CHAPTER 3

7 1 0
                                    

"Sab, baby come one. Open the door for Mama."

Nanginginig ang mga kamay ko habang sinusubukan kong tawagan kung sino man. Doon ko lang napansin na si Eka ang natawagan ko nung sumagot na siya.

[Sab? Ayos ka lang? Bakit ka napatawag?]

"Eka, punta ka rito sa bahay please. Please, I'm scared," umiinit na ang mata ko sa nagbabadyang luha.

[Saglit lang, pupunta na ako.]

Sasabihin ko sana na huwag niyang ibababa pero napatay na niya ang tawag, nakikita ko ang pagka irita ni Mama. Nagiging impatient na siya dahil hindi ko siya pinag bubuksan. Napigtad ako sa paghampas niya sa gate.


"Sabrina! Makaka tikim ka talaga sa 'kin kapag hindi mo pa binuksan 'to!"


Hindi ko alam ilang minuto ang lumipas bago ko nakita ang paglapit ni Eka at ni Tita kay Mama. Hindi ko na alam anong pinag usapan nila, nakita ko lang ang pagbabago ng itsura ni Mama. Nag mukha siyang mabait sa harap nila, lumabas na ako at binuksan ang gate.


"Hi Sab, hinatid ako ni Mommy," nakangiting sabi ni Eka. Nakahinga naman ako ng maluwag, nag uusap pa rin sina Mama at Tita kaya hinila ko na si Eka papasok.


"Hanggang ngayon nakaka starstruck pa rin Mama mo, hindi ko akalain na siya 'yung artista na laging pinapanood din ni Mommy!" Kinikilig kilig pa siya, "pero dahil ni-request mo na rin na huwag sasabihin sa iba. Tikom bibig kami," nagkunwari pa siya na zinipper ang bibig niya, "pero kinikilig pa rin ako!"


Para siyang kiti kiti, gabi na pero ang energy niya ang taas pa rin. Naalala ko tuloy nung unang beses niyang nakilala si Mama, sobrang nag fangirl siya kasi raw nakikita niya lang sa tv si Mama habang pinapanood ni Tita. After niya makilala si Mama, kinabukasan dumalaw sila ni Tita rito. And that's when they start being friends, sana genuine si Mama sa pagiging kaibigan niya. Tita Maribeth is a good woman.


"Alam mo kung ako rin, matatakot ako kasi ang laki ng bahay niyo tapos mag-isa ka."


"About that," natigil siya sa pag tingin ng kung anong bago sa kuwarto ko, "kay Mama ako takot."


Bigla siyang lumapit sa 'kin, tumalon siya sa kama kaya pati ako nag bounce, "sabi ko na nga ba e, may something scary sa Mama mo," napatakip siya sa bibig niya, "oh my gosh, sorry."


"Don't be, there really is something about her that's scary. She's just nice because people can see her, but every time that we're alone, she's a monster," ngayon lang ako mag o-open up ng ganito, she's my very first best friend anyway.


Nagulat ako sa pagyakap niya sa 'kin, "don't worry, kung kailangan kita puntahan dito para maging nice si Tita sa 'yo, gagawin ko."


Hindi na kami lumabas ng kuwarto ko, narinig nalang namin na kumatok si Mama at sinasabing nasa kuwarto niya lang siya. Kami naman ni Eka nanood lang ng kung ano ano sa internet, naglaro pa kami nung nakakatakot na maze. Kapg dumikit ka sa gilid may biglang lalabas na nakakatakot na mukha. Ganoon lang kami hanggang sa dalawin kami ng antok, kahit papaano ay naging panatag akong pumikit at matulog.


"Nako! Huwag mo isipin 'yan, hindi naman namin tinitignan estado mo."

Siniko pa ako ni William kaya muntik pa akong sumubsob, sinamaan naman siya ng tingin nina Gerald.

"Sorry sorry," hingi niya agad ng tawad saka ako inayos ulit paupo.

Sinabi ko sakanila kung anong sinabi ko kay Eka dahil nakita pala nila kagabi si Mama. Pupuntahan daw sana nila ako para makinood sa account ko, kaso nung nakita nila si Mama sa labas umalis nalang din sila.


Warm Changes (Seasons of Love Series #4)Where stories live. Discover now