CHAPTER 34

12 1 1
                                    

"Isang beses lang akong sumuko..."

Kanina pa ako singhot ng singhot, ang dami ko nang katabing tissue. Pinapanood ko 'yung The How's of Us, wala man lang nag warning sa 'kin na mapanakit pala 'to.

"Kainis, bakit naman ganoon 'yon," pagkausap ko sa sarili ko. Marahas ko pang pinunasan ang luha ko.

Nag tweet ako ng tatlong crying emoji after watching the house of us. I'm currently watching Insidious chapter two, with ice cream on my hand while I'm inside a blanket and all the lights are off. Minsan talaga may topak din ako, pagkatapos ng nakakaiyak ngayon horror naman. Hindi ko na magawang tumayo dahil tutok na tutok na ako sa pinapanood ko.

Nakakalahati ko na ang pinapanood ko nang marinig ko ang sunod sunod na door bell, at dahil nariyan naman sina Tatay Roy ay hindi na ako nag abalang buksan kung sino man 'yon. Baka si Mama lang, o baka sina Daddyow, masyado na akong konportable sa loob ng kumot ko.

Napasigaw ako hindi dahil sa pinapanood ko kundi sa biglang pagbukas ng pinto na umuntog pa 'yon sa pader. At naroon, ang mga lalaking pare parehas naghahabol hininga. Mabilis nila akong nahanap, nangunguna si Grayson na lumapit sa 'kin. Nagsi sunod naman sina Liam kaya ngayon sila na ang nakikita ko hindi ang pinapanood ko.

"Are you okay? What happened?" Hinawakan ni Gray ang pisngi ko at tinitigan akong mabuti, lalo na ang mata ko na paniguradong mugto pa dahil sa pag iyak ko kanina, "answer me Sabby," nakikita kong frustrated na siya pero 'yung hawak niya sa 'kin, it's very gentle.

"Huy Sabbaby ano?" Napatingin ako kay William na nag aalala rin ang itsura.

"Kanina pa kami tumatawag sa 'yo," sabad ni Liam.

Hinanap ni Kim ang phone ko na nasa coffee table, pinakita niya ang missed calls at texts nila sa 'kin, "pinag alala mo kami."

"Ateng!"

"Bakla!"

"Sabby!"

Sabay sabay kaming tumingin sa pinto, naka pajama na 'yung dalawa samantalang nakapang lakad si Eka at mga hinihingal din. Basta nalang hinila ni Eka ang braso ni Gray saka tinabi para siya ang nasa harap ko.

"Sino nagpaiyak sa 'yo?" Tanong nito.

Lahat sila ay nag aabang ng sagot ko, "uhh, why are you guys here?" Hindi sigurado kong tanong.

Napabuntong hininga silang lahat, pero si Aika ang sumagot, "sis, nag tweet ka ng crying emoji, nag panic kaming lahat. Tapos hindi ka nag rereply sa mga chat at text namin!"

Oh, napakagat ako sa labi ko. Na guilty ako na nandito silang lahat bigla, napayuko nalang ako sa hiya.

"I'm sorry," I whispered, "I was just watching kaya ako napa tweet ng ganoon, I'm sorry I didn't mean to drag you all here. I-I thought no one would notice, I was just really watching. That's all."

They all let out a heavy sigh, sounded relief. Nakayuko pa rin ako, ilan sakanila naka ayos pa. Halatang may mga lakad pero narito ngayon sa harap ko.

"You can all go na, I'm okay swear," mahina kong sambit.

Yumuko si Liam para magpantay ang mukha namin, ginulo nito ang buhok ko, "huwag ka ma guilty, nag panic lang din kaming lahat okay?"

"You have dates don't you?"

They all shrugged, "mamaya pa talaga, dumaan lang kami." Hindi ko alam kung totoo ba 'yun o sinasabi lang nila para hindi na ako ma guilty.

Warm Changes (Seasons of Love Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon