CHAPTER 42

10 1 0
                                    

"I'll see you tomorrow?"

Tumango ako kay Mark, he's gonna be my partner for a term paper. Napag usapan na namin ang mga gagawin namin, sabi ko sakaniya sa bahay nalang kami since nasa bahay ang kambal ni Aika.

Speaking of Aika, she's in a rough time right now. Having a postpartum depression is not easy, she couldn't hold her twins. It's like they're her own personal trigger, that's why sometimes I'm taking them.

Hindi na ako dumeretso kay Gray since nasa bahay naman na talaga siya. Pagdating ko sa bahay ay nandoon din sina Adriel. Nakikibantay, pero ngayon hindi na sila magka intindihan. Lalo na ang lakas ng iyak ni Mauve.

"Tabi, ako na," natigilan silang lahat sa pagsasalita ko. Kale is the quieter twin, while Mauve is the noisier. Binaba ko muna ang gamit ko saka kinuha sakanila si Mauve.

"Ateng!" Sabay sabay kaming napalingon kay Eka na kakapasok lang ng bahay.

"Anong nangyari sa 'yo?" Mukha siyang kabadong kabado. May pawis pawis pa ang bruha, ano nanaman kaya ginawa nito.

"Girl, girl, girl," natataranta niyang sabi, pero napatigil din dahil hawak ko si Mauve, "oh, hi my baby Mauve," humalik siya sa ulo ni Mauve na mahimbing nang natutulog. Kinuha niya si Kale kay William saka hinila ako papunta sa kusina.

"Really Eka? Ano ba nangyayari sa 'yo?"

"Kasi naman girl," seryoso ang mukha niya habang sinasayaw sayaw si Kale, "may umamin sa 'kin sa office! Nag panic ako sis! Nagbago na ako, 'di na ako sanay sa mga ganoon!"

I face palmed, 'yun pala ang problema niya. Same sila ni Kuya actually, "para kang si Kuya."

Nagbago ang mukha niya, biglang lumungkot napakagat tuloy ako sa labi ko, "kumusta na siya? Kumakain ba maayos 'yon? Masaya ba siya sa ginagawa niya? Baka pinapabayaan niya sarili niya ah."

"Why don't you just talk? Hindi naman mahirap 'yon, malay niyo naman ldr works," suhestiyon ko.

Umiling siya, "baka pauwiin ko siya bigla," I bit my inner cheek to stop from reacting. Parehas sila ng sinabi ni Kuya, he said ayaw niya kausapin si Eka dahil baka umuwi nalang siya bigla.

Pagakatapos ko mag update sa buhay ng dalawang 'yon ay umakyat na ako. Hinayaan ko nalang silang guluhin sina Nanay kusina. Pinagtabi ko ang kambal sa kama ko, nilagyan ko nalang ng bolster nila sa gitna kung sakaling magkatamaan sila. Nilagyan ko rin ng tag isang unan ang gilid nila saka ako pumwesto sa paanan nila.

Sabi ko iidlip lang ako para makapag review pa ako, pero nakatulog na pala ako. Kung hindi ko lang naramdaman na may naglagay ng kumot sa 'kin malamang ay tuloy tuloy na ang tulog ko.

"I'm sorry, did I wake you up?" Pabulong na tanong ni Gray.

Umiling ako, "okay lang, kailangan ko pa rin mag review."

Tinulungan niya akong tumayo, bigat na bigat pa ako sa katawan ko dahil sa antok. Pero kailangan ko gumising, baka mangulelat ako sa school pagpasok. Nakita ko ang mga bote ng gatas na wala nang laman, mukhang pina dede na sila ni Gray. Mahimbing din ang tulog nila, muntik ko na maapakan si Choco dahil nasa may paanan din pala.

"Aren't you gonna sleep?" I asked Gray who's getting another chair to put beside me.

"Later," he simply said and started drawing some sketches. Mag aalas dose na nang lumabas siya sandali, mukhang nagutom. Tinigil ko rin muna ang pagbabasa para mag unat. Maya maya lang ay bumalik na rin si Gray na may dalang dalawang tasa.

Warm Changes (Seasons of Love Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon