Kabanata 23

182 7 4
                                    

Isang linggo na ang lumipas at sa loob ng isang linggo na 'yon ay puro pagpapalakas ng katawan ang ginagawa namin. Halata sa katawan ng bawat isa ang pagbabago nito dulot ng pangmalakasang training na halos araw araw naming ginagawa.

Kita na rin ng kaunti ang muscles ko at nagkaroon na rin ako ng abs. It's cool actually and I like it. Hindi na rin ako nabibigatan masyado kung may bubuhatin akong mabigat. Hindi tulad no'n na pag tatakbo ako ay mabilis agad akong mapagod, ngayon ay hindi na. Malaking tulong talaga ang mga exercises na ginawa namin.

Ngayong linggo naman ay tuturuan naman kami kung paano humawak ng iba't ibang armas at kung paano mag asinta ng kalaban. Hindi lang daw kasi ODM gear ang pangpatay ng mga titan. Maaari ka rin naman daw gumamit ng ibang armas laban sa mga titan basta sa may batok mo ito matatamaan dahil doon ang kahinaan nila.

Mas ginagamit lang ang ODM gear dahil kusa itong i-dinisenyo para panglaban sa mga titan dahil madali lang nito mahabol o kaya mapuntahan ang target gamit ang mga cable na nakaattached dito.

Kasalukuyan kaming nakalinya ngayon at pinapakinggan ang mga sinasabi ni Commander Magath. Sa loob ng isang linggo ay nasanay na rin kami sa kung paano siya magsalita kaya medyo nabawasan na rin ang pressure na nararamdaman ng bawat isa kapag kaharap siya.

Ipinakita niya sa amin ang iba't ibang armas na maaaring gamiting pampatay ng mga titan. May baril, pana, espada at kung anu ano pang matatalim na armas. Bawat armas ay may kaniya kaniyang disenyo at may iilan namang maliliit na sulat na hindi namin maintindihan. Probably, mga ginagamit pa noong unang panahon.

Isa isa namang binabanggit ni Commander Magath ang bawat pangalan o tawag sa armas na 'yon. Bawat parte naman ay sinasabi niya kung ano ang gamit sa kabuuan ng armas. Halos lahat kami ay tutok na tutok sa mga sinasabi niya at pansin ko sa iba naming kasamahan ay nasasabik ng gumamit no'n, maging ako.

"Nagkakaintindihan tayo?!"

"YES SIR!"

Inilapag niya sa mesa ang pinakahuling armas na ipinakita niya bago naglakad papunta sa direksyon naming lahat.

"May ihaharap ako sa inyo. Isa siya sa pinakamalakas na sundalo ng sangkatauhan kasunod ng captain ng Survey Corps!" Anang Commander Magath.

Nang banggitin niya ang salitang Survey Corps ay bahagya akong kinabahan. Pakiramdam ko ang ipapakilala niya ay has something to do with Levi and the Survey Corps. Mas lalo tuloy natuon ang atensiyon ko sa unahan.

Napansin ko ang paglalakad papunta sa unahan ng isang lalaki. Hindi siya gaanong katangkaran at naka all black outfit siya na nakasuot rin ng kapang kulay itim din na may hood kaya hindi namin nakikita ang buhok nito. Nakamaskara rin siya kaya hindi rin namin makita ang mukha niya. Para siyang assassin sa suot at awra niya.

Kumunot ang noo ko sa nakikita at kasalukuyan na siyang nakaharap sa amin ngayon. My head is filled with questions. Who is this guy? At bakit kailangan niya pang magtago sa likod ng isang maskara? Natigil ako sa pag iisip nang marinig muli ang boses ni Commander Magath.

"Siya ang magtuturo sa inyo kung paano gamitin ang lahat ng armas na 'yan!" Anang commander. Nagsimula na ring gumalaw ang mga nakatataas na sundalo para ilapag sa harapan namin ang kaniya kaniya naming armas ngunit hanggat hindi pa nagsisimula ang lalaki, eh hindi pa pwedeng hawakan ang mga ito.

"Tawagin niyo lang siyang No. A.R." Humina nang bahagya ang boses ng commander.

Number A.R? Ano 'yan code name? Dinig ko rin ang iba pang bulung bulungan ng mga kasamahan ko, probably wondering who is this guy. Natigil lamang 'yon nang umalingawngaw sa buong paligid ang sigaw ni Commander Magath.

"TAHIMIK!" Natigil ang lahat sa pagsasalita. Ilang segundo rin bago nagsalita ulit si commander. "Sige, A.R simulan mo na," utos nito sa lalaki.

Umalis naman siya roon sa unahan para bigyang puwang at espasyo ang lalaki pero bago niya gawin 'yon, binigyan niya muna kami ng isang nakakamatay na tingin. Bahagya naman akong napalunok do'n.

Same Thing, Different World (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat