CHAPTER 44

12 1 0
                                    

"Will you let me hold you again like before?"

Mabilis akong lumingon, lumabas si Gray sa cr ko at may hawak pa siyang isang sticky note. Then I get it, he went home earlier not because of his business but because of this. He prepared all this.

"You did all of this? Alone?"

He shakes his head, "I asked for a few help, since I'm not gonna make it in time. Do you like it?"

"Yeah..." I'm still amazed how they filled my room with sticky notes, and the fact that they were hand written by him. When did he start writing these?

He held my hand and squeeze it lightly, "I'm really really sorry, I know what I did was wrong and I don't have any good reason to explain myself. Instead, I will promise to try my very best not to let that happen again."

"Ayokong mawala ka sa 'kin, kung kailangan na  ligawan kita ulit gagawin ko," nagulat ako sa pagluhod niya, "last chance, if I mess up again, magkukusa akong umalis."

Hinawakan ko siya sa pisngi niya, "you don't have to do those things again. I forgive you, if I'm going to compare your one mistake to all those years you've been keeping up with me. That would be unfair for you, ang daming taon na pinaramdam mo sa 'kin na ako lang. Sino ako para pagkaitan ka ng chance."

"You're my Skylar, and you have all the right to decide."

"And my decision is to give you another chance," hinila ko siya patayo, "be honest with me, what you said, do you meant those things?"

Umiling siya, "believe me I didn't, gasgas na 'yung 'lasing ako' na sinasabi pero this time it's true. Sa tagal ko nang mahal ka, ni minsan hindi ko naisip 'yon. You're a blessing to me, but what's true is that nag selos ako kay Mark."

Napailing nalang ako, "I told you, you don't have to. Baka nga ako pa ang mag selos sakaniya."

He looks baffled, "you mean to say?"

Tumango ako, "yes, he will never like me."

I sighed when he started rubbing the tip of his nose against mine.

Tama nga sila, may mga relasyon na nadadaan sa usapan pero marami rin ang hindi na. Sometimes time can really help both parties to think and reflect on what we did. Hangga't kaya namang ayusin sa maayos na usapan, ayusin pa. Pero kung wala na talaga at parehas na hindi nag be-benefit ang parehas na nasa relasyon maybe it's better to stop already.

"Baby Sabby!" Gusto kong batuhin ko si Kuya, ang aga aga nagsisi sigaw sa bahay. Palibhasa wala si Eka, kaya ngayon ako ang ginugulo niya. Nagtakip ako ng unan sa mukha ko nang makapasok siya sa kuwarto ko, I even heard my babies whimper when he screamed.

I grunted when he took my pillow, "Kuya! Ano nanaman ba."

"Samahan mo 'ko," inalog alog niya ang balikat ko. Sinipa ko siya sa puwet niya dahil masakit sa ulo ang ginagawa niya.

"Patulugin mo 'ko!"

Inagaw ko ulit ang unan ko sakaniya saka tinaklob ko ulit sa mukha ko. Kaso ang Kuya ko pinaglihi sa kulit, dinaganan talaga ako. E alam naman niyang mas mabigat siya sa 'kin!

"Aray! Kuya!" Umuubo ubo na ako dahil sakaniya, at talaga namang inipit pa ako lalo, "alis na!" Pinilit ko siyang itulak, kaya ang ending ay nahulog siya sa kama ko sa lakas ng pwersa ko.

Masama ang tingin niya sa 'kin pero binelatan ko lang siya, "you deserve it."

Pumasok na ako sa banyo bago pa siya makapag react ng kung ano ano. Ako talaga ang pinepeste niya dahil nasa Canada si Eka ngayon, ang sarap tirisin ni Kuya sa totoo lang.

Warm Changes (Seasons of Love Series #4)Where stories live. Discover now