

"Pero.. hindi tayo magkakilala..."

Humarap si Seb sa kanya, "ako si Seb. Siya si Iris. At ikaw...?"

"Ramona Sy. Mona na lang."

"Okay Mona, alam kong mas hindi awkward kung si Iris yung papasan sa'yo kaso maliit siya eh at hindi ka niya kaya. Kaya ako na lang. Wag kang mag alala, pag may ginawa akong kalokohan sa'yo, tatadyakan ako ni Iris," lumingin sa akin si Seb. "Di ba?"

Tumango lang ako as an answer. Nakita ko naman napangiti si Mona kay Seb and then she hopped in at Seb's back.

"Sorry mabigat ako," sabi ni Mona dito.

"Hindi naman," sabi ni Seb. "Kayang kaya kita," and then he gave her a wink. Napangiti nang malawak si Mona.

At parang nag flashback sa utak ko yung sinabi nina Chichi na hindi pa ever nagkakagusto si Seb. At hanga na sila sa babaeng magugustuhan ni Seb.

Napatingin ako sa dalawa habang naglalakad kami papunta sa clinic.

Seb crack a joke. She laughed.

They just met and yet...

What if...?

To be continued...

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon