Chapter 12: Chances

Start from the beginning
                                    

            Tumango si Monic bago bumalik ng kuwarto para isauli ang kanyang mga pinanghilamos, at saka bumaba sa kainan. Pero hindi naman siya agad pumuwesto ng kain doon kahit parang inaakit siya ng mga itlog, bacon, at tinapay na nakahain sa hapag-kainan. Inatake ulit siya ng hiya eh. Parang, ano iyon? Tanghali gigising tapos diretso kain? Ang kapal naman yata?

            “Bakit hindi ka pa kumakain, Monic?” Tanong ni Malou nang maabutan siyang nakatayo lang sa likod ng isang silya.

            “Ah, hinihintay ko po si Alannah.” Nginitian niya ang bata na nakaakay na lang ngayon sa lola. Maliwanag na ang mukha nito at ngumingiti na ito ngayon, hindi gaya kanina na parang ang sama ng gising. “Tara Alannah, kain na tayo.” Humatak siya ng isang silya para paupuin ito.

            Madali namang umupo doon ang bata. “Lola! Milk po!”

            “Ako na!” Pag-volunteer ni Monic. “A-ako na po ang gagawa.”

            Ngumiti ang matanda na hahakbang pa lang sana pa-kusina. “Sige. Pero hindi na iyon tinitimpla ah, hija. Fresh milk ‘yon, dun sa ref.”

            “Ah, okay po.” Nagpunta siyang kusina at saglit na naghanap ng baso. Nang makahanap ay nagsalin na siya ng fresh milk na kinuha niya sa ref. Pagkabalik niya sa kainan, tuwang-tuwa niya ‘yung hinain kay Alannah.

            “Thank you po, Teacher Nix!”

            Natawa ang lola nito. “Wala na kayo sa school, teacher pa rin ang tawag mo sa kanya? Tita Nix na lang.”

            “Ooh! Like Tita Jessie and Tita Mikha?!”

            “Tama, tama.” Sabay bulong kay Monic ng, “mga pinsang babae ‘yon ng tatay niya.”

            “Ahh,” umupo na si Monic at nagsimulang kumain.

            Tita Nix? Puwede na rin. Nakangiti niyang isip. Wala pa kasing tumatawag nang ganun sa kanya dahil wala naman siyang mga pamangkin—or baka meron pero hindi niya lang nakikilala. Malayo kasi ang pamilya niya sa mga kamag-anak nila.

            Muli naman siyang nakaramdam ng hiya nang asikasuhin siya ulit ng ina ni Marky. Nakaugalian na yata nito ang kumilos nang kumilos. Pinagtimpla siya nito ng kape, hinainan ng iba’t ibang palaman ng tinapay, at inalukang ipagluto ng mas maraming bacon dahil napansin nito na ayun ang pinaka-kinakain niya.

            “Sigurado ka? Ayaw mo na?” Tanong nito nung tumanggi siya sa huli nitong alok.

            “Opo, opo. Tama na po ang mga ‘to.” Hiyang-hiya niyang sagot.

            “Kung ganun,” napatitig ito sa orasang nakasabit sa pader. “Aalis muna ako para mamalengke.” At pumunta ito ng kusina. Nang makalabas ay may hawak na itong nakatiklop na eco bag. “Wala ka bang lakad ngayon, Monic?”

            “Ah, wala po.” Sagot niya sabay alala sa mga plano niya sa darating na linggo. May tatlong araw pa siyang pasok sa trabaho bago ang isa’t kalahating linggong bakasyon na binigay sa kanila. Pero hindi siya maaaring matengga nang ganun katagal. Kailangan niyang makahanap ng sideline para kumita ng extra dahil medyo maliit lang ang makukuha niya sa darating na sahod—na agad pa niyang gagastusin sa mahahanap na maliit na mauupahan. Hindi rin kasi siya dapat magtagal kina Marky. Una ay dahil hiyang-hiyang talaga siya sa ina nito. At pangalawa, dahil gustung-gusto na niyang mawalan ng koneksyon kay Marky.

            “Oh Alannah, diyan ka lang kay Tita Nix mo ah? Samahan mo siya dito.” Paalala ng lola sa apo.

            “Opo!”

Love, The Second Time AroundWhere stories live. Discover now