Kabanata 6

250 9 0
                                    

Nagpatuloy lang kami sa pagkain ngunit kahit hindi na masiyadong kinakabahan ay limitado pa rin ang mga galaw ko. Nai-intimidate kasi ako sa mga titig niya.

Dumaan sa isip ko ang nangyari kanina. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti nang tanungin niya ako no'n. Why does he seems interested huh? Pinigilan ko naman ang sarili na 'wag ipakita ang mga ngiti ko.

My ghad, Rhinna! Nagtanong lang naman ang tao, ba't nangingiti ka riyan?

Nang mapakalma ang sarili ay pinasadahan ko ng tingin ang pagkain niya. Kaunti palang ang bawas no'n kasi mas pinagdidiskitahan niya 'yong kape. Hindi ko mawari kung kape ba 'yon o black tea pero sa tingin ko ay kape naman 'yon.

So, bakit pati ang kape niya ay iniisip ko?

Habang kumakain ay napag usapan din nila ang nangyari sa South District of Wall Maria. Iyong pangyayaring mag a-apat na taon na ang nakakalipas.

Parang bumalik tuloy sa ala ala ko ang mga nasaksihan at naranasan ko ro'n kaya natigil ako sa pagkain. Naramdaman ko ang paghaplos ni Sasha sa kamay ko kaya napatingin ako ro'n. Maging ang mga tao sa mesa ay napansin din ang pagbabago ng expression ko.

"So, you...were there?" Maingat na tanong ni Commander Erwin. Kahit dahan dahan niyang sinabi 'yon ay halata sa tono ng boses niya ang pagkatikas.

Matagal bago ako nakasagot. Pinag iisipan ko kasi kung sasagutin ko ang tanong niya. Hindi ko rin alam kung pa'no niya na-analisa na nando'n ako pero batid kong dahil 'yon sa action at reaksiyon ko nang mabanggit niya ang tungkol do'n.

Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago marahang tumango. "Opo, n-nando'n ako,"

Bigla namang nag-flashback sa akin ang mga kaganapan na 'yon. Ang mga iyakan at sigawan dala ng takot lalo na ang nakakatakot na tunog ng mga nagbabagsakang semento. Ang mga pagsigaw at paghingi ng tulong ng mga taong kinakain ng mga titan pati na rin 'yong mga naiipit sa malalaking bato at mga bahagi ng istruktura. Hindi pa rin talaga mawala sa akin.

That was painful. I considered it as a nightmare.

Mas hinigpitan ni Sasha ang hawak sa kamay ko para iparamdam ang presensiya niya sa 'kin. Bumaling ako sa kaniya and I gave her my smile. Pasimple ko ring binalingan ang gawi ni Levi na ngayon ay napaka seryoso ng mga tingin.

"Nakita mo na kung gaano nakakatakot ang lugar natin. Hindi natin alam kung kailan naman magpapakita ang Colossal Titan," saad ni Eren.

Dahil sa sinabi niya ay mas lalo akong naguluhan. "Colossal Titan?" Tanong ko.

"Oo. 'Yong higanteng halimaw na sumira sa Wall Maria," si Mikasa ang sumagot.

Ibig sabihin 'yong halimaw na nag uusok ay tinatawag na Colossal Titan!

Ano kayang nangyari do'n? Namatay kaya 'yon? O baka naman nandoon pa 'yon hanggang ngayon sa distrito?

My thoughts gave me chills. Nakakatakot. Paano kapag salakayin naman ang distritong 'to? Hindi imposible dahil nagawa nga nilang sirain ang unang pader, ito pa kaya?

Ipinaliwanag naman nila sa akin ang iba pang mga hindi ko nalalaman tungkol sa mga 'yon. Nawalan na ako ng gana sa pagkain dahil ang atensiyon ko ay buong buo nang nakatutok sa mga sinasabi nila.

Ayon sa kanila, ang titan na sumira sa Wall Maria ay ang Colossal Titan. Sinipa nito ang distrito kaya nagkaroon ng malaking butas doon na naging dahilan kung bakit nakapasok ang mga titan sa loob.

Kasama ng Colossal Titan ang tinatawag na Armored Titan kung saan nagdala ng napakalawak na pinsala sa buong distrito. Kaya pala may mga nagbabagsakang istruktura at semento galing dito ay dahil sa Armored Titan. Imposible raw kasi na normal na titan ang makagagawa no'n.

Same Thing, Different World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon