Kabanata 12

212 8 2
                                    

Nangingiti naman akong sumunod sa kaniya dahil sa pag uusap namin kanina. Ngayon alam ko na kung ano ang magpapataob sa kaniya. May alas na 'ko kaya I feel so much happiness right now. Oo, mababaw man ang dahilan pero masaya talaga ako ngayon.

Teka, sabi niya kanina mag usap kami. Ano naman kaya ang pag uusapan namin? Wala akong maisip na ideya kung ano. May problema ba 'to sa 'kin? Kasi kung oo, ako may problema rin sa kaniya. Magproblemahan kaming dalawa.

Akala niya ha, gwapo sana siya kaso ang cold ng aura. Kala mo laging may problema na dala. Pinaglihi ba siya sa sama ng loob? Kasi kung oo, ang lakas ng epekto. Tsaka, hindi ba siya marunong ngumiti? Try niya kaya, baka sakaling gumwapo pa siya lalo.

Dire diretso lang akong nakabuntot sa likuran niya kaya hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa isang kwarto. Inilibot ko naman ang paningin ko ro'n. Meron itong malinis na kama at malaking kabinet na kulay kayumanggi. May isang hindi kalakihang mesa rin at dalawang upuang magkaharap. Simple ito pero maganda, good for two person.

Teka, kwarto?

Agad naman akong kinabahan at kung anu ano na ang pumapasok sa aking isipan. Bakit kami nandito? Shit! Huwag mong sabihing...

Napagtanto kong wala na si Levi sa harapan ko at bago pa ako makalingon sa ibang sulok ng kwarto ay narinig ko na ang tunog ng paglagapak ng pintuan. Nagulat ako at nakita kong nakasandal na ro'n si Levi habang naka cross-arms pa ito. Nakatitig ito nang malalim sa 'kin at mas lalo naman akong kinabahan sa mga titig niyang 'yon. Napalunok ako takot at kaba. What the hell. Ba't ganiyan ang titig niya sa 'kin?

Biglang sumagi sa isip ko ang pinag usapan namin ni Sasha kanina kaya nanlaki ang mga mata ko. Isama mo pa 'yong sinabi ni Levi na mas lalong nagpadagdag sa kabang nararamdaman ko.

"If you want to know how many abs I have, see it by yourself,"

Napahawak ako sa bibig ko dahil hindi ko aakalaing 'yon ang pinunta namin dito. Panirang Sasha talaga o, ako ang napapahamak sa mga sinasabi niya.

Nang balingan ko si Levi ay bahagya na itong nakangisi na parang nagugustuhan ang nakikitang reaksiyon ko. Is this some kind of his revenge? Argh! Porket natalo ko siya, eh ganitong klase ang igaganti niya.

"You wanted to know how many abs I have, right?" Tanong niya sa isang nakakalunod na boses.

The heck! Hindi ko alam na seseryosohin niya pala.

Kahit hindi ko siya tinitingnan ngayon ay alam kong nakangisi siya sa nakikitang kaba at takot ko. Hindi ako tumitingin sa kaniya at pilit na ibinabaling ang atensiyon sa mga napapasadahang tingin na gamit.

Ah may malaking logo pala ng Survey Corps ang naka display sa taas ng kabinet niya.

I heard him cleared his throat kaya nadako sa kaniya ang atensiyon ko. Tsk, papansin. Nakita ko ang pagtaas niya ng kilay na para bang inuutusan akong magsalita. Bahagya pa akong napairap dahil tinutulad niya ako sa mga kasamahang sundalo.

"A-Anong pag uusapan natin...d-dito?" Nauutal utal pa 'ko sa pagsasalita.

Kung may pag uusapan kami, bakit sa isang kwarto? Sa kaniya ba ito? Kung mag uusap hindi ba dapat sa isang pribadong lugar pero sobrang pribado naman ata kung dito sa kwarto. Wait, 'wag mong sabihing hindi pag uusap ang gagawin namin.

Napasinghap ako sa naisip. Posible kayang, no! Hindi pwede! Hindi niya naman siguro gagawin 'yon 'di ba? Isang malaking kahihiyan sa Survey Corps kapag tinuloy niya ang binabalak niya. Hindi pwede! Hindi ako papayag. Hinding hindi ko isusuko ang sarili ko sa kaniya. No way!

Napansin ko ang paghakbang niya palapit at napaatras naman ako dala ng kaba. Rinig na rinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan na talaga ako nang sobra ngayon dahil sa kung ano ang kaya niyang gawin. He's the captain kaya alam kong kung may gagawin man siya ay kayang kaya niya 'yon kontrolin.

Same Thing, Different World (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora