CHAPTER 32

11 1 0
                                    

'Hey there miss, I'm outside. 😉'

Napangiti ako sa text ni Grayson, mabilis kong inayos ang pagkaka sabit ng bag ko sa balikat ko saka patakbong bumaba.

"Oh, oh? Easy, bakit may patakbo?" Pag harang ni Daddyow sa 'kin.

Humalik lang ako ng mabilis sa pisngi niya, "mag lakad po kami ni Carl!" Sa kusina na ako dumaan para magpaalam din kay Lola.

"Uwi kaagad mamaya okay?"

Tumango nalang ako at tumakbo na palabas. Pagbukas ko ng gate ay bumungad sa 'kin ang malangiting Carl Grayson habang nakasandal sa sasakyan niya.

"Ready?" Binigyan ko siya ng malaking ngiti, pinagbuksan niya ako ng pinto. Hindi ko alam kung paano nila inuutusan o inaalila ang mga natalo, basta ang alam ko lang ay nauutusan nila 'yung mga 'yon minsan. Hindi naman parati dahil alam din nila na busy ang mga 'yon.

"Wala kayong rehearsals?"

Umiling ito, "sila mayroon, ako wala."

Nakaramdam tuloy ako ng pagka guilty, "pwede naman next time nalang, para makasabay ka sakanila."

"Hey relax, they can function without me. Kaya ko naman habulin kung ano ang na-practice nila ngayon."

"Are you sure?"

He took my hand, "yes, I'm sure. So don't worry okay?"

He didn't let go of my hand the whole ride, I was just asking for him to come with me to buy some stuffs for the school year. Last year na ng college namin, finally.

Almost everyday kaming magkasama nitong nakaraan, ang dami ko nang nalalaman sakaniya. He's a dancer by heart but a chef bt profession. He likes the color of darker blue to almost black, he has this weird habit of fixing his hair even though it's not messy. He's kind of my stalker before, which I find creepy. It took me days to even absorb it.

It doesn't really gives justice to what he knows about me, it's like he's been with me all my life. He knows everything!

"Chloe said she misses you already, should I bring you home?"

Napatingin ako sakaniya, "sainyo?"

Tumango ito, "yep, is that okay?"

"Kapag maaga tayo natapos mamili, sabi kasi ni Lola sa 'kin uwi raw ako maaga."

Ngumiti lang siya, "okay then."

Hindi ko na siya talaga sinabihan kung saan kami pupunta, he knows where I buy almost all of my stuffs. He parked at muji, inayos ko muna ang buhok kong nagulo dahil nakatulog ako.

Pinagbuksan niya ako ng pinto, nilagay niya pa ang kamay niya sa may kanto ng pinto para hindi ako mauntog. I giggled when he puts my sling bag around him. Maliit na nga 'yon mas lalo pa nagmukhang maliit sa katawan niya.

"Bagay sa 'yo," I wiggled my eyebrows.

He flipped his imaginary long hair, "I know right sissy?"

I laughed so loud that some people looked at us, but I don't mind. That's hilarious for me, ang lambot pa ng ginawa niyang paglagay ng invisible hair sa tainga niya.

"Baka may idadagdag ka pa? Nahiya ka pa punuin 'to e," inangat niya ang basket ng mga pinamili ko. Actually may mga idadagdag pa talaga ako, nakita ko ang mukha niya na nagsasabing 'sabi na nga ba'.

Warm Changes (Seasons of Love Series #4)Where stories live. Discover now