Part 11

4 0 0
                                    

Dahil pagod na ako kakalangoy napag-disisyonan kong bumalik na sa mababaw. Nag taka naman ako na wala na don si Paul, san ba yun? Umupo nalang ako sa buhangin nang naka Indian sit at nag laro-laro nang buhangin.

Ilang sandali pa, may kumalabit sakin. " I made a reservation sa restaurant dito for our lunch. Get change." Kinuha nya yung kamay ko at hinila patayo.

Kaya pala nawala sya, pumunta palang restaurant. Tumango nalang ako sa kanya at tumakbo papasok nang villa ko para maligo at mag bihis.

Pagka tapos kong maligo nag bihis agad ako nang brown bohemian maxi dress na tinernohan ko nang flat strip sandal. Nag lagay ako nang pulang lipstick at nilugay ang buhok ko. Sinuot ko ang shades ko at kinuha ang pouch ko.

Nabungadan ko sa labas nang villa ko si Paul na naka Black plain tshirt at denim short. Lumapit agad ako sa kanya.

Sumakay kami nang golfcart tumungo sa restaurant dito sa resort. Pagkarating namin hinatid kami nang waiter sa table namin na may pagka rami-rami nang pagkain sa mesa.

May mix seafoods, mga inihaw at salad na gulay at buko juice. Naka lagay ang mga ito sa dahon nang saging, Boodle fight. Ngayon lang ako makaka-kain ulit nito. Ilang buwan akong nag tiis sa puro tsaa, tinapay, oatmeal at gulay. Umupo na kami at nag simulang kumain.

" Kalain mo lang to plinano? Kaya pala nawala ka kanina eh." Tanong ko habang sumusubo nang pagkain.

" Kanina lang din, naisip ko baka gutumin ka kakalangoy." Nagbalat sya nang hipon at nilapag ito sa harap ko. Kinuha ko naman ito at kinain. Sarap!

Kumuha ko yung mais at sinubo sa kanya. Kumagat naman sya, pagka tapos ako naman.

" Tanong ko lang, how old are you?" tanong ko naman sa kanya na ngumo-nguya.

" I'm 29, turning 30 next month. How about you? How old are you?" next month? So May birthday nya?

" Ako?" uminom muna ako nang juice saka sumagot. " I'm 24. Ang tanda mo na pala no?" sumubo ako nang pagkain at tumingin sa kanya.

Kumain lang kami nang kumain habang nag uusap. Sa dami nang napag usapan namin nagtataka ako kung kailan pa ako naging madaldal at kailan pa kami naging close?

Pagka tapos naming kumain bumalik na rin kami agad sa harap nang villa ko.

" Thank you sa pa lunch. Susunod ako naman ang mangli-libre." Sya kasi yung nag bayad. Sabi ko kahit hati nalang kami. Ayaw nya talaga kaya pinabayaan ko na.

" You're welcome. There's no need for to return the favor since ako naman ang nag aya sayong kumain." Sagot naman nya kaya ngumiwi ako, dami talagang alam.

Tumango nalang ako sa kanya. Umalis na sya at pumasok nalang ako sa luob. Humilata ako sa kama at napa-isip, parang ayoko nang umuwi nang Manila.

Nagagawa ko lahat nang gusto ko pag nandito lang ako, nakakahinga ako nang maluwag at mas nakakapag-isip ako nang maayos.

Nakatulugan ko na ang pag iisip at nagising nalang ako nang may kumakatok sa pintuan ko.

Paul? " I brought our dinner." Tinaas nya ang tray na hawak kaya napatingin ako don. Dinner? Nakita ko namang madilim na nga ang langit, teka anong oras na ba? Tinignan ko ang wall clock sa loob, quarter to 7 na pala.

Binuksan ko nang malaki ang pinto at pinapasok sya. Pinakain na nya ako kaninang lunch tas may pa dinner pa.

" You don't have to feed me everytime." Nakatayo lang ako sa harap nang mesa, sya naman inaayos yung pagkain namin daw.

Mi'AmoreWhere stories live. Discover now