Part 20

2 0 0
                                    

" Wow! Ang romantic naman! Kulang nalang background music eh. Nakakahiya naman sa inyo, sinama nyo pa ako." Ngiwi ni Vicio at naupo na sa gitna namin ni Paul. Natawa naman ako.

" Arte mo, ikaw na nga ininvite eh." Kunwari ko syang inirapan kaya natatawa nyang tinaas sa ere ang mga kamay nya.

" Happy birthday Boy! Uso mag reply ah, alam mo ba yun?" tinuhog ni Vicio yung lettuce saka kinain. " Naka-sama mo lang si Yllana eh." Buyo nito.

" Ingay mo. Kumain ka nalang." Pabirong ani Paul kaya natawa na naman ako.

" Ang sama mo! Nag birthday ka lang eh! Tamo, pag ako nag birthday di rin kita papansin!" tinuro nya sa mukha sa Paul. " At ikaw Yllana, porket paborito mo si Benny boy ganyan ka." Then he pout, ang kyut!

" Kumain ka na nga lang dyan. Masarap scallops nila." Nilagyan ko ang mga plato nila nang scallops.

Sumubo naman sila nito. Tumuhog na rin ako nang salad at sumubo.

" Even the tenderloin taste good." Ani Vicio na tumatango-tango pa, " Incase you don't know, I'm a meat lover." Kibit-balikat nito, humiwa sya nang steak at sumubo, talagang napa pikit pa sya ha.

" Of course, magaling akong pumili nang pagkain eh." Pagmama-yabang ko pa.

" Eh ba't di mo pinipili si Paul?" sya lang natawa sa joke nya, noon ko lang sya narinig na tinawag nya si Paul na Paul.

Napa iling-iling nalang kami ni Paul at pinag-patuloy ang pagkain.

" Joke ba yun?" sarkastiko kong tanong sa kanya.

" Depende kung gagawin mong joke." Aniya habang sumusubo nang salad.

" You're talking too much Mossi." Umiling-iling si Paul.

" Tsk. Selos ka lang eh." Ngiwi ni Vicio kaya natawa ako. Di ko nalang sila pinansin at nagpa-tuloy nalang sa pagkain.

Pagka tapos naming kumain yung wine at cake naman yung pinag diskitahan namin. Pinatay ko na rin ang kandila at yung ilaw naman yung pinalit ko.

" Ang galing mo naman Yllana, naisip mo to lahat agad?" manghang ani Vicio.

"Alam mo kasi isang beses sa isang taon lang mag birthday ang isang tao. Might as well mag celebrate kahit magpasalamat nalang, di ba?"

" Ay oo nga. Alam mo kasi Yllana wala dito parents nyan, nasa states pa may inaasikaso. Next month pa uwi nang mga yun eh." Tinignan nya si Paul. " Di ba Ben? Kasama nga non si – " di na natuloy ang sasabihin dahil tinignan sya nang seryoso ni Paul, nag taka naman ako.

" Kasama si?" tanong ko at tinignan si Paul.

" Ahh hehe wala yun Yllana." Bakit? Di ko ba pwedeng malaman?

Ikinibit-balikat ko nalang yun at ininom yung wine ko at di na nangulit. Nag usap nalang kami nang kung ano-ano.

" Ikaw Yllana anong ma sa-suggest mong pangalan para sa new resort ko?" tanong ni Vicio.

Kaya napaisip ako " Hmmmm, ok lang naman kung same lang din dun sa resort na napuntahan ko. V'Ricorrere di ba? Lagyan mo nalang nang II. I don't know. Or ipangalan mo sa ex mo." Kibit balikat ko.

" Ay gago sa ex talaga?" tawa nya.

" Edi walang pangalan, wala kang ex eh."sabat ni Paul kaya natawa ako.

" Akala mo kung sinong maraming ex! Eh iisa lang naman naging ex mo!" sumama mukha ni Paul. Yan kasi mang-aasar pa, iisa lang naman pala ex. Tsk.

" Huy kayong dalawa, tumigil nga kayo para kayong mga timang eh." Awat ko sa kanila kunwari.

" Yan! Ipag tanggol mo ako dyan sa birthday boy na yan Yllana, porket birthday eh mang bu-bully." Kunwari pagpapa-awa nya sakin.

" Tigilan mo nga ako sa kaka birthday boy mo dyan, ang cringey." Ngiwi ni Paul kaya natawa kaming pareho ni Vicio. Pikon rin ang isang to eh.

Napuno ang gabing yun nang puro tawanan kahit kaming tatlo lang. Madaling araw na rin akong nagpa sundo non kay Manong Jun na talaga namang inulan pa ako nang sermon nang kapatid at kaibigan ko.

Oo tama, nalaman nang kapatid ko na umalis ako nang mga panahong yun kasi sumbungera tong si Zena eh. Kung di ko lang to kaibigan hinagis ko na yun sa labas. 

Mi'AmoreOn viuen les histories. Descobreix ara