Napa aray naman siya at hinimas himas 'to,

"See? Aggressive," tatawa tawa niyang sabi.

"Bakit ka may pasa?" tanong ko sa kanya.

Umayos siya nang tayo, "bakit mo tinatanong? Concern ka na ba sa akin?" mapang asar pa rin niyang sabi.

Kahit kailan talaga walang katino-tino itong kausap.

"Nakita ko sumama ka doon sa mga kaklase natin kahapon."

Hindi umimik si Seb. Nakatingin lang siya sa akin, blanko ang expression sa mukha.

"Kinausap mo ba sila?"

He just gave me a shrug as an answer.

"Nakipag away ka ba sa kanila para mag sorry sila sa akin? Imposibleng mag s-sorry sila ng ganun lang. Tinakot mo ba sila?"

Napa buntong hininga si Seb and he let out a quiet laugh.

"Sakit naman non, Miss Prez. Ganyan ba ang image ko sa'yo? Basagulero?"

"Pero kasi---"

"Tanggapin mo na lang ang sorry nila," pag putol niya sa sasabihin ko. "Sincere naman ang mga 'yon."

He pat my back at iniwan niya ako sa fire exit.

Okay... pero hindi pa rin niya sinagot ang tanong ko? Bakit may pasa siya? At kinausap niya ba talaga? Anong sinabi niya sa kanila? At magtitiwala ba akong sincere ang mga yon?

~*~

Akala ko kapag kinausap ko na si Seb, hindi na magugulo isip ko. Pero doon sa sumunod na subject namin, sobrang bothered ko pa rin, at naiinis na ako sa sarili ko.

Why is this affecting me? Ano bang problema ko? Bakit hindi ko magawang tanggapin na lang ang sorry nila and take it as it is? Bakit naghahanap ako ng dahilan? Tapos pinag buntungan ko pa si Seb. Kung ano ano pa ang sinabi ko sa kanya.

Pero bakit kasi sila nag sorry sa akin?

Hindi ako sanay. Hindi ako sanay na may nag a-apologize sa akin nang hindi ko alam ang dahilan.

Dalawang subject na ang na-s-sacrifice ko dahil na naman sa pag o-overthink ko.

Hindi pwede 'to. Hindi naman ako ganito, eh. Hindi ako madaling maapektuhan.

Nagugulo na naman ang isip ko. This is bad.

Nung matapos yung second subject namin, our teacher ask me to go to the Teacher's Office para ilagay doon yung mga assignments ng kaklase ko.

I collected their notebooks at lumabas na ako. As usual, hindi na naman ako nang hingi nang tulong at wala rin naman nag offer. Wala si LJ at Chichi dahil pinatawag sila for a meeting doon sa dance club kung saan sila kasali. Si Seb naman tulog. Hindi rin ako pinapansin. Mukhang masama na naman ang loob sa akin, malamang siguro dahil sa nasabi ko sa kanya kanina.

Okay lang naman. Gusto ko rin mag lakad sa labas mag isa para naman mahimasmasan ako.

Dala yung mga notebooks, lumabas ako ng classroom papunta sa teacher's office nang biglang may humarang sa daraanan ko.

Napa-angat ang tingin ko dito and I saw Harold smiling at me.

"Ba't ka nakayuko mag lakad?" he asked. "Sige ka, mamaya may mabangga ka na naman."

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon