Part 12

3 0 0
                                    

Sa ilang araw nang pananatili ko sa resort nato, wala araw din na tinantanan ako ni Paul. Pinapakain nya ako, sinasamahang mag kape, mag swimming at mag walwal kahit dito lang sa tapat nang dagat.

At di ko rin alam kung bakit hinahayaan ko syang gawin yon. Hindi ako to, talagang hindi ako to. Damn.

Andito kami ngayon sa Coffe shop nang resort, umiinom nang kape. Naka pwesto kami sa labas nang coffee shop, kita ang magagandang halaman sa harap namin.

" Kailan ka ba babalik nang Manila?" tanong ko sa kanya habang humihigop nang kape.

" Kung kailan ka babalik nang Manila." Sagot naman nito.

Napa-ngiwi naman ako sa sinagot nya, bakit? Ako ba ang maghahatid sa kanya? Sasagot sana ako nang may biglang magsalita ang speaker nang coffee shop.

"What are you saying Benny boy? Your line  suck." May pang-aasar sa tinig nito. Benny Boy?

Nakita kong napa nga-nga rin Paul. Don't tell me kilala nya ang nagsasalita?

" Yes Benny, it's me. Surprised?" at natawa na nga ito. Napailing nalang si Paul.

Di nagtagal may lumabas na lalaki sa pintuan nang coffee shop, he has a gray eyes, white complex skin and blonde hair, naka simple pants lang ito at naka gray tshirt. Kahit ang simple lang nang suot nito nagsusumigaw pa rin ang kamayanan nito sa katawan.

Lumapit ito samin at nakipag kamayan kay Paul. " I thought you are in Italy na?" tanong ni Paul rito.

" I was, we just had a short meeting with the investors. Di ba sabi ko naman sayo sandali lang ako don kaya sa opisina mo nalang tayo magkita? Pagka tapos don umuwi agad ako at dumiritso dito nang malaman ko sa secretary mo na di ka pa pala umuwi." Tumingin ito sakin kaya tumungo ako bilang pag bati. " You are the mighty Yllana Alonzo right!?" parang nabibigla pa nitong tanong.

" Ah, eh. Hehe." Naiilang kong ani. " You know me?" parang tanga ko pang tanong sa kanya.

" Sino bang hindi nakaka kilala sayo? Sa ganda mong yan!?" tumingin ito kay Paul at tinulak nang bahagya nito ang braso " Dude you're dating the mighty Yllana? I thought kinuha mo lang sya kasi perfect sya for your company? Lagot ka sa mga fans nyan." Natawa sya sa sariling sinabi.

Nagka tinginan naman kami ni Paul at sabay ring nag iwas. " We're not dating Mister." Ako na ang sumagot.

" Oh. I thought you guys are dating. Di kasi sumasama sa babae yang si Benny Boy." Kinulong nito ang sa mga braso ang ulo ni Paul at ginulo ang buhok saka ito binitawan. " By the way, Vicio Mossi."

Tinanggap ko ang kamay nito at nakipag kamay, " Yllana Alonzo."

" So, bakit kayo magkasama dalawa? Ilang araw na nga ba kayo magkasama?" pang iintriga pa rin nito samin.

"None of your business. Why? Is there something wrong?" seryoso nitong ani.

Napa ngiwi naman ang kaibigan nito " Wala naman, pero pag kayo na spot-tan dito ewan ko nalang. Di na ako magtataka nasa headline na kayo." Saka ito natawa.

Napailing nalang ako. Nag usap lang kami buong mag hapon. Hindi ako na buburyo kausap si Vicio, palabiro at palaging inaasar si Paul kaya tawa lang ako nang tawa sa kanilang dalawa.

Nalaman kong sobrang close pala talaga nila simula nang bata sila hanggang ngayon.

Lumipat kami ngayon sa restaurant, at kumakain nang dinner namin.

" Ikaw Miss Yllana, when will you be back in Manila?" tanong ni Vicio sa gitna nang pag-uusap.

" Day after tomorrow. 2weeks lang bakasyon ko eh."

Mi'AmoreWhere stories live. Discover now