Part 7

2 0 0
                                    

What? Saan nang galing yung hot? " Ha? " naguguluhan kong tanong sa kanya, I saw the uneasiness through his eyes.

" Nevermind." Aniya at naunang lumabas sa rooftop. Ano bang nangyari sa kanya? Ba't may biglang pa hot sya? Ewan ko sa kanya.

Pinagpa tuloy ko nalang ang pag vape ko habang tumitingin sa kalsada. Ang tahimik dito, ang sarap sa pakiramdam nang walang maingay. Pero mas masarap kung nasa dagat ako ngayon.

Pagka tapos kong mag bisyo bumaba na ako patungong studio. Wala na don si Mr. Servantes. Bakit? Nahiya ba sya sa sinabi nya? Eh totoo namang hot ako.

" Nali prepare na, magsisimula na maya-maya." Bungad sakin ni Ate Rita kay tumalima agad ako.

Maya-maya pa ay tinawag na ako. Naka roba pa ako nang nasa harap na ako, huhubarin ko na yung roba ko nang makita ko si Mr. Servantes sa dati nyang pwesto kanina nung nanonood sya.

Tumalikod na ako at dahan-dahang hinubad yung roba, kinuha agad ito ni Ate Rita. Tumambad sa kanila ang maong na short at naka hubad na itaas. Narinig ko naman na nagsinghapan silang lahat. Kung maka react naman tong mga to parang di sila ang plano na ganito ang look ko. Psh.

" Ahm, o- okay let's start." Ba't may pautal? Hmmm.

I covered my boobs and face the camera, tumayo ako nang medyo pa side at binend yung pwetan ko. For the second pose humingi ako nang metal chair at pinatong don ang kaliwang paa ko while still covering my boobs and fiercely face nang camera.

Palit-pose, palit-pose pa rin yung drama ko, nakikita ko na naka nganga pa rin silang lahat at ang amo namin ay parang kakainin na ako nang buhay sa tingin, hinayaan kko nalang pinag patuloy yung trabaho ko.

Nang matapos ang photoshoot puro sila congratulate at papuri kaya nagpa salamat ako sa kanila. Naiwan ko si Ate Rita kausap yung production kaya nauna ako sa dressing room at nagpalit na nang maayos na damit.

Nagulat naman ako nang di nagtagal kinatok ako agad ni Ate Rita sa cr. " Dear, bilisan mo dyan ha. May sasabihin daw sa lahat si Mr. Servantes sa lahat." Kumunot yung noo ko, sasabihin? Ahh, baka may speech or pagpa pasalamat.

" Sige po, tatapusin ko lang tong pagbibihis ko." Umalis na rin si Ate Rita at agad ko namang tinapos ang pag bibihis.

Ilang sandali pa dinaluhan ko na sila agad at naupo sa tabi ni Ate Rita. Nasa harap naman si amo namin na nakatayo " To the production, staff, thank you, and special thanks to Ms. Alonzo for the collaboration." Tiningnan nya ako kaya napalingon ako sa kabila. "I know that this launching will be successful because of you all. Thank you." Tumayo kaming lahat at pumalakpak.

Matapos ang speech nya nagkamayan kaming lahat at bumaba na. hindi gaya nang dati, wala nang Mr. Servantes ang nag hatid samin sa parking lot. Pumasok kami agad nila Ate Rita sa kotse, kinuha ko yung cellphone ko at tinignan ang oras. 6:15 na pala, nakita ko ring may missed call si Mico pero di ko na pinansin.

Ibinalik ko nalang sa bag ko yung cellphone ko at humithit nalang nang vape. Bukas ko nalang sasabihin kay Mama Sandy ang plano kong bakasyon.


Mi'AmoreWhere stories live. Discover now