CHAPTER 4

7 1 0
                                    

"Sabrina, kainin mo muna 'to, mamaya na 'yan 'nak."

Kanina pa sinusubukan ni Nanay ilayo sa 'kin si Mallows. Nang makita kong isang German Shepherd ang laman nung kahon ay nakalimutan ko nang kumakain ako. May letter 'yon na kasama, may kasama rin na papel na nagsasabing ako ang may-ari sakaniya.


Kinuha ko ulit ang letter saka binasa.


Sabrina,
I hope this can brighten your day. He can be your companion all of the time. Let's see each other soon.

P.S. name him what you want, he's yours.
P.P.S. There's an envelope there, inside a zip lock. It contains the info. about the doggo.

-L

I don't know who this person might be, but I'm thankful. He thinks of my well being, but still weird. Wala naman akong kakilala na 'L' bukod kay Liam, e hindi naman 'yon nag e-english ng ganito. Deretso niya iaabot sa 'kin 'to kung sila nga ang may bigay.


"Anak, mamaya na 'yan. Kumain ka na muna sige na," kumahol si Mallows sa 'kin, "oh, tignan mo gusto ka na rin niyang kumain."


I giggled and hug him more, he's so cute and tiny, I can't wait for him to grow up, "okay po, pero paano si Mallows Nanay? Anong kakainin niya?"


"Nagpabili na ako sa Tatay mo Roy ng pagkain niya, may nakalagay roon sa papeles niya kung anong pagkain ang pwede sakaniya."


With that, bumalik na ako sa kusina para kumain na ulit. Nakita kong tumatakbo takbo lang si Mallows paikot sa 'kin. Mamaya ilalabas ko siya sa may pool, mas malawak doon kaya mas makakatakbo siya ng ayos.


"Dahan dahan, hindi 'yan aalis si Mallows," puna ni Nanay sa 'kin dahil minamadali ko ang pagkain ko.


"Oh?! Kanino 'to?" Sabay sabay kaming napalingon sa hamba ng kusina.


"Daddyow!" Tumalon ako pababa ng upuan saka tumakbo palapit sakaniya, niyakap ko kaagad siya sa baywang dahil 'yun lang ang abot ko.

"Hello my princess," tumingin siya sa kinakain ko, "ngayon ka palang kumakain? Late na ah?"


"Hay nako sir Simon, late na rin ho kasi gumising 'yan," pagsusumbong ni Nanay.


"Nanay!" Pagmamaktol ko kaagad, I even pouted! Akala ko magkakampi kami rito sa bahay, sinumbong ako kay Lolo!


"You've been reading again?" He asked.

"Yes po, I finished reading The Notebook last night."


Naiiling nalang siya saka inabot sa 'kin ang isang paper bag. Pagkakita ko na galing 'yon sa National Book Store ay nagmamadali kong kinuha 'yon. It has books! Divergent Trilogy and Hunger Games as well!


"Thank you!"


Natigil ako sa pag yakap kay Lolo nang kumiskis sa paa ko si Mallows. Kinarga ko naman siya agad at pinakita siya kay Lolo, "look Daddyow oh, siya si Mallows," I moved his paw to say hi.

"Hello there cutie, who gave this to you apo?"

"I don't know po, may letter lang e," inabot ko sakaniya ang letter na kasama ni Mallows. Nagtataka si Lolo pero hindi 'yon nagtagal, ngumiti lang siya saka binalik sa 'kin ang letter, "kilala niyo po ba?"


Nakangiti pa rin siya, "no, but that person wants you to be happy. That's good."


I feel like he's lying, I can see it. But I didn't try my luck, maybe I'm not yet ready to hear it that's why he didn't tried to tell me. Lumapit nalang siya kina Nanay para magpagawa ng kape, inubos ko na rin naman ang pagkain ko para makipag laro na kay Mallows.


Warm Changes (Seasons of Love Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon