Part 10

2 0 0
                                    


Nagising ako na masakit yung ulo, tangina naman kasing brandy yun lakas sumipa. Bumangon ako habang hilot-hilot yung sintido ko pero laking gulat ko nang may nagsalita.

" Good Morning." Bati nito. Anong ginagawa nito dito? Palagi nalang akong ginugulat nang taong to. At talagang komportable pa syang nakaupo ha " Nagdala ako nang breakfast at gamot for you." Tumayo sya at iginayak ako sa mesa na may sopas, orange juice, mangoes, hot chocolate, pancake at gamot.

" Pano ka nakapasok?" tanong ko sa kanya. Naka upo na sya ngayon sa harap ko habang sinasandukan ako nang sopas. Close ba kami? Pero naalala ko, ako nga pala ang unang nagpasama sa kanya kagabi. " My head hurts, damn it." Pagmumura ko habang hilot na naman yung sintido ko.

" Kumain ka kaya muna." Saka nya tinuro yong pagkain na nasa harap ko.

" I don't want to eat, I just need cold water. I don't need to eat." Sabi ko sa kanya. Nakita kong napalunok sya saka sya tumayo at kinunan ako nang malamig na tubig galing sa ref. Ipinagsalin nya ako sa tubig saka naupo ulit.

Ininom ko ang tubig na binigay nya at napapikit habang nakasandal sa upuan. Oh great, first day ko sa resort nato nalasing ako.

" Aren't you going to eat?" tanong nito kaya napadilat ako nang mata at napa-ayos nang upo.

" No." ngiwi ko, uminom ulit nang malamig na tubig. Tumingin ako sa labas galing sa bintana at bumuntong hininga. " I want to swim."

" Later, eat first." Seryosong aniya.

" Hindi ako kumakain kapag may hangover ako, okay na ako sa malamig na tubig,"

" Still, you need to eat." Pagpipilit nya. " Your tummy will get hurt kung walang laman."

Sa hindi malamang kadahilanan, napa payag nya akong kumain. Sinimulan kong kainin yung sopas para di lumamig, pagka tapos kinain ko na rin yung manga. Ininom ko yung hot chocolate pero di ko na inulit, di ko talaga trip uminom nang mainit kapag naka inom ako. Yung orange juice nalang yung ininom ko.

" Tapos na akong kumain, baka naman pwede na akong mag swimming?" tanong ko sa kanya.

" Change now, sasamahan kitang lumangoy." Aniya habang naka sandal sa upuan nya at naka cross arms.

Tumalima agad ako kinuha yung susuotin ko na bikini saka dumiretso sa cr. Sinuot ko na ang nude 1piece U-back bikini ko at pina tungan ito nang roba, di nag tagal lumabas na ako nang cr.

" Let's go." Aniya at tumayo na.

" Di ka lalangoy?" tanong ko sa kanya. Pano naman kasi naka streetwear shorts lang sya at naka white tshirt.

" No, sasamahan lang kita." Kibit-balikat nito.

Tumango nalang ako at lumabas na kami. Pagkarating namin sa harap nang dagat umupo nang walang ka arte-arte si Paul sa buhangin.

Tiningnan ko ang paligid at napasinghap, ang gandaaaaaaa! Ngayon ko lang na appreciate ang dagat kasi naman, pag-iinom ang inatupag ko kagabi. Ang ganda nang dagat, ang aliwalas nang paligid.

Tumingin ako sa bandang kanan, hindi man gaano karami ang mga tao pero nakikita kong masaya silang nagtatampisaw sa dagat.

Hinubad ko na ang roba ko at ipinahawak sa kasama ko ito. Kumurap-kurap naman nya itong tinanggap." Hindi ka maliligo di ba? Hawakan mo muna ha? Lalangoy muna ako." Saka ako tumakbo na para salubungin ang alon nang dagat.

Ang saya naman! Ang sarap sa pakiramdam maka langoy. Lumangoy-langoy lang ako at inenjoy ang dagat. Nakita ko naman sa malayo si Paul, tsaka ko lang namalayan na ang layo na pala.

Kumaway ako sa kanya at kumaway naman sya pabalik. Ngumiti ako at lumangoy papunta sa mababaw. Lumapit ako sa kanya at umupo sa harapan nya.

" Ba't ayaw mong lumangoy Paul?." Nakita kong nagulat. Bakit? May nakakagulat ba sa tanong ko?

Tumikhim sya at umiwas nang tingin. " No, dito lang ako."

" ikaw ang bahala. Sige dyan ka lang muna ha?." Tumakbo na naman ako patungong dagat para lumangoy.

Mi'AmoreWhere stories live. Discover now