Part 15

2 0 0
                                    

" I thought you were just kidding when you told me na aalis ka patungong Pinas?" tanong ko habang humihiwa nang steak. Mind you, sya pa ang nag luto nitong dinner namin. Sya yung bisita pero sya yung pinagluto ko.

" Well, I'm dead serious. What makes you stay here in Philippines though?" Uminom sya nang wine saka nagpa tuloy magsalita " Lucille you need to go back in Madrid. Your life is in Madrid"

Napa-iling ako sa sinabi nya. Ilang beses ko bang sabihin sa kanila na hindi ako uuwi.

" You can't make me. You know how much I love my job Zena. I just can't abandoned my job and go back to Madrid?" napasinghap ako.

" And abandoning your own company is okay?" bumuntong hininga sya at binaba yung kubyertos nya. " Is exploring different country and being a international model was really your job? Really?"

" I like what I'm doing." Kibit-balikat ko.

" Why? You don't need your company anymore?" she smirked

" Look, Clara can take over the company. She can handle it once she reach 21."

" Bakit? Kaya ba ayaw mo sa kompanya mo kasi may ala-ala dun yung father mo?" nakangisi nyang sabi. " So tama nga yung sinabi sakin ni Luciano, you're running away."

" I'm not running away." Sagot ko at pinagpatuloy yung pagkain ko. Pilit kong iniignora ang mga sinasabi nya.

" Lucille it's not your fault that Tio died. It's not your fault that Tio fetch you in the bar at naaksidente kayo. Walang may kasalanan! Kailan mo ba maiintindihan yun!" napipikon na sya.

Binaba ko yung kobyertos ko at tiningnan sya sa mata. " Not my fault?" sarkastiko akong ngumiti sa kanya, " Of course it's my fault! Bakit may nag utos ba sakin na mag inom non at ayaw magpa sundo sa driver kaya yung tatay ko yung sumundo sakin para lang umuwi ako? At hindi ko man lang naisip na umuulan kaya nahulog yung sasakyan namin sa bangin? Of course it's my fault! Sana nga ako nalang yung namatay!"

Nilapitan nya agad ako at niyakap kaya napaiyak ako " The only memory that I had him is the company. Kaya kapag nasa kompanya ako parang binibiyak yung puso ko, Zena." Iyak ko.

" Shhhhh, It's not your fault okay? Walang may kasalanan, even Tia knows that it's not your fault." Pang-aalo nya sakin habang himas yung buhok ko. Nilayo nya ako sa kanya at tiningnan sa mata. " Want to hear some news?" ngisi nya.

Pinunasan ko yung luha ko " What is it?"

" Your brother wants to settle down." Aniya kaya napahawak ako sa bibig ko. My gosh! They're getting married!?

" Oh my gosh! I'm happy for you!" saka ko sya niyakap nang mahigpit.

" But," apela nya kaya natigilan ako. Bakit may ' But' ?

" I can't settle down when your company still needs me. I will help you first, you're my top priority Lucille and you know that." Tugon nya kaya nalungkot ako. Tinanggihan nya yung kapatid ko kasi kailangan pa sya sa kompanya? " I love you Yllana Lucille Alonzo Mercado, I will do everything for you."

Parang naiiyak na naman ako, " Your brother and I decided to give you more time because we both know, it's not easy for you to adjust."

Di ko alam kung mararamdaman ko sa naging usapan namin ni Zena kahapon. Ano ba ang dapat kong gawin? Ayoko pa namang mag isip nang kung ano-ano lalo na't nasa trabaho ako.

" Nice! Another one! Beautiful!" sigaw nang baklang photographer.

Suot ang panty nang kilalang brand at gray sweat shirt, with my curly hair na hanggang bewang and smokey make up, pumatong ako sa metal chair nang naka tuwad at naka side view.

Mi'AmoreTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang