CHAPTER 11

5 1 0
                                    

"Sabihin mo lang kung ginugulo ka, ako bahala."

Nakangising sabi ni Jasper sa 'kin, sa hindi ko malamang dahilan nandito siya ngayon sa music club. Ang club na sinalihan ko, kaibigan niya ang isa sa mga club members na nakakausap ko rin paminsan minsan.


"Grabe ka p're, hindi ko nga ginugulo si Sab," reklamo ni Lance.


At nagsagutan na nga sila sa harap ko, tatlong araw na rin kaming magka text ni Jasper. Mula nung nag text siya sa 'kin ay mas naging madalas na kaming magkausap. Hindi ko pa rin alam ang motibo niya sa 'kin pero sabi naman nina William sa 'kin mag go with the flow nalang muna ako.

They said that I should enjoy life, and that I don't have to worry so much about the future because that's what's really gonna hold me from making may present memorable.


"So ano naman ang score niyo ni Jasper ha?" Tanong ni Eka na nakahiga sa duyan nila, nandito ako ngayon sakanila nakiki tambay.

Nagkibt balikat ako, "text mates?"

Tumawa naman siya, "uso pa pala na panay text muna."

"Ikaw kasi sunggab agad," padaskol kong sabi.

Humalakhak lang siya lalo, "patatagalin pa e pwede naman 'yung relasyon nalang talaga ang patagalin."


"Ah, kaya pala lahat ng ex mo days or weeks lang."

Sinamaan niya lang ako ng tingin, "bastos bunganga ah. Hindi ko pa kasi nakikilala 'yung the one ko."

"Ano ka nag trial and error?" Namamangha kong tanong.


Nagkibit balikat naman siya, "life is short, dapat enjoy lang."


Napailing nalang ako sakaniya, she jumps from one boy to another at hindi ko naman siya mapipigilan diyan. Lagi ko nalang siyang pinapaalalahanan na kapag broken nanaman siya, 'wag niyang kakalimutan na tawagan o puntahan lang ako.

"Anyway, ngayon dating ng sasakyan mo 'di ba?"


Tumango ako, "sabi ni Kuya Pat ngayon daw ang dating. Hindi ko rin naman magagamit ng husto 'yon, sa malalapit lang ganoon."

"At least may magagamit ka, panatag sila — kami na kahit saan ka pumuntang malapit lang may sasakyan ka naman," pabiro niya akong binatukan kaya sinipa ko ng mahina ang paa niya, "ang bilis talaga gumanti!" Binelatan ko lang siya, "hilig mo kasi gumala kung saan saan e, kaya siguro talagang pinush nila na mabilhan ka."


Sa tabi tabi lang naman ako, saka lately nasa bahay lang ako. Nakikipag laro kina Chumi at Mallows, nag-aalala rin kasi sina Nanay sa 'kin kapag nawawala nalang ako bigla.


"Hi Babe!" Napatingin ako kay Eka na may kausap na sa phone, natawa nalang ako sakaniya. Habang may kausap siya, naghanap naman ako ng mabibili sa online. Balak ko magbigay ng something memorable sakanila, hanggang sa mahanap ko 'tong shop na nagbebenta ng necklace. Medyo malaki lang ang nagastos ko, at for sure magtatanong si Lola about dito.


Sumenyas ako kay Eka na mauuna na ako dahil nag text na si Kuya Chester na malapit na raw 'yung mag de-deliver. Tumango lang siya dahul busy pa siya makipag usap.


"Ang seryoso naman," napalingon ako kay Adriel.

"Wala kang pasok?"

Umiling siya saka lumakad sa tabi ko, "so bakit ang seryoso nanaman ng mukha mo, kaya hindi makalapit sa 'yo ibang tao e. Mukga ka laging mangangain."


Warm Changes (Seasons of Love Series #4)Where stories live. Discover now