Simula

640 9 1
                                    

TROUBLE IN PARADISE

How

"Mama? You're crying..."

Natauhan ako mula sa pagkakatulala nang marinig ang nag aalalang boses ni Lascaux.

Kinapa ko ang mukha at napagtantong basa iyon ng luha. I immediately wiped it off. Sinalubong ko ang mata nitong seryoso at malamig sa kabila ng pag aalala sa boses. Sa tuwing tititig ako sa mga matang iyon ay parati akong dinadala sa nakaraan. Not just his eyes but his whole features resembles alot to his father. Ang tanging mapapatunayan ko lang na nagmula sa'kin ay ang kulay ng balat nito at hugis ng labi. Wala ng iba.

"Napuwing lang ako. Mama's fine." Hinihiling ko nalang na sana maniwala siya. Kung hindi ba naman halos ilang beses niya na akong nakitang lumuluha kapag napapag isa, ewan ko nalang kung paniwalaan niya pa iyon ngayon.

"Get your things ready, okay? Ihahanda ko lang ang pagkain mo."

Ngumuso ito at nagdalawang isip pa kung iiwan ako sa kusina. Nang makita kong tumalima ang anak ko ay tumalikod ako at ginawa ang paborito niyang sandwich.

Tignan mo nga naman. Pati paborito ng ama niya ay nakuha niya rin. I used to make him these whenever he comes back to our town. Ito ang palaging sinasalubong ko sa kan'ya kapag nalalaman kong darating ito.

Hindi ko rin maiwasang manlumo sa nakita kanina. My shoulders slumped as my tears fall endlessly. Tinakpan ko ang bibig nang tumakas ang hikbi. I so badly want to clear my name and everything he saw that day. But it seems useless now.

I'm sorry if I can't give you a complete family, Las.

"Make some friends, hm? Mama needs to go na. Goodluck, big boy!" Hinaplos ko ang mukha niya saka hinalikan sa pisngi.

Nginitian ko ang teacher niyang maghahatid sa kan'ya sa klase. Bumuntong hininga ako habang sinusundan ng tingin ang anak. Kung ang ibang bata sa labas kanina ay nakikipaghilahan pa sa magulang nila para h'wag maiwan sa loob ng klase, itong anak ko naman ay tahimik na sumusunod sa guro niya ng walang pag aalinlangan.

Alam ko namang walang magiging problema pagdating sa eskwela niya dahil madali siyang maturuan.

I do really hope he make some friends today.

Pagkarating ko rin sa trabaho ay naging busy ako lalo na't marami ang pasyente ngayon na gustong magpacheck up.

"Good morning, Doc! Kumain ka na?" Bati ng assistant nurse kong si Kiko na kakapasok lang ng kwarto. Nanghahawa na naman ang palakaibigang ngiti sa umagang iyon.

"Hindi pa nga, eh. Nagkape lang ako. Marami na bang tao sa labas?"

Inayos ko ang puting coat bago umupo sa likod ng mesa.

"Baka maubusan ka ng lakas hanggang mamayang tanghali, Doc. Marami rami pa naman itong nakuha kong mga papel..." Ipinatong niya sa ibabaw ng mesa ko ang mga magpapacheck up ngayong araw.

"Ayos lang. Hindi na bago sa'kin 'to. Salamat sa pag aalala." Nasanay akong nagkakape lang sa umaga bago pumasok sa trabaho. Isinasabay ko nalang sa tanghalian ang agahan ko. Nagm-meryenda naman ako tuwing hindi gahol sa oras.

"Ayos na kayo, Doc? Magtatawag na ba 'ko?"

"Yes, please."

Binasa ko ang unang papel habang nag aantay ng pagpasok ng mga pasyente isa isa. Karamihan ngayong araw ay nireresetahan ko lang o 'di kaya ay magpapatingin sa kalusugan ng bata. Wala naman masyadong problema kaya nakakapagpahinga ako ngayon kaysa noong nakaraang araw.

"The baby is healthy, Mrs Minato. There's nothing to worry about. Normal lang rin ang pagsusuka kaya wala dapat kayong i-pag alala." I explained softly.

TROUBLE IN PARADISE (Galvez Series #2)Where stories live. Discover now