Chapter 13

1K 64 3
                                    

*LEXUS*
"master, sigurado po ba kayo na iiwan niyo siya dun sa dalawa?" tanong ni Zali sa tabi ko. Napangiti nalang ako na agad naman niyang nakuha.

"pero walang awa ang dalawang yun master, baka mahirapan si Red"

"wag kang mag alala, makakaya niya yun" i was staring at the kingdom wall.

Soon Red, you will set foot on that kingdom to know who you really are.

"Zali"

"yes master?"

"tell the headmaster to let her in the academy"

"yes master" Zali transform into a crow, oh well, he's not human.

I know you can do it.

-

*FERN*
"anong gagawin natin sa kanya?" napairap nalang ako sa babaeng to.

"kung anong dapat gawin" sagot ko habang nakatingin sa kanya na nililibot ang paningin sa loob ng puno.

May kakaiba sa babaeng to, iba ang pakiramdam ko sa kanya.

"so she is the one who travel through dimension" paano siya nakapasok dito. Nakapagtataka kasi tao lang siya at walang kakayahan na magbukas ng gate.

"how did she get here in the first place? she's just a mere mortal" only master and those knights siblings are able to travel through dimension.

"there's something in her that i don't like" seryosong sagot ko habang pinakatitigan siya. She looks normal pero iba ang pakiramdam ko eh.

"like what?" maarte niyang tanong kaya inirapan ko nalang siya.

"i don't know" bago ako tumayo at lumapit sa kanya.

Napaka-inosente naman nito.

-

*LIGHT*
Hmp! Napaka mo! Napanguso nalang ako at lumipad para makalapit sa kanila.

"what?" malamig na tanong niya. Oh my god! She is something. Pero bakit parang may kamukha siya.

"paano ka nakarating dito?" napairap nalang ako sa kamalditahan nitong si Fern, were actually friends, we always fight, that's our sign for being a good friends for such a long time.

"kasama ko si tanda, galing kami sa bahay niya, lumusot sa puno" feel the sarcasm. At anong tanda? Walang galang, hindi ba niya alam kung sino yung sinasabihan niya.

"that is not what i meant!" inis na sabi ni Fern.

"gomen" malamig niyang sagot. Nagtinginan kami ni Fern dahil hindi namin naiintihan ang sinabi niya.

"what did you say?" ibang lengwahe ang binanggit niya. Malamang galing siya sa ibang mundo Light, isip isip din minsan.

"nothing"

"paano ka nakapunta sa mundo namin?" san ba siyang mundo nagmula?

"may humatak sakin sa salamin at hindi ko alam kung sino, nagising nalang ako na nasa kwe---i mean dito sa mundo niyo" parang may iba pa siyang sasabihin eh.

"ah ganun? Okay" luh! Yun lang yun?

"ano nga palang gagawin ko?"

"kami ang magte-train sayo, tuturuan ka naming humawak ng armas" bored lang ang mukha niya.

"aah" napataas nalang ako ng kilay. Seriously? Yun lang ang sasabihin niya? Hindi man lang siya magtatanong kung madali o hindi? My goodness! I cannot!

"wag kang mayabang dahil hindi magiging madali ang training mo" sige Fern, sungitan mo.

"okay" nagkatinginan pa kami ni Fern. Seriously? Wala man lang ba siyang pakialam?

"kailan magsisimula?"

"bukas na bukas din, sa ngayon magpahinga kana. Blue, ihatid mo siya sa kwarto niya"

Kakaiba ang babaeng to.

-

*HEADMASTER*
Napatingin ako sa bintana ng may biglang pumasok na ibon.

"headmaster"

"oh Zali, bakit?" himala, pinapunta ng matandang yun ang batang to. May problema kaya?

"may papasok ditong babae, gusto ni master na tanggapin niyo siya" napakunot noo ako at sumandal sa upuan.

"sinong babae yun at kailangan na papuntahin ka pa niya dito?" nakakapagtaka. Ngayon nalang ulit siya nagpasok ng estudyante maliban sa mga Knights na kinuha niya.

"importante siya at kailangan niyang makapasok dito, sa isang buwan siya makakarating"

"bakit hindi nalang ngayon? Tutal bukas na ang Academy sa mga estudyante" kailangan ba talaga sa isang buwan.

"nasa Pixie Mountain pa siya at sa isang buwan pa ang dating niya"

Pixie Mountain? Himala, pinapasok siya ng guardian.

"Astred ang pangalan niya"

"oh sige, aasahan ko ang pagdating niya" yumuko muna ang bata bago lumipad palayo.

Sino na naman kaya ang ipapasok niya. Lahat ng dinadala niyang estudyante dito ay hindi basta basta.

Is she that important at kailangan pa niyang utusan ang alaga niya?

I wonder who that is.

-

*ASTRED*
Gaya ng sinabi nila, ngayong umaga ang simula ng training ko daw kuno. Sumunod lang ako sa kanila hanggang sa huminto kami at tumapat sa mga nakahilerang armas.

Sword, daggers, shuriken, bow and arrow, alam kong gamitin to. May latigo, boomerang at kung ano ano pang gamit. Kaya kong gamitin to maliban sa boomerang, lahat kasi nagamit ko na, natuto ako nung bata pa ako, dahil yakuza si dad kaya kahit baril alam kong gamitin.

Miss ko na si dad.

"siya ang makakalaban mo" lumingon ako at nakita ko ang ugat na nagform ng isang hugis tao. Wala siyang mukha, ugat lang siya.

"ano na? Dalian mo at sa susunod ay kami naman ang makakalaban mo" masungit na sabi ni Fern habang nakaupo sa parang ugat na trono, habang si Light ay nakadapa sa isang sanga ng puno.

I took a sword, normal sword lang siya pero kung titignan, sobrang talim niya. I even saw my reflection on it.

"hindi magiging madali ang training mo kaya umayos ka" napairap nalang ako bago hinarap ng ugat na may hawak din na espada.

It held the sword so well bago ako inatake, hindi ako umalis sa pwesto ko at pinag-aralan lang ang galaw niya. I bend my body bago sinipa ang ugat, napaatras ito pero agad din akong sinugod. It strikes from above kaya agad akong umiwas at sinalag ang mabilis na kilos niya. Mabilis nga siya, pero may kulang. Pinaglaruan ko ang sword bago ko ilipat sa kabilang kamay, umikot ako sa likod at pinuntirya ang ulo niyo. The sword is sharp kaya naputol agad ang ulo nito.

Napatingin ako sa dalawa na nakanganga. Galing ko diba?

"ahem, magaling ka pala"

"sa una lang yan, kung sa level, easy pa lang" sabihin niyo nalang kasi na magaling ako.

"kailangan mo din mailabas ang kapangyarihan mo" napairap nalang ako sa sinabi ni Light bago sila hinarap.

"i'm a mortal, i don't have magic!" inis na sabi ko tapos nagtinginan sila.

"hindi ka dadalhin dito ni master kung wala kang kapangyarihan"

Oh great, bakit ba mapilit sila? Meron akong magic, pero hiram lang. Kay Dromir kaya yun.

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you in advance!

Journey: To Another World Onde as histórias ganham vida. Descobre agora