Kabanata 11

216 10 0
                                    

Tila umaayon ang tadhana sa gusto ni Sasha. Hindi niya na ako kailangan pilitin dahil ang captain na mismo ang nagpapapasok sa amin sa loob. Patakbo takbo pa siyang sumunod kay Levi habang nang aasar sa 'kin.

Binilisan ko naman ang lakad ko at pumantay sa kaniya. "Oh 'di ba, hindi ka nakatanggi," aniya. Alam ko ang ibig sabihin niya.

Pasimple ko namang tinuro si Levi at bumulong sa kaniya. "Captain eh,". She just chuckled with what I said.

Hindi naman ako makatanggi dahil baka kung anong reaksiyon ang ipakita ni Levi sa akin. Natatakot ako baka kasi magalit siya kapag hindi sinunod ang gusto niya. Mamaya parusahan pa ako nito kahit hindi naman ako sundalo.

Isa pa, nakakahiya rin sa kaniya kung si Sasha lang ang papasok gayong pati ako ay inimbitahan niya sa loob. Baka sabihin niya pang rude ako at hindi marunong makisama.

Sumunod kami ni Sasha kay Levi. Nasa likod niya lang kami at tahimik na nagmamasid sa mga galaw niya. Napansin kong hindi siya gaanong katangkaran pero batid kong mas matangkad pa rin naman siya sa 'kin kung ikukumpara.

Hindi ko rin maiwasang pagmasdan ang likod niya. Kahit nakasuot pa rin siya ng uniporme, halatang matikas at matipuno ang pangangatawan nito. Ilang abs kaya meron siya? 8 packs? 6 packs? 4 packs? O pak na pak?

Teka ba't ganito mga iniisip ko? Sheez ano ba Rhinna, nakakakilabot ka naman. Kailan pa akong naging mahalay? My ghad! Erase! Erase! Hindi ko pinagnanasaan si Levi.

Napansin kong pinagmamasdan ako ni Sasha kaya nakaramdam naman ako ng hiya. Nakita niya kaya ang pagtitig ko kay Levi? Binigyan niya ako ng isang nakakalokong ngiti sabay tingin kay Levi at balik ulit sa akin. Nakita nga. Ngumuso lang ako sa kaniya saka bahagyang lumapit para mas marinig niya ang sasabihin ko.

"Kung ano man 'yang iniisip mo, nagkakamali ka," bulong ko sa kaniya.

Mas lumapad ang ngiti niya sa sinabi ko. "Weh? Sasabihin mo bang mali ako kapag sinabi kong iniisip mo kung ilan ang abs ni captain?" Nakakaloko niyang tanong.

Bahagyang napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Pa'no niya nalaman? Masyado ba akong halata? My ghad, Rhinna! Nakakahiya ka.

"Huy, h-hindi ah," pagtanggi ko. Sana naman hindi halata na kinakabahan ako.

"Rhinna, naiintindihan kita pero why not ikaw ang umalam kung ilan ba abs niya. You know, explore his body, baby," saad pa ni Sasha na mas lalong nagpainit sa mukha ko. Juskoo, sa'n nakukuha ni Sasha ang mga pinagsasasabi niya. Masiyadong mahalay.

Napatigil kami sa paglalakad nang tumigil si Levi. Walang akong ideya kung bakit niya ginawa 'yon kaya parang may isang malaking question mark ang tumubo sa ulo ko.

"If you want to know how many abs I have, see it by yourself," he said and continues walking, leaving me shocked.

Nagkatinginan kami ni Sasha. Pareho kaming nagulat nang mapagtantong naririnig niya ang pinag uusapan namin. Parang may dumaang anghel sa pagitan naming dalawa dahil wala ni isa sa amin ang gumalaw. Kahit makulit si Sasha ay alam kong kinabahan din siya ngayon.

Nang makarecover ay napalitan ang pagkagulat ng kahihiyan. Napasapo nalang ako sa noo ko dahil sa mga pinagsasasabi ni Sasha. My ghad! Nadadamay pa ako sa kahalayang taglay niya. Parang gusto kong matunaw ngayon pa lang para hindi ko na makita si Levi mamaya.

Natatawa naman akong hinila ni Sasha para sumunod kay Levi. Parang ayoko nang tumuloy dahil sa nangyari. Umuurong ang tapang ko at lakas ng loob ko. Pakiramdam ko ay wala na akong mukhang maihaharap sa kanila lalo na kay Levi.

Napansin naming lumiko siya kaya patuloy lang kami sa pagsunod sa kaniya. Ilang hakbang pa ay narating na namin ang isang pintuan. Natandaan ko pa na ito 'yong silid na pinuntahan namin noong una. Kumatok siya rito at tila ba'y may dumaloy na kuryente sa buong katawan ko nang mapansin ko ang pagsulyap niya sa 'kin.

Same Thing, Different World (COMPLETED)Where stories live. Discover now