"Red?" tinapik ko siya pero tulog pa din.

"Zen let's go!" napalingon ako at nandun si Zameah. Nauna ng lumabas ang iba.

"Red?" niyugyug ko siya at maya-maya pa ay nag angat siya ng tingin. Hala ang cute niya. Mapungay ang mata niya at parang antok na antok.

"lunch na" nag inat naman siya bago humikab.

"gusto mo bang sumama sa'min?" tinitigan niya muna ako bago kay Zameah.

"sige" wow ang ganda ng ngiti niya.

Tumayo siya bago kami sabay na naglakad.

Ako nga pala si Kiera Zen Frost, Princess of Blizzard.

-

*ASTRED*
Humihikab ako habang naglalakad kaming tatlo.

"hi, ako nga pala si Zameah Kirazi" masiyahin ah. Brown ang buhok niya hanggang balikat, cool gray ang mga mata. Pansin ko lang na magaganda ang mga itsura nila dito ah. Lupet.

"sabay kana sa'min kumaen?" nabigla ako ng kumapit sa braso ko si Zameah. Napasimangot naman si Kiera.

"akin siya, ako nauna" nakanguso niyang sabi kay Zameah bago kumapit sa kabilang braso ko.

"ako!"

"ako!"

Napabuntong hininga ako bago sila tinitigan. Pinag-aagawan ba nila ako?

"Red ako nalang bestfriend mo ah?" parang batang usal ni Kiera.

"hindi, ako dapat, diba Red?" naiiling nalang ako sa dalawa hanggang sa makapasok kami sa cafeteria. Yung iba nakatingin sa'min. Hanggang sa napahinto ako kasi huminto sila sa isang table, nagsasagutan pa din sila.

"Can you let me go, please?" Hindi ba nila napapansin na kanina pa nakatingin itong mga lalaki sa table kaharap namin?

"okay sige, kuha ka ng pagkain tapos balik ka dito ah" napatango nalang ako at kumuha ng pagkain, nasabi pala ni tanda na libre ang mga pagkain dito. Hindi naman ako gutom kasi marami akong nakain bago ako pumasok. Namili lang ako ng juice na nasa square na kahon. Nilagay ko ang straw bago lumapit sa kanila. Tumabi sa'kin si Kiera habang nakatayo ako.

"Red, ipapakilala ko sila" tumapat ako sa table nila. Mabigat ang awra nung isa dito sa table nila.

"this is Kaden Lux Drago" pakilala niya dun sa lalaking brown hair at hazel eyes. Siya yung nakita ko sa market kasama ni Hozu.

"hi" wow ang pogi niya kapag nakangiti. Tanging tango lang ang sagot ko.

"Siya naman si Kairo Vlen Frost, kuya ko siya" pareho sila. White hair and silver eyes. Nakangiti din siya, mukha siyang mabait.

"Siya naman si Hozu Drenim, babaero yan kaya lumayo ka sa kanya" gusto ko sanang tumawa kaya lang tinatamad ako.

"grabe ka naman sa'kin" wag kang ngumuso, Mukha kang pato.

Nabaling ang tingin ko sa lalaking seryoso lang na kumakain at parang walang pakialam sa paligid. Sa kanya pala nanggaling yung mabigat na awra.

Kakaiba ang amoy niya. Bakit ganun.

"siya naman si Keelan Lore Drago" bulong niya. Kailangan bumulong?

"masama siyang magalit. Wag mo siyang titignan sa mata, ayaw niya nun?" Huwag titignan sa mata? Aahh, yung sa bayan. Yung malamig na lalaki. Yung human AC, oo siya nga yun.

"meron pang isa kaya lang wala pa dito eh" hmm.

"guys siya nga pala si Red" tango lang ang sagot ko dahil tinatamad ako. Aalis na sana ako ng hatakin ako ni Kiera.

"tabi tayo" bigla namang tumayo si Zameah at kumapit sa kabilang braso.

"no, kami ang magkatabi!"

"no, ako unang nagpakilala kaya magkatabi kami!"

"anong konek nung pagpapakilala?"

"basta tabi kami"

-

*HOZU*
Nakatingin lang kami sa dalawang nagtatalo habang hawak yung braso niya, habang siya wala man lang expression ang mukha. Ngayon lang sila nagka-interes makisalamuha.

Naiiling nalang ako dahil sa dalawang to. Dahil sa pag aaway nila ay hindi nila namalayan na umalis na si Red sa tabi nila.

"hey" nabaling ang tingin sa'kin ni Kairo. Nakatitig kasi siya kay Red.

"what?" kunot noo niyang tanong bago nagsimulang kumaen.

Huwag mong sabihin na tinamaan siya kay Red. I admit maganda si Red. Sexy, type ko nga siya eh. Yun nga lang, mukhang mahirap siyang makuha.

Napalingon naman ako sa kaharap kong kanina pa tahimik na kumakaen, wala man lang pakialam sa paligid. Ano ba naman aasahan kom sa lahat ba naman dito, siya ang pinakamahirap lapitan.

Swerte mo nalang kung ituring ka niyang kaibigan.

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Journey To Another World Where stories live. Discover now