Chapter 34: The Revelation

Start from the beginning
                                    

"Oo nga, pero alam ko na alam ni bestfriend ang tama." Sabi ko.Tumayo si Levi at umiwas sa pang-aasar ko sa kanya ng bumukas ang pinto at pumasok si Allen na lumapit sa amin at nangulit.

"Since we are here at si Renalyn nalang ang hinihintay natin," na sakto ring bumukas ang pinto at nakita namin si Renalyn. "Speaking," sabi ko na balak sanang lumabas ni Renalyn ngunit pinigilan ko. Pinapasok ko siya at isinara ko ang pinto.

"Pj, what is this!" Sabi niya sa akin. "Can you please stop it kung ano man ang sasabihin mo." 

"Anong sasabihin? Ano yun?" Tanong ni Eloisa.

"Gusto mo ba ako na ang magsabi sa kanila o ikaw?" Tanong ko kay Renalyn.

"Ang alin?" Pag-mamaangmaangan niya. " Pj, kung may problema ka pwedi nating pag-usapan na tayo lang dalawa. Hindi mo naman sila kailangang idamay."

"Ano ba to, may tinatago ba kayong dalawa na hindi namin alam?" Tanong ni Levi na sinang-ayunan naman ni Allen.

"Haist!" Tatayo na sana si Anjely ng pigilan ko.

"Hindi si Ms. Morales o sino man ang may kagagawan ng lahat ng isyu na nangyari sa atin kundi si Renalyn at kasabwat niya dito ang makulit na manliligaw ni Anjely. I don't know kung bakit nila ginagawa ito." Sabi ko na ikinagulat nila.

"Si James?" Pagtataka ni Anjely.

"Oo, siya nga ang nagpakalat ng video niyo ng pinsan ko na nakunan ni Renalyn." Sagot ko nagulat nalang ako ng biglang tumayo si Anjely at sinugod ng malakas na sampal si Renalyn na agad naming pinigilan. 

"Hayop kang babae ka, akala ko kaibigan kita. Ahas ka pala!" Sigaw ni Anjely sa galit.

Napaupo nalang na umiiyak sa tabi si Renalyn. "Gusto ko lang malaman nyo hindi dahil sa bestfriend ko ang pinagbintangan dito, oo magkaibigan kami ni Ms. Morales, kundi dahil I also concern about us dahil nasisira na tayo."

"Paano mo nalaman to?" Tanong ni Levi sa akin.

"Hindi ko sinasadyang matuklasan ito kahapon ng marinig ko mismo ang pag-uusap nina Renalyn at James." Sagot ko.
"Your an evil! Inggitera, alam ko naman na isa sa dahilan kaya mo ikinalat kung ano man yung nakita mo ay dahil gusto mo ikaw ang lalaban sa pageant dahil ngayong taon si Levi ang partner ko, alam ko namang patay na patay ka sa kanya bruha ka. Akala mo namang maganda ka, sana masaya kana dahil nalaman kong ikaw nga ang ipinalit sa akin." Sigaw ni Anjely.

"Oo na, ako na! Hindi ba't ikaw din naman? Lahat ginawa mo din sa lahat ng mga nagugustuhan ni Pj dahil patay karin sa kanya?" Sagot ni Anjely.

"Tumigil nga kayo!" Pigil ko sa dalawa.

"Magkalinawan nga tayo, ano pala ang dating rule natin? Hindi ba't ang bawal ma in love sa kapwa lucky 6? Nasaan na yun kung tayo tayo lang din? Andyan sina Eloisa at Allen,"

"Anong ako?" Sabay ma sabi ng dalawa.

"Oo kayo, tatanggi pa kayo sa akin e. Pektusan ko kayo dyan!" Sabi ko. "Ano ba, pwedi bang magkaayos na tayo, nadadamay na yung ibang mga taong wala namang kinalaman dahil sa maling pag-ibig na yan. Why don't we try to look to others, malay mo makita nyo rin kung ano yung nakita ko." Nakangiting sabi ko ng maalala ko si Nicole.

"Ewan ko sayo, ewan ko sa inyo! Edi magsaya kayo!" Galit na sabi ni Renalyn at pabagsak na lumabas ng kwarto.

Ilang sandali din ng sununod na lumabas si Eloisa at pumasok naman sa kwarto si Anjely. Naiwan nalang kaming tatlo na tahimik.

"Kasalanan ko ito e, ako ang nagsabi na bawal ma in love pero pinayagan ko si Renalyn na makapasok sa buhay ko kaya ngayon nagkagulo. Hindi naman mangyayari to kung hindi dahil sa akin. " Sabi ni Levi.

"Can we break that promise?" Sagot naman ni Allen, "hindi naman namin kasalanan na pareho naming nagustuhan ang isa't isa. Kaya dahil din dyan at kaya hindi namin masabi na naging kami ni Eloisa na ngayon wala na, hindi kami okey." Napabuntong hininga nalang si Allen.

"Mga dude, inakbayan ko ang dalawa. Okey lang yan, wala na yung promise na yun dahil matagal na yun hindi nasunod ng nilabag nyong dalawa kaya sundin nyo na ang puso niyo kung saan kayo sasaya."

"So you mean, I will still continue my feelings for you?" Napalingon kami sa likuran at nakita namin si Anjely na nakikinig pala.

Nilapitan ko siya at inakbayan, "iba naman yung atin, why don't you give chance your suitors to courts you dahil ako may mahal na. Hayaan mo naman silang mahalin ka." Sabi ko at niyakap ko si Anjely na kahit papaano'y napangiti ko naman siya.

"Siguro, kailangan ko ng taposin yung kahibangan ko sayo." Sagot niya at niyakap ko silang tatlo na mga problemado sa puso.

"Sana maging okey din ang lahat at babalik tayo sa dati na solid lucky 6!" Ang sabi ko.

                       to be continued.

The Lucky 6 and IWhere stories live. Discover now