Kabanata 49

172 5 1
                                    

Pagkatapos ng mga nangyari ay nalaman kong si Hange ang ipinalit na commander ng Survey Corps.

Nakabalik na rin ang mga taong orihinal na nakatira sa South District of Wall Maria. Naging successful ang expedition nila at masasabing ligtas na uli ang lahat ng distrito sa Wall Maria, Wall Rose at Wall Sina.

Ang Survey Corps naman ay nanatili sa South District of Wall Rose. May mga ipinadala namang mga sundalo ng Military Brigade at Garrison sa lahat ng distrito sa Wall Maria para gampanan ang kanilang mga tungkulin.

Balik na ulit sa dati ang lahat ngunit hindi pa rin mawawala ang pangambang baka maulit na naman ang nangyari noon. Hanggat may nabubuhay pa ring mga titan eh hindi pa rin dapat maging kampante at panatag.

Nagkausap usap na rin kami ng squad at maayos na ang lahat. Ipinaliwanag na rin naman nila kung ano ba talaga ang nangyari na naging dahilan ng pagkawala nina Sasha at Commander Erwin.

They even said sorry kahit hindi naman nila kasalanan ang pagkawala nila. Paunti unti ko na ring natatanggap na wala na sila dahil wala namang may gustong mangyari no'n. Wala namang may kasalanan at ang tanging dapat na sisihin ay ang mga halimaw.

Pabalik balik ang lakad ko rito sa loob ng kwarto. Kinuha ko ang baso ng tubig na nakalagay sa mesa at nilagok 'yon. Kahit papano ay nabawasan ang kabang nararamdaman ko dahil dito.

Hindi pa kasi umuuwi si Levi. Sinabi niya sa akin na kakausapin niya na raw si Reeve. Sana maging okay ang pag uusap nila at walang mangyaring masama.

I can't afford to lose someone again especially if it is Levi. Hindi ko na talaga kakayanin 'yon.

Mabilis na lumipas ang mga oras. Hapon na at tapos na rin naman akong kumain ng tanghalian ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siya kaya binabalot na ako ng pagtataka.

Nasaan na kaya 'yon? Kumain na kaya siya? Ayokong mag isip ng masama ngunit hindi 'yon naaalis sa akin. Argh Rhinna! Walang mangyayaring masama okay? Levi is strong. He's the strongest soldier right? Tama malakas siya. Walang mangyayaring masama sa kaniya.

Bumuntong hininga ako para pakalmahin ang sarili ko. Naisipan kong maghalungkat na muna sa kung saan-saan habang naghihintay sa kaniyang pag uwi.

Nagbasa basa rin ako ng comics at libro para pampalipas ng oras. Halos hindi nga pumapasok sa isip ko ang mga binabasa ko dahil sa pag aalala ko sa lalaki. Ilang oras pa ang lumipas nang mapagdesisyunan kong itigil na ang pagbabasa.

"Hays."

Tiningala ko ang labas at napagtantong papalubog na ang araw. Malapit na ang gabi ngunit hindi pa rin umuuwi si Levi. Naramdaman ko na rin ang pangangalam ng sikmura ko. Ows I'm hungry pero ayokong kumain. Kakain ako kapag nariyan na siya.

Levi, where are you? Bakit ang tagal mo naman? Kakausapin mo lang naman si Reeve 'di ba? Sana pala ay sumama nalanh ako sa 'yo para hindi ako nag aalala nang ganito.

Humikab na ako dala ng pagkabagot. Nararamdaman ko na rin ang antok. I'll still wait. Sabi mo babalik ka. I trust you. I know you're coming back. You are coming back.

"Hey..."

"Hey..."

"Hey..."

Naalimpungatan ako sa boses na naririnig ko. Pinilit kong imulat ang isa kong mata para sana ay aninagin 'yon.

"Hey, I'm here,"

Kinusot ko ang mata ko at nakita ko si Levi na banayad na nakatingin sa akin. Those eyes. Nakakatunaw.

He's here.
He came back.

"Levi..."

Ngumiti siya sa akin at umupo naman ako sa kama para ayusin ang sarili ko. Nakatulog pala ako sa paghihintay.

Same Thing, Different World (COMPLETED)Where stories live. Discover now