CHAPTER 28

13 1 0
                                    

"Wow, you survived."

Napatingin ako sa likod ko, naroon si Kuya Pat nakababa ng tingin sa 'kin. Nakaupo kasi ako sa gilid ng pool habang nakalaylay ang paa ko. Lumabas ako dahil feeling nasu-suffocate nanaman ako.

"Well what do you know," I jokingly said. Tumabi siya sa 'kin, nilubog niya rin ang paa niya sa pool.

"Don't you think it's time to reconcile with Mama?"

Napatingin ako kay Kuya, seryoso na siyang nakatingin sa 'kin. Ngumiti ako ng malungkot, "it's not easy Kuya, you know that."

"She's trying," pangangatwiran niya pa.


"I wonder why it's hard for me to believe that."

"That's understandable, the pain she caused you was too much. I'm not here to invalidate your feelings, I'm just asking for you to try," he held my hand and gently squeezed it.

"I'll try," I whispered.

"Ang seryoso niyo nanaman! Loosen up!" Sabay kaming napatingin sakanila, hindi pa pala sila tapos mag inuman? May part two pa? May dala silang isang case ng beer, tapos may tequila pa.

"Iinom mo 'yan Sabby, tara na," walang sinabi akong hinila ni Liam. Hindi naman tutol sina Kuya Pat lalo pa na sila rin kainuman namin.

Naghihiwa na sina Hailee ng lemon, nautusan pa ang mga lukaret. Lumabas din sina Lola, kasama si Sir. Milandro at Mama. 'Yung mga bata naglalaro sa salas kasama ang Mommy nila, kaya kasama namin si Kuya Clev dito.

"Kuya Clev, sunduin daw natin si Mommy," napa angat ang tingin ko kay Carl na nasa 'kin din ang tingin kahit si Kuya Clev ang kausap.

"Bakit hindi nalang si Sab? Tutal siya naman tinitignan mo, pasimple ka pa," pang aasar nito na ginatungan pa ng iba.

"Alam mo ayaw niyan ng paligoy ligoy, gusto niyan direct to the point," singit ni Adriel.

"Adriel!" Angal ko kaagad pero tumawa lang.

"What? Naalala mo? 'Yan sabi mo sa 'kin nung nakipag kilala ako sa 'yo ah," paalala niya pa. But this is different, 'di yata kakayanin ng puso ko kapag naging direct to the point siya. Of course 'di ko sinabi 'yon sakanila.

"Sab, sama ka raw ba," tatawa tawang tanong ni William sa 'kin. Humalakhak pa sila ni Kim na parang kinikiliti.

I looked at Carl again, he's frowning at them but when he looked back at me his face turned softer. He motioned his head saying 'let's go', so I stood up to go with him.

"Pota p're! Ang bangis! Wala man lang tayo narinig sakanila," halakhak ni Liam.

"Manahimik ka tanga," rinig kong pambabara ni Gerald sakaniya.

Hindi na namin sila pinansin, I know na kapag hinanap ako nina Lola sila na bahala mag explain. Gamit niya ang sasakyan ng Dad niya, ilang beses ko na nakikita 'tong gamit nila e.

"Kuya!" Sabay kaming tumingin kay Chloe na naghahabol, "sama, please."

Tinignan ko si Carl, alam na alam ko ang mukhang 'yan. Aalma sana siya pero kinarga ko na si Chloe, "sure baby, let's go?"

Ngumiti naman si Chloe sa 'kin saka kami nauna nang sumakay. Inayos ko ang pagkakaupo niya sa baby seat, maliit pa naman siya kaya kasya pa siya roon. Saka lang ako pumasok sa passenger seat, nagulat pa ako dahil biglang lumapit si Carl para siya ang mag ayos ng seatbelt ko. Automatic na nag landing ang kamay ko sa bibig ko, naalala ko nanaman 'yung nahalikan niya ako bigla.

Warm Changes (Seasons of Love Series #4)Where stories live. Discover now