Kabanata 14

193 10 2
                                    

Kinabukasan ay naghanda na kami sa pag alis ni Sasha. Kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta ay sumunod na lang ako sa kaniya. Besides, I trust her naman at nangako ako sa kaniya kagabi kaya hindi ako pwedeng tumanggi ngayon.

Katulad ng palagi kong sinasabi, promises must be fulfilled. Kahit maliit pa 'yan at hindi naman makakaapekto, still, tuparin mo kasi pangako 'yon eh. Nangako ka kaya dapat tuparin mo at 'yon ang gagawin ko ngayon kay Sasha.

Hindi ko rin maalala kung do'n ba siya sa kwarto natulog kagabi dahil hindi ko na namalayan ang lahat. No'ng nagising naman ako ay wala naman siya sa tabi ko kaya I assumed, nauna siyang magising kaysa sa akin.

"Sasha, sa'n ba talaga tayo pupunta at bakit naka uniporme ka pa?" Tanong ko nang mapansin ang suot niya.

Sa pagkakaalam ko eh, wala naman silang gagawing expedition ngayon kaya bakit siya naka uniporme? Kapag nagmi-meeting naman sila eh hindi naman required na naka-uniform unless kasama ang iba pang commander ng iba't ibang sundalo. Hindi naman siguro kasi bakit niya ako isasama 'di ba?

Wala talaga akong ideya kung saan kami pupunta pero sabi ko nga, may tiwala naman ako kay Sasha kaya wala dapat akong ika bahala.

Nanatiling tahimik si Sasha at hindi sinasagot ang tanong ko. Ni hindi niya nga ako tinatapunan ng tingin eh. Bakit ang tahimik niya? Kanina pa siya ganiyan ah.

Simula siguro noong nag umagahan kami ay hindi siya gaanong umiimik o kaya naman minsan tango at oo lang ang responde niya. Hindi naman siya ganito. Nag aalala lang ako bakit ganito ang awra niya.

Naninibago rin ako kasi masiyahin siyang tao tapos sa isang iglap lang eh magiging ganito ang mood niya. I know there's something wrong na bumabagabag sa kaniya at 'yon ang hindi ko alam.

Hindi ko rin siya magawang tanungin dahil hindi naman siya nagsasalita. Iniisip ko nalang na ayaw niyang sabihin sa 'kin sa ngayon. Magsasabi nalang kasi 'yan si Sasha kapag gusto niyang i-share ang isang bagay sa akin. Kahit parang kapatid ang turing ko sa kaniya, eh ayoko pa ring pakialaman ang personal niyang buhay. May respeto ako sa kaniya kaya gano'n.

Patuloy pa rin kami sa paglalakad sa kung saan kaya patuloy rin ang paglaki ng pagtataka at pag aalala ko kay Sasha.

I will try for the second time. "Sasha?"

Pagtawag ko ulit sa kaniya dahil napapansin kong balisa siya at nakatingin lamang sa dinadaanan. Something's bothering her.

Wala naman siyang sugat sa naging expedition nila kaya alam kong hindi iyon epekto no'n. Siguro, ganito siya kasi may trauma siya? Hindi ko alam. Baka nga, kaya kailangan kong intindihin siya.

Gayunpaman, kung 'yon nga ang rason, gusto kong maramdaman niya na nandito lang ako at handa akong makinig sa kung ano man ang sasabihin niya.

"Bakit ang tahimik mo? May nangyari ba?"

Maingat ang bawat pagbigkas ko ng mga salita. Ayoko kasing mainis siya sa akin.

Alam kong may bumabagabag sa kaniya simula pa kagabi ngunit hindi ko mawari kung ano ba 'yon. Hindi ako mapakali kapag ganiyan siya dahil hindi naman siya ganito katahimik eh.

Hindi pa rin siya sumasagot kaya hindi na rin naman ako nagsalita baka kasi may importante siyang iniisip.

Ibinaling ko nalang ang paningin at atensiyon ko sa bawat imprastrakturang madadaanan. Ang tatataas at gaganda pala nito. May ganito din pala sa ganitong lugar.

Napansin kong nakarating na pala kami sa labas ng headquarter. I was expecting na papasok kami sa loob at makikita ko ang mga pamilyar na mukha ng kasama niya pero hindi. Imbis na pumasok sa loob ay may kalesang lumapit sa gawi namin.

Same Thing, Different World (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora