Part 5

2 0 0
                                    


Sabado ngayon at nandito ako sa park malapit sa may village ko, magjo-jogging. Naka racer back sports bra at naka leggings with my white sneakers ako. Kailangan kong mag exercise for my advertisement next week.

I play music from my phone saka ikinabit ito sa armband, sinuot ko na rin yung airpods ko. I'm starting to do my warm up nang may naaninag akong lalaki na papalapit sakin.

Buhay pa pala tong gagong to? Pssh. Nakalapit na ito sakin pero nag maang-maangan ako na di ko ito nakikita. Nagsasalita sya sa harap ko habang patuloy pa rin ako sa warm up ko, buti nalang naka airpods ako.

Nababanas ako sa mukha nang malandi na to, tinanggal ko yung isang airpods saka ako nag nagsalita " Pwede ba? Di kita kailangan. Bumalik ka na don sa girlfriend mo. Pake ko sa inyo" inirapan ko sya at akma na akong aalis nang nahawakan nya ako sa balikat.

" Love hindi ko sya girlfriend! She seduced me! I came there for you that time!" sabi nya nang mangiyak-ngiyak. Luh, anong kabobohan ba tong sinasabi nang gagong to.

" She seduced you? Patawa ka ba?" natatawa kong tanong sa kanya " You could've just push or stay from her pero ang dating you kissed back which I saw! Kaya pwede ba? Stop talking shit and leave me alone Mico!" sigaw ko sa kanya. Ibinalik ko sa tenga ko yung airpods at nag simula nang tumakbo.

Sumusunod pa rin sakin si Mico kaya tumigil rin agad ako at hinarap sya. Nakita kong nag liwanag ang mukha nya kaya ang ginawa ko? Sinipa ko sya sa paa at tumakbo na ako pauwi. Di ko na tinignan mukha nya, pake ko sa kanya, sinaktan nya ako. Buti nga yun lang ginawa ko eh.

Pagka dating ko sa bahay nilock ko yung gate, baka kasi pupunta dito yun. Wala pa naman dito si Manong Jun. Dumiretso ako sa kwarto at hinubad ang airpods. Tinanggal ko sa balikat ko yung armband at kinuha ang cellphone, tiningnan ko yung oras ang laking dismaya ko di man lang ako nakapag jogging eh 3:45pm palang. Bwesit na lalaking yung sinira yung araw ko. Sinira na nga yung walong buwan ko sinira pa araw ko.

Nag bihis nalang ako nang cotton short and loose crop top, binulsa ko yung cellphone, vape pen at juice ko saka ako bumaba para mag timpla nang tsaa, pagka tapos dumiretso sa sala at in-on ang tv. Humihithit ako nang vape habang nanonood ng tv nang ilang sandali pa tumunog yung cellphone sa bulsa ko kaya tinignan ko kung sino ang tumawag, pero numero lang ito. Nung una di ko ito pinapansin pero dahil ang kulit, sinagot ko na rin.

" Hola mi querida?" tanong nang nasa kabilang linya. Para akong binuhosan nang malamig na tubig. " Eres realmente dura, eh?" batid kong nakangisi na ito sa kabilang linya.

" Que quieres?" malumanay kong tanong sa kanya. " Tu sabes lo que quiero" natatawa nitong sagot sakin.

" Tu Tambien sabes cual sera mi respuesta, deja de molestarme" saka ko sya binabaan nang linya. Tinignan ko ulit ang numerong ginamit nya, Philippine number? Andito sya sa pilipinas? Sinong kasama nya?

Naging palaisipan sakin ang tawag na yon, Mabuti nalang di ko nadala sa araw nang shooting ko. Bumangon ako nang madaling araw kasi maaga ang calltime. Naka tulog ako sa byahe kaya nagulat ako nang gisingin ako ni Ate Rita, kasama pala namin ngayon sila Leon. Andito kami sa may bakanteng lote kung saan gaganapin ang shooting para sa advertisement.

" Andito na tayo." Ani Ate Rita. Nakita ko sa labas yung mag sho-shoot sakin. Bumaba na kami ni Ate Rita na halos magkanda kuba na sya sa pag bitbit naang mga su-suotin ko.

Nakita kong may nag pupunas nang kotse na imo-model ko, may mga taong nag aayos nang camera, lights at kung ano-ano pa.

" Good morning Ma'am, this way po" hinatid na kami nang staff kung saang tent ako mag aayos. Walang kahit anong kwarto dito since bakanteng lote nga ito,literal na bakante talaga kasi maliban sa mga artificial sand at sa sports car na imo-model ko wala na akong ibang nakikitang kung ano.

Ang unang pina suot sakin ay high waist leather leggings, white crop top, brown leather pointed toe knee-high boots, with smokey make up and red lipstick. To complete my look, pina suot nila akong nang prinstripe felt hat.

Lumapit ako sa baklang direktor ang nakipag-kamay.

" Okay, first angle muna tayo. We'll do the front of the car muna. You can move or strike any pose you want, okay dear? Be natural lang" sabi sakin nang director kaya tumango ako. Tinawag na nang director yung videographer kaya pumwesto na ako nang dalawang metro malayo sa hood nang sasakyan at huminga nang malalim. " You good now? Let's start" pumwesto na sya sa may screen malapit sa kanya at itinaas ang kaliwang kamay nya. " 3,2,1 cue!" sigaw nito.

Kaya rumampa ako sa harap nang hood ng sasakyan at isinandal don ang pwet ko, I bend my back and part my legs a little bit and put my two hands in the middle of it. I fiercely look to the right side saka binalik ang tingin sa harap. Pagka tapos tumayo ako at umikot saka kinuha ko yung sombrero ko at hinagis ito sa harap.

" CUT! My gosh! First take lang! As expected sa isang Ms. Yllana Alonzo." Puri nito sakin kaya nagpa-salamat ako. " Okay, next outfit.!"

Natapos yung shoot nang gutom na gutom ako, kaninang break kasi di ako kumain nang marami, di ako pwedeng maging bloated since mga sexy yung damit na sinu suot ko. Tapos narin silang kumain nang snacks maliban na naman sakin. May photoshoot for magazine pa ako bukas at gaganapin ito studio nang PBSE.

Imagine, we started at 5am, ended at 5pm. Pagka tapos talaga nang photoshoot di muna ako tatanggap nang trabaho. I need time for myself and I will discuss it to Mama Sandy soon.

Hilong-hilo akong naupo dito sa may tent ko habang hilot yung sintido ko, sila Ate Rita at Leon ay nag aayos sa mga gamit namin. Laking gulat ko nang may naglapag nang kape sa harap ko. Naka suit parin ito at parang galing pa trabaho.

" For me?" naguguluhan kong tanong kay Mr. Servantes at napatayo.

" Yeah, your P.A told me that you don't eat much when you have a work. You look exhausted kaya nagpabili ako nang kape sa secretary ko. Okay lang ba to sayo?" aniya.

Tumango ako at nakahinga nang maluwag, sa sobrang busy nakalimutan kong magpabili nang kape. " Thank you sir." Pagpa pasalamat ko.

" No worries Ms. Alonzo, you should not starve yourself. You need energy when you are working." Pagpapa alala nito sakin. Sinong may sabi sa kanya na I'm starving myself? I just don't want to eat a lot kasi ayokong lumaki ang tyan ko sa gitna nang pagta-trabaho.

Tumango nalang ako sa kanya at ininom yung kape na binili nya para sakin. Nakikita ko sa peripheral ko na nakatingin pa rin sya sakin. Hindi naman ako allergy sa kape pero bakit nagpa-palpitate ako.


Mi'AmoreWhere stories live. Discover now