Part 8

2 0 0
                                    


" Mama Sandy naman kasi, magba-bakasyon nga lang ako. Di ako maglalayas or kung ano man. Promise, behave ako don!" pagmamaka-awa ko kay Mama Sandy. Andito kami ngayon sa may garden ko, umiinom nang tsaa. It's 4pm now.

Ilang araw ko na sya kunukulit tungkol sa bakasyon ko, pero di nya talaga ako pina-pakinggan.

" Sabihin mo nga sakin san ka magba-bakasyon. Aalis ka ba nang bansa?" tanong nito.

" Kagagaling ko nga lang nag Singapore last month bago ako nag runway sa Wedding collection eh. Basta dyan lang Ma." Pina awa ko pa masyado yung mukha ko para payagan ako.

" Sige papayagan kita pero mag sama ka nang bodyguards. Alam mo naman, baka may makakita sayo dumogin ka pa." what? Ayoko nang bodyguards! Kaya nga ayokong sabihin sa kanya kung san ako pupunta eh, kung ayoko nang guards na kasama, baka pasunudin nya naman. Pano ako mag eenjoy nyan.

" Ma, it's okay. Private resort yung pupuntahan ko. Wala yung masyadong tao dun. It'll be fine." Pang uuto ko pa.

Suminghap naman sya tsaka humigop sa tsaa nya, " Sige na nga. May magagawa pa ba ako? Basta mag ingat ka don! Don't talk to strangers baka reporter ang mga yun, at tsaka 2weeks ka lang don okay? " yes naman! Okay na yung 2weeks.

" Oo naman po, mag iingat pa rin ako." Humigop ako nang tsaa at ngumiti sa kanya.

" Kahit si Rita ba ayaw mong pasamahin? Ba't ba kasi biglaan yang bakasyon mo? Si Mico ba kasama mo?"

Ay! Di ko pa pala nasabi sa kanyang wala na kami nang ugok na yun. " Ma, Mico and I are already broke up, nung mga nakaraan lang."

She just shrug her shoulders " Mabuti naman at wala na kayo nang lalaking yun, masyadong pa presko, di ko gusto." Ngiwi nito kaya natawa ako.

Nang matapos kaming mag usap umalis narin sya kaya nag bihis ako at pupunta akong mall para mamili nang isusuot ko sa bakasyon.

Nang maka rating ako sa parking lot nang mall binalot ko agad nang shawl yung samay mukha at ulo ko saka ko sinuot yung shades ko. Okay na siguro to.

Namili ako nang kung ano-anong damit at bikini. Bumili din ako nang mga sunscreen, lotion, at moisturizer. Bukas na kasi agad yung alis ko kaya mabuti nang mamili na.

Nang maka uwi ako sa bahay nilagay ko agad sa kwarto ko ang mga pinamili ko pagka tapos nag luto ako nang dinner ko. Wala si manong jun, pina uwi ko sa kanila muna since magba bakasyon naman ako nang 2weeks.

Pagka tapos kong kumain hinugasan ko yung mga ginamit ko, nag tungo ako agad sa kwarto at naligo, nang matapos kinuha ko yung cellphone ko at nag scan sa internet nang mga private resort sa laguna. Buti nalang at may nakita agad ako. I prepared my stuff for tomorrow na rin para di na hassle para bukas.

Naka tulog ako nang mahimbing kaya kinabukasan maganda ang gising ko. Naligo ako agad at sinuot ang cargo short, loose tshirt na tinack-in ko at white sneakers. Isinuot ko na ang shades at cap ko at kinuha ang bag ko na naglalaman nang mga gamit ko para sa bakasyon. Bago umalis nilock ko na rin yung buong bahay.

Nag drive thru ako sa Jollibee since di ako nang breakfast kanina. " Miss, isang C3, choco float at burger please." Nginitian naman ako nang crew pinunch yung order ko, di nagtagal nakuha ko na rin ito at umalis.

Gino-gle ko ang resort na pinag book-an ko kagabe kaya madali nalang sakin ito matunton. Mga ilang oras rin nakarating na ako agad sa resort. Bumaba ako nang kotse at kinuha ko yung bag ko. Nagulat naman ako nang may nagsalita sa likoran ko.

" Nice car." Isinara ko yung pinto nang kotse at nilingon ito. Mr.Servantes? Naka trunks lang ito at naka topless na naman, binalik ko ang tingin sa kotse ko na Jeep Wrangler. Sa apat ko na sasakyan ito pinaka paborito, not so feminine.

" Thanks." Pagpa-pasalamat ko. " Andito rin pala kayo Mr. Servnates." Nagsimula na kaming mag lakad papasok.

" Yeah, actually my friend own this resort." Aniya. " Vacation?" tanong nya kaya tumango ako.

Nasa harap na kami nang lobby, pina confirm sakin yung booking ko kagabi for transaction. Binigay na sakin yung susi at numero nang villa na tutuluyan ko at susi nang golfcart. Nag lakad na ako patungo sa golfcart ko pero nakasunod pa rin sakin si Mr. Servantes.

Walang masyadong tao sa resort nato, at kadalasan ang pumupunta dito ay mga taong gusto nang relax talaga, yung ayaw nang mga maingay. Kukonti lang din ang villa dito pero ang mahal.

Nagulat pa ako nang may tumawag sa cellphone ko. Nang tinignan ko ito, si Luciano, these past few weeks he keeps on texting me na kahit isa wala akong nireplyan.

" Donde Estas?" bungad nito.

" Porque lo preguntas?" sagot ko sa kanya.

" No estas en tu casa, donde estas?" batid kong naiirita na ito sa kabilang linya.

" Deja de molestarme, estoy de vacaciones." Saka ko sya pinatayan nang linya. I turn off my gps at in-off yung cellphone ko para walang kahit na sino ang makakaalam kung nasan ako.

" Hatid na kita sa villa mo, I'll drive your golfcart." Prisinta nang kasama ko. Tinignan ko sya nang may pagtataka, I just shrug my shoulder at binigay dito yung susi nang golfcart. Mabuti nalang din at nandito sya, tinatamad na akong mag drive eh.

Tahimik lang kaming buma byahe patungong villa ko at ang masasabi ko? Ang awkward. Parang kailan lang sinabihan nya ako nang hot tas ngayon andito sya sa harap ko.

At nang makarating na kami sa harap nang villa ko bumaba kami agad. " Thank you sa pag hatid." Pagpapa Salamat ko.

" You're welcome, if you need something sabihan mo lang ako di kalayuan dito ang villa ko." saka nito itinuro ang villa na malapit nang sakin, isang villa lang ang pagitan namin. " I haven't formally introduce myself yet, I'm Paul Benedict Servantes" sabay lahad nito nang kamay kaya tinanggap ko.

" Yllana Alonzo."

" So, see you around?" aniya. Tumango lang ako sa kanya at pumasok na sa loob nang villa na inakupa ko.

Nilagay ko agad ang mga gamit ko sa kwarto at tumawag sa resort para magpa hatid nang lunch at nang maihatid na ito kumain ako agad.

Pagka tapos kong kumain naka tulog ako agad, nagising nalang ako sa tunog nang telepono kaya sinagot ko ito.

" Hello Ma'am Yllana, it's 6:30 pm na po. Ihahatid na po ba namin yung dinner nyo? Sabi nang nasa linya. What? 6:30 na?

" Okay, dalhin nyo na dito yung pagkain ko, Salamat. " tugon ko at binaba ang linya.

Naligo ako at nag bihis nang brallete at short. Habang pinapa tuyo ko yung buhok dumating na rin yung pagkain ko.

Habang kumakain naisip ko na parang ang saraap uminom. Since private resort to, tahimik rito. Literal talaga na private talaga. Tama! May store naman siguro sila dito, bibili nalang ako.

Ang problema, di ko alam san yung store nila dito. Bahala na nga. Tinapos ko agad yung pagkain ko saka nagsipilyo, sinuot ko yung cardigan ko at kinuha ang pouch saka lumabas nang villa. 

Mi'AmoreWhere stories live. Discover now