Kabanata 37

191 7 1
                                    

"Oh eto, kainin mo pa." Pinagbalatan niya ako ng nilagang saging at saka inilagay sa plato ko.

"Parang ang dami naman nito," reklamo ko.

"Anong madami? Ang konti pa nga niyan eh." Sagot naman ni Sasha. Itinuro niya ang plato na na punong puno ng pagkain. "Ganito dapat ang plato mo," aniya pa.

"Wah! Sobrang dami naman niyan!"

"Anong madami? Kulang pa 'to 'no!" Aniya saka nagpatuloy sa pagkain.

Ang takaw talaga nito kahit kailan. Kasalukuyan na kaming naghahapunan ni Sasha ngayon. Pinapakain niya ako ng marami para daw hindi agad ako magutom sa expedition namin bukas ng gabi. Ito pa naman daw ang pinaka una kong expedition bilang isang ganap na na sundalo.

Sa totoo lang excited ako na kinakabahan pero mas nangingibabaw ang kaba sa akin dahil alam kong mapanganib ito. Totoo na kasi itong laban na haharapin namin at hindi na mga titan na gawa sa kahoy.

Pagkatapos naman noong naging pag uusap namin ni Levi ay sakto namang dumating ang squad at inalis 'yong mga bagay na hinarang nila sa pintuan.

Akala ko nga hindi pa nila 'yon bubuksan pero mabuti nalang at naawa na ata sa amin. Inasar asar pa kaming dalawa doon pagkalabas at ang iba naman ay ngingiti ngiti kaming tiningnan.

Ipinagsawalang bahala ko na lang 'yon dahil alam kong badtrip si Levi sa mga kagagawan nila.

Panay din ang tanong ni Sasha kung nagkabati na ba kami pero hindi ko iyon masagot dahil hindi ko naman talaga alam. Nagkabati nga ba talaga kami? Or mas lumala lang 'yong tampuhan namin?

Pagkatapos kasi noong sinabing niyang layuan ko si Reeve at hindi ako pumayag ay nagbalik na naman siya sa pagiging seryoso at cold ang itsura.

Hindi ko alam kung totoong bati na ba 'yon pero para sa akin nagkabati na kami dahil nagkausap na kami at humingi na ako sa kaniya ng tawad. Sadyang nainis lang siguro siya doon sa naging sagot ko pero bahala na nga. Basta gagawa ako ng paraan para magkausap sila at magkabati.

Naikwento ko na rin lahat-lahat kay Sasha ang pinag usapan namin ni Levi pati na 'yong pwedeng gawing paghihiganti ni Reeve. Hindi niya raw maintindihan nang mabuti kung bakit ganoon na lang ang galit ni Reeve kay Levi.

"Alam mo Rhinna, bakit naman kay captain lahat ng sisi ni Reeve?" Tanong niya habang patuloy na kumakain.

"Iyon nga 'yong hindi ko maintindihan eh. Hindi rin naman natin masisisi si Reeve na makaramdam ng galit pero bakit parang ang laki ng galit niya kay Levi?" Sagot ko naman at nagpatuloy na sa pagkain.

"Hindi mo ba tinanong?"

"Hindi na eh kasi akala ko nasagot na lahat ng gumugulo sa isipan ko. Pero lately ko lang narealize na parang hindi na valid 'yong galit ni Reeve kay Levi. Baka may mas malalim pang dahilan si Reeve kung bakit gano'n," sagot ko.

"Sabagay pero 'di ba kapag nasa sitwasyon ka ni Reeve, ganoon din 'yong mararamdaman mo? Kaya para sa akin valid din 'yong galit ni Reeve," ani Sasha.

"Teka, hindi! Kung ako ang nasa sitwasyon ni Reeve, magagalit ako oo, pero hindi ako dadating sa punto na maghihiganti ako lalo pa't sa taong nagligtas din sa 'kin," ani ko naman.

"Oo nga pero, masakit din kaya ang mawalan ng mahal sa buhay, kaya, hindi ko masisisi si Reeve kung bakit ganiyan siya ngayon," paliwanag ni Sasha.

"Pero hindi niya rin sana sisihin ang lahat kay Levi. Levi had to choose that time at mahirap din 'yon para sa kaniya lalo pa't pare pareho silang importante. At saka, alam kong walang may gustong mangyari no'n lalong lalo na si Levi," pagtatanggol ko kay Levi. "Teka, bakit parang tayo na 'yong nag aaway?" Pagtataka ko.

Same Thing, Different World (COMPLETED)Where stories live. Discover now