Baka iyon talaga ang nangyayari kapag nakita mo na yung taong mamahalin mo habambuhay.

Mamahalin?

Shit. Bakit pa kasi itinanim ni Rica ang salitang iyon sa isip ko. Sumisikip na naman tuloy ang dibdib ko.

Ganoon ba ang love? Mahal ko ba siya?

Ang sakit naman nito sa ulo. Kaya ayoko ng feelings eh. Tila may isang malaking earthquake na nangyayari sa dibdib ko. Nararamdaman kong nagshi-shift ang plates, molding something new. Kahit pa pilitin kong pigilan, nangyayari iyon gustuhin ko man o hindi.

I might be in love with him. Pero hindi pwede. I'm not willing to be the one to destroy him. Dahil sa huli iyon naman ang mangyayari. Tingnan mo na lang ang nangyari sa mga magulang ko. Sa tatay ni Migs. Kahit anong ganda pa ng pag-ibig nila, may naiiwang damaged kapag nawala ang isa.

Ayaw kong iwanang damaged si Migs 'pag alis ko.

Natauhan ako nang makarinig ng isang malakas na tunog. Parang may mabigat na bagay na nalaglag sa sahig. Dali-dali akong lumabas ng kuwarto para i-check kung anong nangyayari.

Madilim sa baba. Kinakapa ko ang dingding para hanapin ang switch. Nang pindutin, walang liwanag na bumalot sa bahay.

Sign ba ito tungkol sa mga pinag-iiisip ko?

Ang paranoid ko naman.

Just then, may narinig akong mahinang ungol. Napatigil ako sa kinatatayuan ko. Tumaas ang balahibo ko sa braso. Bumalik na naman ako doon sa lugar sa memorya ko. Madilim ang lahat at tahimik. Hindi mo alam kung ano ang nagtatago sa likod ng mga anino.

May umungol uli. Mas malakas na this time. Iyon ang punto na nakilala ko ang boses. "Lo?"

"Hannah," mahina niyang tawag.

Nagmadali akong maglakad papunta sa kusina para buksan ang ilaw doon. Pagkabukas, bumalik ako sa sala. Napatigil ako sa may bungad nang makita ang Lolo ko sa may sahig.

Ang awkward ng posisyon ng pagkalaglag niya. Nakatagilid siya at ipit ang kamay niya sa pagitan ng tagiliran niya at sa sahig. Hindi niya abot ang tungkod niya dahil malayo ito. Sa nakita ko, naawa ako bigla sa kanya. All this time ang tingin ko sa kanya ay isang taong walang kinakatakutan sa buhay, walang bagay na makakapagpatumba. Pero heto siya, literal na natumba. Sobrang anguish ang makikita mo sa mata niya, kinailangan ko pang umiwas ng tingin dahil baka nasasalamin iyon sa mga mata ko. I've never seen him vulnerable. Until now.

Lumapit ako sa kanya at lumuhod. Gusto ko siyang itayo kaso baka mas mapasama pa siya. "Lolo, saan masakit?"

"Tuhod," sagot niya through clenched teeth.

"Makakatayo ba kayo? Kahit hanggang kusina lang?"

Tumango-tango siya.

Kinuha ko ang tungkod niya at inalalayan siyang tumayo. Basang-basa ako ng pawis nang makarating kami sa kusina. Kinse minutos ata ang naigugol namin para lang makatayo siya.

Pinaupo ko siya sa may hapag-kainan at ikinuha siya ng tubig. Hinalungkat ko yung mga cabinet hanggang sa makita ko yung lalagyanan niya ng mga gamot. Ang daming laman noon. Buti na lang nakakita ako ng pamilyar na hitsura ng ibuprofen na lagi kong iniinom dati.

Inabot ko iyon sa kanya. Nanginginig ang kamay niya habang binubuksan ito kaya kinuha ko uli para pagbuksan siya.

Tahimik kami pagkatapos non. Gusto ko sanang bumalik na sa kwarto ko pero alam kong hindi ko siya puwedeng iwan. Normally, wala akong pakialam pero may natuklasan ako tungkol sa sarili matapos ang pangyayaring ito...

"Matutulog na ba kayo? Aalalayan ko kayo sa kwarto niyo."

Wincing, sumandal siya sa upuan niya at umupo ng tuwid. "Salamat, apo."

Yung sahig ang tinanguan ko.

Nag-clear siya ng lalamunan niya. "Malapit nang magpasukan. Hindi ka pa ba mag-e-enroll?"

"Pinapaalis niyo na ba ako?" sinubukan kong magbiro.

Nagulat ako nang ngumiti siya. "'Di ka na kasi nagbabayad ng renta. Papaupahan ko na yung kwarto mo sa iba."

Napakagat ako ng labi ko. Kung alam niya lang na hindi na ako natutulog sa kwarto ko. "Mas mahal siguro ang upa nila sa suite ko. Wala na yung benefits ng pagiging kamag-anak niyo."

"Oo nga. Huwag ka munang umalis. Manatili ka kahit gaano katagal mo gusto," offer niya. "Kung gusto mong tumira dito, welcome na welcome ka."

Nanikip yung lalamunan ko. Ano kayang nagdulot ng pag-shift ng attitude ni Lolo sa akin? Baka panandalian lang ito dahil sa nangyari. Hindi ko muna pag-iisipan yung offer niya. "Thanks."

Inabot niya ang kamay ko at pinisil ito. I squeezed his hand back.

As I've said, may nalaman ako sa sarili ko pagkatapos ng pangyayaring ito.

May puso pa pala ako.

The Sweetest EscapeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora