Part 2

5 0 0
                                    


 Mico? " naguguluhan kong tanong. Nagugulat naman silang bumitaw sa isa't-isa, umalis kaagad si Jergen sa itaas ni Mico. Yeah right, they're making out. Naka dress na si Jergen, nakita kong pinunasan nila ang kanilang mga bibig. " Que el infierno? " tanong ko sa kanya.

Nakangisi lang na nakatingin sakin si Jergen, Perra! " Love, let me explain! " Parang maiiyak na ani Mico. Huh! Para namang di nya ginustong makipag laplapan sa babaeng malandi na yan! Alam nya kung gano kami kagalit ni Jergen sa isa't-isa pero nakuha nya pang makipag landian dyan! 

" Explain what? Look, Mico you don't have to explain everything sinampal mo na sa pagmumukha ko yung tinatawag mong explanation. You know what? Let's end this shit, magsama kayong dalawa tutal bagay naman kayo, parehong higad! " Bago pa sila makapag salita umalis na ako. Wala akong panahon para pakinggan pa ang mga sasabihin nila. 

Aminin na natin, ang sakit nang ginawa nya sakin at mahal na mahal ko sya. Pero di ko kayang lunokin ang pride ko para mag bulag bulagan sa kanya. Maganda naman ako, di ko kailangang mang limos nang pagmamahal. Pero deputa, ang sakit! Ang sakit sakit! Gusto kong umiyak pero andito pa ako sa labas nag lalakad. 

Nang makarating ako sa van saka bumuhos yung luhang kanina ko pa gusto ilabas. " Huy! Nali! Okay ka lang ba? Ano bang nangyayari sayo? May nang away ba sayo don sa loob? Huy ano ba! magsalita ka! " natatarantang tanong sakin ni Ate Rita, mabuti nalang at nauna nang umalis sila Leon kundi pati ang mga yon dudumogin ako nang tanong.

 Shhhh," pagpapatahimik ko sa kanya " Manong let's go home " sabi ko sa driver ko. Alam kong nakatingin pa rin sa kin si Ate Rita at nag aalala pero mabuti nalang di na sya nag salita pa ba ka di ko na kayanin at umatungal nanaman ako nang iyak dito ngayon.

Nang makarating na ako sa bahay ko agad akong nag tungo sa kwarto ko at humilata. Si Ate Rita na bahala sa mga gamit ko, alam na nya kung anong gagawin sa mga gamit ko. 

Humilata ako nang ilang oras at kinalma ang sarili ko. Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala at ihagis ang lahat nang mga gamit ko dito sa kwarto. Kwarto, ang napakalaking kwarto ko. Sanay naman akong mag isa pero bakit iba ang epekto ngayon nito sakin? Siguro dahil broken hearted ako. Gusto kong matulog pero di ako maka tulog. Kinuha ko yung cellphone ko sa pouch at tinignan ang oras, 10:25 na pala.

Ilang sandali pa naka rinig ako nang katok. "  Nali dear? Gising ka pa ba? Buksan mo muna yung pinto nag luto ako nang late dinner mo. " ani Ate Rita. Bumangon ako at pinag buksan sya nang pinto.   Here, ipinagluto kita bago ako umalis. Di kita masasamahan ngayon pasensya na tumawag si Darren nilalagnat daw si Ethor eh. " bumuntong hininga sya at may pag aalala sa mata. Naiintindihan ko naman na may sakit yung anak nya." Alam kong may pinagdadaanan ka ngayon kahit di mo sabihin. Tawag ka sakin pag may kailangan ka okay? Ako ang bahala at gagawan ko nang paraan. " Gamutin mo puso ko te. Natatawa kong ani sa isip ko. 

 Okay lang ako Ate ano ka ba . Mas kailangan ka ni Ethor ngayon mabuti nalang at natawagan ka agad ni kuya Darren. " kumuha ako nang pera sa wallet at binigay sa kanya " Kailangan mo nang pang gastos kay Ethor ate ito oh. " aatras sana sya para di tanggapin yung pera pero hinuli ko yung kamay nya at pinatong don yung pera. " Tatanggapin mo oh mag tatampo ako sayo? " pangungun-sensya ko sa kanya.

 Ano ka ba ! Sobra sobra naman to! Aanhin ko ang ganyang kalaking pera? Tsaka may pera naman ako galing sa sahod ko sayo no kaya ok na. " di ko tinanggap ang pera kaya napilitan syang ibulsa yon. "  Sige na nga haaaays. Salamat dito ha? Salamat talaga Nali. " 

" Hatid na kita sa baba? " anyaya ko sa kanya pero pinigilan na nya ako. "  Wag na, dito ka na at kumain. Ako na ang mag lo-lock sa baba. Ubusin mo yang niluto ko okay? " tumango naman ako sa kanya.

Nang maka labas na sya nang kwarto ko sinimulan ko na ring kainin yung pagkain na inihanda nya para sakin. Nakakaawa naman ako, broken hearted na nga mag isa pa. 

Parang naluluha na naman ako, ano ba! Kumakain pa ako eh!

Nang matapos kong kumain ibinaba ko yung pinagkainan ko at hinugasan. Bumalik ako sa kwarto at naligo. Matapos akong naligo nang may naiisip ako, gusto kong uminom. Tinignan ko naman yung oras sa phone ko, 11:25 na.

Hindi! Matagal na akong tumigil sa pag iinom! Baka ikapahamak ko nanaman yang pag iinom na yan. Pero gusto kong uminom.

Bago pa magtalo yung kabilang utak ko sa kabilang utak ko, gumayak na ako at kumuha nang pouch, hoodie at mask . Ayokong mag heels nang naka pajama kaya nag flip flops nalang ako.

Nag drive ako papunta sa isang kilalang bar. Nang makarating na ako pinarada ko na sa parking lot yung saksakyan ko at dumiretso sa entrance. Grabe naman maka tingin ang bouncer na to. porket naka pajama ako . Psh. Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa bar counter. Humingi ako nang isang bote nang tequilla at shoting glass na agad naman binigay nang bartender saka ako nag bayad. Pagka tapos nyang ibigay humanap ako nang pwesto sa VIP room, kasi naman baka pag makita ako nang mga tao dito eh nasa headline na ako bukas. Andami pa namang tao dito. 

Nang makahanap ako nang pwesto sa VIP room. Binaba ko yung hawak kong tequilla at shoting glass ang sunod kong ibinaba yung mask ko kasi ang pangit naman kung iinom ako nang naka mask di ba. 

Sinimulan ko nang inumin yung tequilla ko, naka isang glass palang ako parang hinihiwa na yung lalamunan ko, pero na miss ko to. Ilang taon ko tong iniwasan. Kung babalikan ko ang nakaraan parang binasabag yung puso ko, dumagdag pa tong si Mico Saavedra. Letcheng buhay to oh. Kailan ba ako sasaya? 

Ayokong mag isip nang kung ano kaya inom lang ako nang inom, hindi ko namalayan nasa kalahati ko na yung laman nang tequilla at medyo tipsy nko. Kailan nga ba ang huling inom ko? Hmmmm, 5years ago? Oh mi, tagal na pala pero na aalala ko pa rin ang dahilan kung bakit ako tumigil. 

Gusto kong mag yosi pero wala ako non, binuksan ko yung pouch ko at kinuha ang vape pen at juice. Buti nalang at kakapalit lang nito nang cotton kaya nilagyan ko nalang juice saka ko in-on. Humigop ako at bumoga saka napasandal nalang sa couch. Nalulungkot pa rin ako lalo't na sa nangyari samin ni Mico.

Tinapos ko na yung ininom ko at niligpit ang mga gamit ko. Mabuti nalang kahit medyo lasing na ako nasa isip ko pa rin ang mag mask. Nang matapos na akong mag mask saka ako lumabas nang VIP room at bumungad sakin sa baba ng maraming tao at nakakahilong disco light. 

Susuray-suray akong lumabas bar at nang bubuksan ko na yung kotse ay di ko ma buksan. "  Letche naman oh, pati yung kotse ayaw sakin! Ayaw akong pag buksan! "  naiirita kong sigaw. May nararamdaman akong lumapit sa likoran ko pero di ko na pinansin. Sige pa rin ako sa pag bukas nang driver seat.

 Ahm miss, what do you think you are doing? "  tanong sakin nang tao sa likod ko. Di ko na pinansin since di ko alam kung ako ba yung kausap oh hindi pero sige pa rin ako sa bukas kahit ayaw mabuksan. " What the fuck!? What do you think you are doing to my car!? " huh? to his car daw?

Naiinis akong humarap sa kanya at sa kasamaang palad muntik pa akong bumulaga sa sahig. Hindi ko na masyadong naaninag yung mukha nya basta ang alam ko matangkad sya, pero pake ko sa kanya " Wait. Are you talking to me? Because if you are, this is my car mister. " naiinis kong turan sa kanya kahit di nya nakikita yung mukha dahil sa mask.

" What? Are you insane woman!? That's my car! " naiinis nya ring sigaw sakin. Wait, black mercedes? This is mine! 

" No! this is my car! With my plate number YLM 821! " sigaw ko rin sa kanya pero shet nasusuka ko! Napa takip ako nang bibig hawak yung pouch ko at napasandal sa kotse. Damn! 

" You mean that car? " sabay turo nya sa may likuran ko kaya sinundan ko ito nang tingin. Napasingkit ako nang mata since blurry na talaga yung vision ko damn it! " Maybe that's your car miss. Di mo kailangan manguha nang kotse nang may kotse, you have your car key right? Pindutin mo yun wag tatanga tanga. " sarkastiko nyang tugon sakin. 

Damn it di ko na talaga kaya! Nasusuka na ako, binaba ko yung mask ko at nasuka. Shit talaga umiikot na yung paningin ko! Sa kasamaang palad I passed out, oh great.


Mi'AmoreWhere stories live. Discover now