Kabanata 31

181 5 1
                                    

"LINYADA!" Umalingawngaw ang sigaw ni Commander Magath.

Nandito na kasi kami ngayon sa isang open area kung saan gaganapin 'yong graduation namin. Maganda ang panahon ngayon at hindi rin masyadong mainit kaya malaki ang pagpapasalamat ko dahil sa wakas hindi na kami mabibilad sa araw. Finally!

Luminya na rin kami at bumaling sa kaniya. Nakauniporme kami ng pang Training Corps at matikas ang bawat pagtayo ng bawat isa. So this is it. Finally, nakaabot din kaming lahat. Kahit madami dami ang nagquit, mas marami pa rin ang nagpatuloy at isa na ako ro'n.

Pagkatapos naming luminya ay nagsimula na siyang magsalita.

"Ngayon palang ay binabati ko na kayong lahat! Marami kayong pinagdaanan simula sa una pa lang at lahat ng 'yon ay inyong nagawa!" Aniya.

Habang nagsasalita siya ay binabalingan niya ng tingin ang kung sino man sa amin. Naalala ko noong una, parang aalis na sa dibdib mo ang puso mo kapag tinitigan ka ng malalalim na mata ng commander pero ngayon, hindi ko maiwasang hindi maging proud sa sarili ko.

Kaya ko ng makipagsabayan, kaya ko ng tumitig sa kaniya nang hindi kinakabahan at alam kong kaya ko na ring lumabas dito at humarap sa nakakatakot na katotohanan ng mundong 'to. Kaya ko ng maging tuluyang sundalo at tumalo ng mga titans.

"Alam kong magiging kapaki pakinabang kayo sa sangkatauhan at naniniwala ako sa kaniya kaniya ninyong kakayahan! Kaya, proud na proud ako sa inyong lahat!" Dagdag pa niya.

Halos matunaw ako sa mga salita niyang 'yon. Nakakatuwa naman at nakakataba ng puso ang mga sinabi ni Commander Magath. Pakiramdam ko ay malulungkot din siya sa oras na umalis na kami dito dahil matagal niya kaming nakasama.

Kahit pa palagi niya kaming sinusungitan, kahit palagi niya kaming sinisigawan, alam kong sa loob loob niya ay napamahal na siya sa 'ming lahat. Hindi man halata sa kaniya pero alam kong gano'n nga ang nararamdaman niya.

"Devote your hearts!"

Sabay-sabay naman naming inilagay sa puso ang mga kamay namin at sa likod naman ang isang kamay. Ganito ang paraan ng pag salute namin. Pati si Commander Magath ay ganoon din ang ginawa.

"For Wall Maria!" Ani commander. Punong puno ng tapang ang tono ng pananalita niya. Sinunod naman namin ang bawat salitang sasabihin niya.

"FOR WALL MARIA!"

"For Wall Rose!"

"FOR WALL ROSE!"

"For Wall Sina!"

"FOR WALL SINA!"

Nakakaproud na eto na kami lahat ngayon. Malayo na ang naabot at magkakaroon na ng silbi sa sangkatauhan. Finally! Hindi na kami basta lang na mga tao, dahil kami ay mga sundalo.

"For humanity!"

"FOR HUMANITY!" Para sa sangkatauhan.

"For peace!"

"FOR PEACE!" Para sa kapayapaan.

"For freedom!"

"FOR FREEDOM!" Para sa kalayaan.

Peace and freedom.

I know there is something beyond the walls. Hindi ako sumali dito dahil lang para kay Levi at para sa akin, sumali ako rito dahil gusto ko ring makatulong sa sangkatauhan.

Ramdam ko ang takot na nararamdaman nila. Nakita mismo ng dalawang mata ko ang nangyari ilang taon na ang nakalipas. Kaya isa rin 'yon ang nag udyok sa akin gawin ang bagay na ito.

The peoples' scream, their tears and how they grieve their loved ones during that time, hinding hindi ko 'yon makakalimutan. Hinding hindi ko 'yon ibabaon sa limot.

Same Thing, Different World (COMPLETED)Where stories live. Discover now