Part 17

2 0 0
                                    

" Okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Pina andar nya na yung kotse.

" Yeah." Bumuntong hininga sya. Sure ba syang okay lang sya? Ba't parang wala sya sa mood.

" If you're not feeling well, okay lang, umuwi nalang tayo." Napatingin sya sakin saka binalik sa harap yung mata.

" I'm okay. Where do you want to eat?" Ako naman ang napa buntong hininga, Okay? Really, huh?

" Umuwi nalang tayo. Bukas nalang tayo lumabas baka sakaling okay kana."

" Okay nga lang ako. I'm just, ahm," di nya tinuloy ang sinabi nya kaya napataas ang kilay ko.

" Ano?"

" Who's that guy?" napa tingin ako sa kanya, si Cen ba? Maliban kina leon wala akong ibang kasamang lalaki, si Cen lang.

" Ahh, si Cen. Huy alam mo bang partner ko sya sa project kanina? Ngayon ko lang din nalaman eh. At ang galing nya pala, nakapa professional at - " di na natuloy yung sinabi ko nang bumuntong hininga na naman sya. Bakit ba? May problema ba sya?

" So whole day mo syang kasama?" I was stunned at his question, natural, magka trabaho kami eh.

" Of course, teka lang, ano bang nangyayari sayo?" natatawa kong ani.

" Nothing. Bukas hatid kita sa work mo."

" Okay?" nalilito kong ani. " Punta ka bukas nang 7am."

Tumango naman sya.

Napag desisyonan naming kumain sa isang Spanish restaurant. Tahimik pa rin sya kaya hinayaan ko na, like seriously? Di ko naman alam anong nangyayari sa kanya.

Tumuhog nalang ako nang patatas sa stick at nilapit sa may bibig nya, " Ahhhhh,"

Parang natigilan sya pero di kalaunan sinubo na rin, kaya napangiti ako. Ako naman yung tumuhog at kinain ito, dang, so yummy.

Kumuha ako nang kutchara at sumandok nang gazpacho saka tinapat ito ulit sa kanya, sinubo nya naman ito. Nang may naiwang dungis sa may gilid nang labi nya kinuha ko yung panyo ko sa sling bag saka pinunasan ito.

Using the same spoon, sumandok ako kumain rin. I don't want to say this but gosh I miss spain.

Nang matapos kaming kumain hinatid nya na ako sa bahay ko.

" May problema ka ba?" tanong ko sa kanya, di pa rin buma-baba nang kotse kahit nandito na kami sa labas nang bahay ko.

" Wala. I'm sorry if I'm being weird." Buntong-hininga nito.

" Bakit nga, I'm all ears." Kumbinsi ko sa kanya. Kasi nga nakaka-bothered, oo nga't madalas syang tahimik pero yung aura nya ngayon eh iba.

Tumikhim sya bago nagsalita " Di mo ako tatawanan?"

" Bakit naman kita tatawanan, eh ako nga yung nagtatanong." Napa-irap naman ako. Sigurado ba syang 29 na sya?

" I feel weird seeing you with another man, okay? I don't even know why!" parang confuse na nga sya. Ba't palagi nalang to ' I don't know' . di ba talaga sya sure sa feelings nya or sa mga bagay-bagay? Ano sya, bata?

Mag re-react sana ako nang may naisip ako.

" Baka dahil gusto mo ako?" buyo ko. Sineryoso ko yung mukha ko para di mag mukhang joketime. Damn, this gonna be good.

Parang natigilan naman sya kaya ginatungan ko na naman " Di nga kaya may gusto ka sakin? Kaya palagi kang nandyan sa tabi ko kasi gusto mo'ko? Di ba sabi mo sakin may something keme kang na fi-feel kapag malapit ka sakin?" nilapit ko yung mukha ko sa kanya nang mga ilang dangkal, shet ibang epekto sakin nang kinain namin kanina.

Nakita ko namang napa-lunok sya habang naka tingin sa mga labi ko. Damn, ano ba tong pinaga-gagawa ko.

Naka titig lang ako sa mga mata nya, at dahil naiilang na ako uupo na sana ako nang maayos para babawiin yung sinabi ko nang dinala nya sa batok ko yung kamay nya, hinila ako at hinalikan. Damn!

Dahan-dahang nag hiwalay yung labi namin, napa kurap naman ako. Fuck, I just let him kissed me! Why did I even let him? Sira na ba talaga tuktok ko? Alam kong nahalikan na nya ako sa noo, pero noo yun, hindi sa lips.

" Di mo nga ako tinawanan, inasar mo naman ako." Mahina boses nya kaya napa-upo na ako nang maayos.

" I'm sorry, joke lang naman yun eh." Napa tungo ako at napakagat sa labi. Nakakahiya shet.

" No, thank you for doing that. I just figure out something." Aniya kaya napatingin ako sa kanya.


Mi'AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon