Part 9

2 0 0
                                    


Pag labas ko tumambad sakin ang lamig nang simoy nang hangin. Napapikit ako at napayakap sa sarili. Se Siente tan bien.

" Going somewhere?" naidilat ko ang mga mata ko at tumambad saking harapan Si Paul. Luh may pa first name basis Nali? Close na close?

Tumango naman ako sa kanya " Yeah, maghahanap nang maiinom." Bumuntong hininga ako, " Pero di ko alam san makakabili nang alak. Wala naming bar dito, siguro naman meron silang store dito." Napangiwi ako sa sinabi ko.

" They don't have a bar here since it's a private resort, bilang lang ang taong nakakapasok dito. But yeah, they have a store, restaurant, spa and coffee shop here. I can take you there if you want." Aniya.

" Bakit? Wala ka bang ginagawa? Di ka busy?" tanong ko sa kanya. Nakaka-pagtaka naman kasi, dalawan beses ko na syang nakita sa isang araw.

" I'm free. My friend already left, so ngayon ako nalang mag isa." Kibit-balikat nito. " Ano? Want me to come with you? Loosen up, we already met right?"

Tumango nalang ako, " Okay, gamitin nalang natin yung golfcart." Turo ko sa golfcart na pina gamit sakin.

Sumakay na kami sa golfcart at umalis. Nadaanan naming ang ibang villa pa, Pumasok kami pa kanan at dun kami dumaan, ilaang sandali pa nakita ko na sa di kalayuan may signage na nakalagay Vicio'Spa, katabi nito may nakalagay V@Store. Sa di kalayuan may parang flower garden, sa unahan nang garden kay coffee shop na ang nakalagay Venvenut may mesa at upan ang coffee shop sa harap nito. Katabi nito restaurant naman, gaya nang sa coffee shop, may upuan at mesa rin ito sa harap.

Ang ganda naman nang lugar nato! Dagdag mo pa ang mga sodium light na tumatama sa paligid. Parang dinala ako sa italya nang lugar nato.

Bumaba na kami at pumasok sa store. May mga iilang tao ron na namimili, tumingin sila sakin at ngumiti kaya ngumiti na rin ako.

Dumiritso ako sa drinks section, at tama nga ako. May alak dito, hurray! Kumuha ako nang isang bote nang brandy, saka ako dumiritso sa mga chips, kumuha ako isang malaking Nova, nagaraya, chicharron at ice.

Hanggang sa pag bayad naka sunod pa rin sakin si Paul. Nag bayad na ako at umalis na rin kami. He insisted na sya pa ang mag bayad nang pinamili ko pero I refuse, may pera naman ako.

Pagkarating namin sa harap nang villa ko binigay ko agad kay Paul yung pinamili ko, nagtataka nya naman akong tinignan. " Hawakan mo muna, may kukunin lang ako sa loob." Hindi ko na sya pinag salita at tumakbo na ako papasok nang villa.

Kumuha ako nang shawl at baso. Nagmadali akong lumabas at hinila na si Paul sa harap nang dagat. Nilapag ko yung shawl at kinuha sa kanya ang mga pinamili ko at inayos ito, pina upo ko sya at umupo narin ako.

" Kahit wag ka nang uminom, samahan mo lang ako kahit sandal lang," tugon ko. nilagyan ko nang ice yung baso at sinalinan ito nang brandy saka ko ito ininom.At dahil dala ko pa rin yung pouch ko kinuha ko ang vape pen at juice, tinggal ko ang used cotton at pinalitan ito nang bago, nilagyan ko ito nang juice at in-on saka ako humithit at bumuga.

Tahimik lang akong umiinom dahil tahimik lang rin ang katabi ko, ewan ko nga sa isang to eh, di man lang umangal nung hilahin ko sya dito.

" So you're Spanish?." Sya na ang unang bumasag nang katahamikan namin.

Tumaas naman ang sulok nang labi ko, " How can you say that I'm Spanish?."

" Because you speak spanish?."

Natawa naman ako, " Not because someone is speaking Spanish, that certain person is already a Spanish. Pero si, soy español," nakita kong natulala sya sakin kaya natawa na naman ako. Uminom na naman ako at kumain nang chips. Humithit ako at bumuga. " Anong ginagawa mo pala dito? At bakit ikaw lang mag-isa?" tanong ko sa kanya.

" I'm with my friend pero nauna syang umuwi nang manila. Nagpa-iwan ako para makapag relax naman kahit sandal." Sagot naman nya.

" Bakit? Stress ka ba sa work? Alam mo kasi, kahit CEO kailangan rin nang pahinga." Buyo ko.

" Stress ba ako? Hmmm. Di ko rin alam eh." Natawa naman sya sa sinabi. Emosyonal rin pala to eh.

I don't do stuff like this lalo na kung di ko kaclose yung kasama ko. Iisang tao lang yung kaclose maliban sa mga kapatid ko at yun ay si Zena.

Hindi ko alam kung anong oras na pero umiikot na yung panigin ko. " Yllana let's go." Inakay na ako ni Paul papasok nang villa ko.

" Wait, nasusuka ako." Sabi ko sa kanya. Dinala nya naman ako sa cr at pinasuka. Pinag toothbrush nya rin ako, he even rinse my face.

Pagka tapos hinubad nya ang cardigan ko at pinahiga sa kama. Kinumutan ako itinaas sa may unan yung buhok ko " Good night Yllana." Naaninag kong paalis na sya at tuluyan na akong nakatulog.


Mi'AmoreWhere stories live. Discover now