Nag-thumbs-up siya gamit yung nakataas niyang kamay.

Tumango si Michelle at kinausap ang staff niya. May lumapit naman sa amin para ayusin yung makeup namin. Dinagdagan nung makeup artist yung blush sa pisngi ko. It is supposed to be our first night anyway.

Lumapit ako sa kama bago kami tawagin para sa shoot. Hinintay kong umalis yung nag-aayos sa kanya bago ko kinausap. "Migs."

Inangat niya ang ulo niya para magtama ang mga mata namin. "Hannah."

Lumunok ako kasi parang biglang ayaw lumabas ng mga salitang gusto kong sabihin. Para akong isda doong nakabuka lang ang bibig at gumagalaw pero walang salitang lumalabas.

Kumunot ang noo niya at umayos ng upo. "Kausapin mo ako. Ayaw mo ba? Sabihin mo lang, aalis tayo."

Umiling ako. Dahil lang sa pag-aalala niya sa akin kaya nasabi ko, "I trust you."

Lumambot yung expression ng mukha niya, inabot ang kamay ko at pinisil iyon. "Salamat sa pagbibigay mo sa akin ng tiwala."

Alam niya. Alam niya kung gaano kahirap yung pagbibitiw ko ng tatlong salitang iyon at kung gaano kaimportante sa akin ang magiging pagtanggap niya sa sinabi ko. I've never placed my trust on someone kaya nga malaking leap of faith ang ginagawa ko.

Awkward ang naging simula ng shoot dahil sa akin. Dim ang mga ilaw para sa intimate na ambience kaya kahit anino, mahirap makita. Nakikiramdam lang ako sa mga nasa paligid ko kaya sobrang sensitive ko. Sa tuwing lumalapit kasi si Migs, medyo iniiwas ko yung katawan ko at nagiging rigid ang tayo ko. Iba kapag kamay lang namin ang magkalakip, iba kapag buong katawan na. Ayaw ko talagang may tao sa likuran ko kaya hindi ko makontrol ang reaksyon ko kahit na si Migs pa iyon. Nang hawakan niya ang strap ng suot kong pantaas, napatalon ako sa gulat. Agad naman siyang dumistansya sa akin.

Mahina para kaming dalawa lang ang nakakarinig ay nagsalita siya sa may tenga ko. "Hindi kita sasaktan, Hannah. Sumunod ka lang sa pangunguna ko."

Tumango ako. Pagkatapos ng ilang pintig ng puso ko ay lumapit uli siya.

"Tumingin ka sa akin."

Tumingala ako at umanggulo ng tingin patalikod. Sinalubong ako ng matang pangdiyos niya. Iyong mga matang nakikita kahit ang mga bagay na pilit kong itinatago. Instantly, I relaxed. Sobrang linaw kasi ng mata niya, ramdam na ramdam mo yung presensya niya. Ramdam mo na sa'yo nakatuon ang pansin niya at kitang-kita mo halos ang intensyon niyang pakalmahin ako.

I learned that was the trick. Sa buong shoot, pinanatili niyang naka-lock ang tingin niya sa akin. Aalis niya lang sa sandali pero agad-agad na babalik sa akin. Nang tanggalin niya ang pantaas ko, hindi gumala ang tingin niya't nanatili sa mata ko. Dahil sa ginawa niyang iyon ay nagawa kong hindi mag-isip ng iba pang mga masasamang bagay. Sa panahong iyon, siya lang lahat. Lahat ng senses ko aware sa kanya at sa malakas niyang hila sa akin. Sa mga bisig niya, naramdaman kong ligtas ako.

Karamihan sa mga litratong nakuha ay nakahiga ako, buti na lang.

Tinuturuan kami ni Michelle ng mga dapat na anggulo. Hindi pala simple ang pagkuha ng mga ganitong litrato dahil madetalye kaya maya't maya rin kaming nag-a-adjust. Sa tuwing lumalayo sa akin si Migs, inaangat niya yung kumot at tinataklob sa akin para hindi makita ng mga kasama namin sa studio. Grateful ako dahil doon.

Para sa last shot, kinausap ni Michelle si Migs. Nakaupo ako sa gitna ng kama, nakapulupot sa kumot at pinapakinggan silang mag-usap. Once in a while, kinakausap ako ni Michelle at gumagalaw yung kamay niya na may malalaking gestures habang nagpapaliwanag. Nakita ko ang excitement sa mata niya. Naniniwala talaga siya sa winning shot na 'to.

The Sweetest EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon