Kabanata 19

176 7 5
                                    

"Alam mo ba kung anong pinasok mo?"

I froze. Is he scolding me? Tsaka bakit niya tatanungin kung ano ang pinasok ko? Syempre, oo! Alam ko kaya nga gusto ko eh.

Tsaka teka, bakit naman ganiyan ang reaksiyon niya? Hindi naman siya ang mapapagod sa training ha pero bakit parang ang big deal sa kaniya ng gusto ko?

Tinitigan niya ako nang matalim kaya bahagya akong napaatras sa kinatatayuan ko. Ayan na naman ang mga tingin niyang nakakakilabot. Nakacross-arms at nakakunot din ang kilay niya na parang may malaking problema siya sa mundo.

Kahit kinakabahan, nagawa kong titigin siya pabalik. Nangingibabaw pa rin ang kagwapuhan niya kahit anong emosyon ang ipakita niya. Pero kahit na gano'n, nangingibabaw din sa 'kin ang pagtataka sa inaasta niya.

"Oo, alam ko at desidido ako," matapang kong sagot.

Napansin kong mas lalo siyang nairita sa isinagot ko. Anong problema nito? Bakit ganiyan siya kung makaasta? Siya ba ako?

"Hindi mo ba iniisip ang sarili mo?!"

Nagulat ako sa bahagyang pagtaas ng tono ng boses niya. Bakit niya ako sinisigawan? Can't he talk, calmly?

Nagsimula na rin akong mahiwagaan sa mga sinasabi niya. Bakit ganiyan siya? Ni minsan hindi ako nasigawan ni Sasha nang ganito pero bakit siya, oo?

Nasasaktan ako ngayon sa totoo lang. Hindi ko alam kung sa paraan niya ng pagsigaw o sa mga binitawan niyang salita kanina.

I thought Levi is sensitive pero he's not when he's mad. Kaya pala ayoko siyang makitang nagagalit kasi ganito siya kalala.

Sa tanong niya kanina, malamang iniisip ko ang sarili ko kaya nga gusto kong magkaroon ng kaalaman tungkol sa pakikipaglaban para balang araw, ako naman ang magpo-protekta sa sarili ko. Balang araw hindi ko na kailangang umasa pa sa iba.

Walang kasiguraduhan na hindi na mauulit 'yong pangyayari doon sa South District of Wall Maria. Iniisip ko na maaaring maulit 'yon at walang kasiguraduhan na ligtas ang lugar na ito habang tumatagal. Isa 'yan sa mga dahilan ko kung bakit gusto kong maging sundalo, ang makatulong, magligtas at magprotekta sa mga tao.

"Iniisip ko, kaya nga gusto ko 'to 'di ba?" I tried to speak calmly kahit na parang sasabog na ang nararamdaman ko.

"Kung iniisip mo ang sarili mo, hindi ka gagawa ng desisyon na maaari mong ikapahamak," mariin niyang saad.

Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng inis sa mga sinabi niya. Iniisip ko ang sarili ko kaya nga ako gumawa ng desisyon na ganito at sa totoo lang, hindi lang ang sarili ko bagkus pati na rin sila. Kasama silang lahat sa naging desisyon ko.

Why can't he trust me? Bakit parang pinaparamdam niya sa 'kin na hindi ko kaya ang ganitong bagay? Dahil babae ako? Dahil sa paningin niya mahina ako? I don't understand him.

"Sasali ako kasi gusto kong gawin 'to, ano bang hindi mo maintindihan do'n?!" Hindi ko na rin mapigilan pagtaasan siya ng boses. Masiyado na akong nadadala ng emosyon ko ngayon.

Kitang kita ko ang bahagya niyang pagkagulat sa sinabi ko. Marahil ay hindi niya inaasahan ang tono ng pananalita ko dahil ni minsan, hindi niya pa ako nakitang magalit o mainis. Ngayon lang, nakikita niya ang gano'ng emosyon ko ngayon.

Hindi ko siya maintindihan. Bakit niya ako pinapakialaman? Anong akala niya sa akin, mahina? Na hindi kayang makipagsabayan sa kanila?

Minamaliit niya ba ako? Kahit hindi niya direktang sabihin, 'yon ang nararamdaman ko. Sa tingin niya ba, hindi ko 'to kaya? Na hanggang dito lang dapat ako? Hahayaang makulong at mamuhay sa nagtataasang mga pader na 'to? I can't live like this. I just couldn't.

Same Thing, Different World (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon