Kabanata 32

177 4 1
                                    

Nang matapos ang seremonya ay kaniya kaniya na kaming balik sa mga silid para magpahinga. Mamaya pa kasi 'yong selebrasyong gaganapin ngunit kanina lamang nasilip namin na nilalagyan na ng mga mesa at upuan ang area para mamaya.

Malaking selebrasyon 'to kaya inaasahan ko na pati ang mga superior na sundalo ay makiki-celebrate rin sa 'min. Okay na rin 'yon para kahit papaano meron din kaming mabuong memories na magaganda bago kami tuluyang umalis dito.

"Hay salamat! Sa wakas nakapagtapos na rin tayo. Makakakain na rin ako ng masarap na pagkain." Ani Ymir.

Nakahiga na kasi siya sa higaan niya at nakatingin sa kisame. Si Historia naman ay nasa higaan din niya habang ako ay nakaupo dito sa isang tabi, pinagmamasdan silang dalawa.

"Oo nga eh. Parang kailan lang hindi pa tayo magkakakilala." Natawa naman ng bahagya si Ymir sa sinabi ko.

"Oo nga, parang kailan lang naglalandian pa kami nitong si Historia pero ngayon, hindi na kami makapaglandian nang maayos," pagbibiro ni Ymir na siyang ikinahiya ni Historia.

"Kahit kailan talaga Ymir ang bunganga mo!" Saad ko naman.

"Tumigil na nga kayong dalawa, masiyado na akong nahihiya rito eh," ani naman ni Historia.

"Sige na nga, titigil na kami sobrang pula mo na eh," mas lalong pang aasar ni Ymir.

"Ewan ko talaga sa 'yo, Ymir. Anyway, sa tingin niyo ba may expedition agad tayo pag punta natin sa headquarters ng Survey Corps?" Biglang tanong naman ni Historia.

Bigla ko namang naalala si Sasha at ang special squad. Tapos na kaya 'yong expedition nila? Nandoon na kaya sila sa headquarters? Bukas magkikita kita na kami, makikita ko na rin siya pero hanggang ngayon, hindi ko pa alam kung ano ang sasabihin ko.

"Depende, siguro, kasi bago ako umalis doon ay may expedition sila kinabukasan," sagot ko naman.

Napaupo naman si Ymir mula sa pagkakahiga saka nagsalita. "Talaga? Sa tingin mo, nakabalik na kaya sila?"

Nagkibit balikat nalang ako. "Hindi ko alam, baka, kasi matagal na rin naman 'yon kaya baka nga nakabalik na sila," sagot ko naman. Tumango nalang siya sa akin.

Hindi na ako makapaghintay na makita sila. Nakakamiss ang grupo lalo na si Levi. Sana magkausap na kami bukas. Sana maayos na namin 'yong hindi pagkakaunawaan at sana bukas, magkalinawan na rin kami pareho.

Gusto ko sanang mag ensayo ng mga sasabihin sa kaniya pero wala na akong oras dahil may selebrasyon pa mamaya. Bahala na siguro, masasabi ko naman siguro lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya once na magkaharap na kami.

Marami pa kaming napag usapan nina Historia at kadalasan ay tungkol iyon sa special squad. Nagulat din sila dahil sinabi ko na palagi kong nakakasama ang special squad noong hindi pa ako nagtetraining.

"Talaga? Edi ang swerte mo pala!" Saad ni Ymir na siyang pinagtaka ko.

"Huh? Bakit naman ako swerte?" Tanong ko.

"Ikaw na nga magpaliwanag babe Historia, ang slow din minsan kasi nitong si Rhinna eh," aniya. Sinamaan ko nalang siya ng tingin na siyang dahilan ng pagtawa niya.

"Ganito kasi 'yon, Rhinna. Swerte ka kasi sa Survey Corps ang pinili mo at dahil malapit kana sa special squad, ay hindi kana mahihirapang makipagsalamuha sa kanila lalo na sa mga nakatataas kasi kilala kana nila. Gets mo ba?" Tanong ni Historia.

"Ah oo, sabagay. Pero alam niyo nahirapan din akong makipagsalamuha sa kanila no'ng una lalong lalo na do'n sa captain, ang talim kung makatingin akala mo kakainin ka ng buhay," reklamo ko sa kaniya.

Same Thing, Different World (COMPLETED)Where stories live. Discover now