Agad siyang inayusan habang ang isang babae ay pinapakita sa kanya ang mga pagpipilian niyang bodycon wedding dress.

Ang gaganda nilang lahat. Wala siyang mapili kaya sila nalang ang pumili para sakanya in the end.

Matapos ang mahigit tatlong oras ay natapos na din sila.

"You are the most beautiful bride I have ever seen",natutulalang sabi ng bading matapos siyang mabihisan.

Napangiti nalang siya.

"Thank you po",nahihiyang sagot niya.

"Ready na ang bride! Everyone get ready!",rinig niyang sabi ng babae sa labas.

Inalalayan siya ng mga ito na pumunta sa may pinto.

Pagbukas non ay nabigla siya sa nakita. Paanong nangyari na nagkaroon ang maraming bulaklak sa labas.

Para siyang nasa garden. Hindi na niya nakita kung gaano natulala ang lahat matapos siyang makita dahil naakit siya sa magandang tanawin.

Napakurap siya ng makitang nasa harapan na niya si Xander na nakabihis na din.

"Ang ganda Love! How did you do it?",nakangiting sabi niya dito.

Pero nagulat siya ng halikan siya nito sa labi. Napahawak siya sa braso nito at sinagot din ang kanyang halik.

"Hoy! Kasal muna may pupuntahan si Judge!",rinig nilang sabi ni Talia kaya agad silang naghiwalay.

"You just took my breath away Love. You are so fucking beautiful",anas ni Xander habang titig na titig sa kanyang mukha.

Agad naman namula si Jess at biglang nahiya.

Hindi pa rin makapaniwala si Jess sa bilis ng pangyayari. Para siyang lumulutang sa ulap. Napakasaya niya. Inside her, natatakot din siya dahil sobrang saya niya. Hanggang kelan ang kasiyahang iyon?

"Yes I do",madamdaming sagot niya matapos siyang tanungin ng Judge kung tinatanggap niya si Xander bilang kanyang kabiyak.

Whatever it is na naghihintay sa kanila, she will just enjoy the moment to be with the man she had ever dream of.

Masayang masaya ang lahat para sa kanila. Hindi rin maitatago ang kagalakan sa mukha ni Xander.

"You may now kiss the bride",rinig ni Jess na sabi ng Judge. Saka palang bumalik ang kanyang diwa sa nagaganap na kasalan.

Ganap na siyang Mrs Alexander Miguel Steve.

"I love you so much Love",madamdaming sabi ni Xander sa kanya matapos siyang bigyan ng matamis na halik sa kanyang mga labi.

"I love you too Love",nakangiti niyang sagot dito.

"Congratulations!",masayang bati ng lahat sa kanilang dalawa.

Matapos ang kasal ay naupo na sila sa nakahandang mesa roon. Meron na ding mga pagkain. Ang galing talaga ni Diego. Sa madaling oras lang ay naayos niya ang lahat ng mga kailangan nila.

"Hindi pa ba kayo uuwi?",naiinip na sabi ni Xander sa kanilang mga kaibigan habang kumakain pa silang lahat.

"Nagmamadali ka kuya? Katatapos lang ng kasal! Maghintay ka naman ng gabi!",naiinis na sabi ni Talia.

Samantala nagsimulang mamula ang mukha si Jess. Agad niyang sinapak si Xander sa braso nito.

Natatawa nalang si Xander.

"Why?"

"Shut up!",inis na asik niya dito.

"Bakit? Honeymoon naman talaga after ng kasal eh. Ang tagal tagal kasi ng mga ito. Dalian niyo nga kumain diyan at magsi-uwi na kayo",naiinip na taboy ni Xander.

"Woahhh!",natatawa nalang ang mga lalaki.

"Magpalit ka na ng damit Love. Baka nasisikipan na si Baby",sabi ni Xander sa kanya.

"Oo nga pala. Sige magbibihis lang ako",sabi ni Jess at tumayo na.

"Samahan na kita Love",agad na segunda ni Xander at mabilis ding tumayo.

"Ayon oh!",kantyaw ng barkada.

"Love! I can do it!",namumulang sabi ni Jess.

"Hindi mahihirapan ka Love. You need me. Tara!",sabi ni Xander.

"Seriously! No, you stay here! I can go alone!"

"Hindi pwede Love! Ayokong mahirapan ka!",sabi ni Xander at maingat siyang binuhat.

"Xander!"

"Hahahahahahahha!"

"Hoy! Magsi-uwi na kayo! Hindi na kayo nahiya samin ng misis ko! May pangangailangan siya na kailangan kong tugunan.",natatawang sabi ni Xander sa kanila.

"Ako pa talaga!",nagugulat na sabi ni Jess.

"Hahahahahahaha!"

---





Xander:Till Death Do Us PartWhere stories live. Discover now