CHAPTER 26

10 1 0
                                    

"Ewan ko ateng, ang weird niya talaga."

Narito si Eka sa kuwarto ko, hindi nanaman trip umuwi. Nagkukuwento ako sakaniya tungkol kay Mama, lately nagiging weird talaga siya. Bigla nalang nangangamusta, minsan dinadalaw pa ako rito. Hindi ako mapakali knowing her, baka may iniisip pang gawin 'yon.

"Baka naman gusto na talaga makipag ayos sa 'yo," sagot niya habang nangingiti sa phone niya at kumakain ng pringles.


I scoffed, "asa, si Mama? Makikipag bati? Baka may kailangan kamo."

"Taray ng trust issues, abot langit," sagot naman niya.


"Talaga, mas ayos na 'yon kaysa kapag nagtiwala nanaman ako tapos wala naman napapala," inagaw ko sakaniya ang pringles kaya napatingin na siya sa 'kin.

"Hindi naman lahat ng tao sasaktan ka Sabby, saka kung may binabalak man si Tita talaga feeling ko 'yon ay ang mag tago," pinakita niya sa 'kin ang phone niya, nag search pala sa google.

"News article na nasasangkot daw si Tita sa illegal drugs," she looks uneasy, she doesn't want to show it to me but doesn't have a choice.

Napakunot ang noo ko habang binabasa ang article, it was indeed about Mama. She's accused of using illegal drugs on her condo, and an unknown man is her pusher. I sighed, giving back Eka her phone I continued eating.

"Ay, 'di ka na martyr sis?"

Nagkibit balikat ako, "what's the use? Sa bawat dumi ng pangalan niya na nililinis ko, palala ng palala. Wala na akong magagawa riyan Eka, ayoko na. Nakakapagod ipakita sakaniya na may pakialam ako at mahal ko pa rin siya kahit ganito siya sa 'kin."

Malungkot akong tinignan ni Eka, umiling ako kaagad, "don't, you know how much I hate being pitied."

"I don't," agarang sagot nito, "I'm sad for you, kailan ba matatapos 'yang pasakit sa 'yo ng mundo? Ako nalang napapagod e."

Funny 'cause I stopped believing that my pain will end years ago. Tinatanggap ko nalang lahat, kasi pakiramdam ko 'yun nalang ang choice na mayroon ako. I don't want to give up, I don't want to hurt them the way I'm hurting. That'll hunt then to sleep, maybe some of them will blame theirselves. They're the reason why I'm still here, fighting this goddamn life. Indeed, it's a matter of finding people whom you could share your pain with, people who's willing to take half the pain for you.

"Hay nako, 'wag na nga natin pag usapan 'yan, pag usapan nalang natin 'yang nakakausap mo sa bumble dzai!" Muntik ko pa siyang mahampas ng unan sa lakas ng tili niya.

Gusto ko sana gantihan ng, 'ba't 'di natin pag usapan 'yang jowa mo' kaso di nga pala niya alam na alam namin.

"Wala namang bago, siya lang ang consistent kong nakausap doon. Though hindi pa rin ako kampante, kasi hindi niya naman mukha 'yon," gamit niya ba naman mukha ni Scoups. Ako naman si mapagpatol porket mukha ng bias ko sa seventeen talaga naman ini-swipe ko na.

"Pero interesado ka, aminin mo. Siya lang nakakuha ng interes mo sa bumble na 'yan," panunudyo niya pa.


Totoo naman, ito lang talaga nakakuha ng interes ko. May sense kasi kausap, hindi 'yung panay sabi lang ng 'kumain ka na', 'sa ganda mong 'yan', 'puntahan kita send loc' at kung ano ano pa. Nakaka umay.


Pinabayaan ko nalang si Eka sa pangiti ngiti niya sa cellphone niya. Nakasandal pa aa headboard ko, halatang ayaw ipaikita sa 'kin kausap niya. Nag notif din naman sa 'kin ang bumble, halos sitahin ko na sarili ko dahil ang bilis kong buksan 'yon.

Warm Changes (Seasons of Love Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon